VIII

2 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng magkita kami ni Diether, hindi rin naman ganun ka nagtagal ang usapan namin,

"Kamusta kana?"

"Ayos lang ako, ikaw?"

"Ayos lang din, nga pala akala ko sa Cruicio ka mag-aaral? Bakit ka nagttansfer?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Bakit nga ba Chia? Bakit ka nga ba nagtransfer?

"Wala lang haha." Awkward na tawa ko, alanganaman sabihin ko dahil ayaw ko na syang makita, hindi ba?

"Chia alam kong hindi naging mag-" pasimple kong tinignan ang cellphone ko at nagkunwaring nagulat sa binasa ko

"Bakit?"

"W-wala! Sige mauna na ako!" Dire-diretso akong lumabas sa coffee shop walang lingon-lingon, at walang sorry-sorry sa mga nabunggo ko, ang alam ko lang kailangan kong makaalis sa lugar na to, kailangan ko syang layuan dahil kung hindi

Baka di ko mapigilan yung sarili kong mag makaawa na ako nalang, na ako naman...

"Earth to Chia! Earth to Chia!" Dahan dahan kong inangat ang ulo ko sa pag subsob sa arm desk

"Ang ingay mo naman." Simpleng sabi ko kay Bea, hindi ko pa rin pala na kukwento sakanya ang pag kikita namin ni Diether dahil alam kong pagagalitan ako nito at sasabihan na naman ng tanga, at alam kong hindi yun ang kailangan ko.

I need a sincere hug from someone to help me ease the pain.

"Ilang araw ka ng matamlay, and look at your eyes, you put eyeliner again. May problema ka." It's not a question it's a statement.

"Wala. Ang nega mo, ang plain kasi ngayon ng mata ko, walang ka spark spark kaya ayan nilagyan ko na ng eyeliner. Hahaha dyosa?" Umiling lang sya at nag patuloy sa pag hi-highlights nya sa libro namin, at ako naman ay muling sumubsob sa arm desk.

"Chi, alam mo di ka magaling na sinungaling, kung may problema naman pwedeng pag usapan." Habang nakayuko ay umiling lang ako, pero peste yung luha ko nag babadya na, pigil na pigil akong tumulo, ay mali,

Ayoko na pala tong tumulo dahil sa parehas na rason.

"Cr lang ako." Dali-dali akong tumayo,

Takbo lakad ang ginawa ko makarating lang sa cr,

Pag ka dating ko ay diretsio cubicle agad ako at wala na nga di ko na na-control, I sob and cry even harder.

Maaga akong umuwi ng eskelwelahan, mga bandang 3:48, I texted Bea na sumama ang tyan ko at umuwi na, ang dinahilan ko naman kay Nana Ina, ay masakit ang ulo ko, ipinaghanda pa nga ko ng lugaw at pinainom ng gamot.

"Ang aga mo, umiyak ka ba nak?" Ngiti at isang iling lang ang sinagot ko kay Nana Ina, at dumiretso na sa kwarto ko.

I can't stop myself from reminiscing our first met, the way he handed me his handkerchief, the way he advice 'bout how I felt,

And the way he say that I can't cry over someone, over and over again,

But now Im crying, Im crying because of him, over and over again.
-
Hindi ko maiwasan ang hindi isipin kung ano kaya ako, kami ni Diether kung hindi ko sinubukan umamin sakanya, kung hindi ko sinabi na gusto ko sya.

Tatagal kaya? Tatagal kaya yung friendship namin na nagsisimula palang?
--

Nagising ako ng bandang alas-dies ng marinig ko si Nana Ina na nay ka diskusyunan sa baba,

RuinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon