"Clark, I'm madly inlove with you!" sabi ng babaeng kausap ni clark
"Sorry hannah, pero di kita gusto. Sana mapatawad mo ako"
Nandito ako sa room 407 classroom ni clark, patagong nakikinig sa sulok. Ano nanaman ba ang ginawa ng lalakeng ito? Nagpaiyak nanaman ng babae. Joscolored! Kailan kaya magbabago ang lalakeng to!
"P-Pero clark! Paano nalang yung mga pinagsamahan natin?" pagpapatuloy ng girl
"Sorry talaga, pero kahit kailan di kita minahal"
"Di mo talaga ako minahal!" isang malakas na sampal ang nakuha niya, puta! Sakit nun!
Unti-unting tumulo ang luha ng babae at tska nag walk-out, napabuntong hininga nalang si clark tsaka tumikhim ng konti
"Hoy babae! Lumabas ka na diyan!" sigaw niya kaya agad naman akong napatalon sa kinatataguan ko
"P-Paano mo nalaman?" sabi ko
"May sense kasi ako!" agad na sabi niya, napatingin naman ako sa kanya na parang nagtatanong
"Sabi ko may pandama ako, di tulad mong isang manhid!" sigaw niya tsaka na niya ako iniwan
"Ha! Ano daw, labo naman nun? Hoy! Wag mo akong iwan"
.....
Uwian na namin ngayon, malapit lang bahay namin at bahay ni clark kaya lagi kaming sabay umuwi, kaibigan ko si clark since birth, naging malapit ako sa kanya dahil parehas kami ng gusto. Oo parehas kaming may gusto sa babae, di pa rin alam nila mama na tibo ako dahil na rin sa pananamit at buhok ko hahaha!
"Hoy bakulaw!" sigaw ko sakanya
"Gago napano ka!" sigaw niya rin saakin
"Totobits tayo, libre ko"
"Himala! Kailan burol mo?"
"Gago!"
"Di nga! Seryoso?"
"Ayaw mo?"
"Ito naman nagtatanong lang" sabi niya tsaka siya pumatong sa likod ko para pusanin siya"
"Gago! Ang bigat mo" sigaw ko sakanya
....
Nakarating na kami sa totobits ngayon, habang kumakain kami sa tusok-tusok may isang babae nalang ang lumapit kay clark
"Clark?" sabi ng girl, agad namang napatingin si clark na parang gulat
"Hazel? Ikaw ba yan?" nakangiting sabi niya
"Yes! Kumusta ka na clark? Matagal na rin nung huli tayong nagkita" masayang sabi rin ng babae
"Sino siya?" singit ko sa kanilang dalawa
"Ay oo nga pala! Ema si hazel pala, long time crush ko hahaha!" sabi ni kumag, nakipag kamayan naman ako doon sa babae. Tinignan ko siya sa ulo hanggang paa, maganda siya ang kaso may part na panget siya at di ko siya gusto para kay clark. Pinaka titigan ko siya baka sakaling matunaw.
"Hoy! Baka mainlove ka pa dyan, wag mong aagawin yan dahil akin lang yan" tawang sabi saakin ni clark, hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Pero bakit parang nalungkot atta ako nung marinig ko yun? Ano ba tong nararamdaman ko? Never mind na nga lang.
"Medyo dumidilim na kailangan ko ng umuwi clark" sabi nung girl
"Hatid na kita!" pagpiprisinta ni clark
"Sige ikaw bahala" ngiting sabi nung girl
"Sandali lang! Paano naman ako clark iiwan mo ako dito?" sabi ko
"Kaya mo ng umuwi noh! Geh hatid ko muna si hazel" tsaka na sila umalis,
"Baliw ka talaga! Pagkatapos kitang ilibre!" sigaw ko sakanila, nag peace sign lang siya habang papalayo na sila "Gago ka talaga!" pahabol ko
bakit parang ang sakit saakin na makita silang dalawa? Bakit ko ba nararamadaman ang ganito? Sa dinami dami ng kinakasama ni clark, bakit kay hazel lang ako nag selos ng ganito, unti-unti niya na bang aagawin si clark saakin? Wala akong nagawa kundi ang umuwi mag-isa....Nahulog na atta ako sayo clark
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Pa-fall (One-shot)
FanfictionWhen something amazing happens, he's the first one you want to tell. He's not afraid to tell you when you are with the wrong guy. He's the first one you call when things are going wrong. - Emily ▣▣▣▣▣