VII

0 0 0
                                    

From: Cassie Bueza
May problema ka.

To: Chia Aquino
Cass, Im just Chia. Ako lang naman yung babaeng patay na patay sakanya. Na isang pm nya lang pag bored sya alam nyang magkukumahog na agad sa pag rereply sa kanyang. Isang babaeng may gusto sakanya. Si Chia lang ako, at hanggang dun lang ako sa paningin nya. Nothing more nothing less. Hindi ako papantay sa mga babaeng nagustuhan o nagugustuhan nya. Cass, ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ang sakit naman na yata? Do I really deserve this kind of fvck life?

From: Cassie Bueza
No, you don't deserve any of this Chi, he's not deserving, sya itong hindi ka deserve! Wag mong dinadown ang sarili mo. Hindi ka si Chia lang, you're a strong woman. At mas madami pang may deserve sayo.

To: Chia Aquino
But, I wan't him. Only him

From: Cassie Bueza
That's, not possible Chi, sayo na mismo nanggaling he has her ex-girlfriend.

Hindi na ko nagreply pa sa huling chat ni Cassie, yeah. Nagkaron ng bagong girlfriend si Diether, her name is Rian, she's pretty, pero ang alam ko ay naghiwalay din sila, kung ano ang rason ay hindi ko alam. But sometimes twing napapadaan or ini-stalk ko ang facebook wall ni Diether, nakikita kong nag popost'an sila sa wall ng isa't-isa ng kung ano-ano. At pag dating naman sa twitter, ay puro drama ang nakikita ko sa wall nya, kesyo miss nya na, yun nga lang ay wala na sila. But I can tell that he really love Rian, that he really fall inlove, and still in love with her, and I envy her.

And it's been a year. Isang taon na ang nakalipas, but still, gusto ko parin sya.

Nagtranfer ako sa ibang school ng mag college ako. Hindi ko yata kaya ang makasalubong sya pag nagkataon nasa same department kami. Hindi ako handang harapin sya.

Oo, paminsan-minsan nagkakausap parin kami through social media, pero sobrang dalang nun,

At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko sya namimiss,
Hindi ko alam kung normal pa ba sa edad kong ito ang kiliging tuwing nagkakausap kami, minsan natatawa nalang ako, pero aaminin kong namimiss ko yung dating meron kami,

Kung ano man yun, hanggang pagkakaibigan lang, at alam kong hanggang doon lang ang lahat.

At masasabi ko rin na he change a lot. Pakiramdam ko ay naging babaero na din sya. Dahil kung sino-sino ang naka in relationship sakanya kung minsan. Siguro dahil nasaktan sya ng sobra kaya sya nagbago? But I miss the old him.

Ang lagi ko ngang sinasabi, ayos lang na wag ng bumalik ang dating kami, basta bumalik lang yung dati sya,

Because I want to see him happy again, even though Im not the reason.

I wish for his happiness, that's it.

"Hindi ka pa ba papasok?" Napalingon ako sa pumasok ng kwarto ko, it's Nana Ina, pinagpatuloy ko ang pagsusuklay ng buhok at tumingin sa repleksyon nya sa salamin.

"Papasok ho na,"

"Nasa baba na ang kaibigan mo."

"Susunod na din ho." Minadali ko ang pag-aayos ng sarili, ang sinasabing kaibigan ko raw ay si Bea, she's my new bessy.

Masaya naman sya kasama, no let me replace it, masaya sya kasama. Tipong makakalimutan mo ang lahat sa kahyper'an nya.

"Ang tagal!" Reklamo agad nito pagkababa ko ng hagdan, isang ngiti lang ang iginawad ko dito at mukhang naintindihan nya na ko, kaya naman nagpaalam na kami kay Nana Ina na aalis na kami,

Pag ka-para palang namin ng tricycle ay tinanong na ko ni Bea kung ano ang nangyari, kaya naman sinimulan ko ng magkwento,

"Bayad po, so ang sinasabi mo simula ng maghiwalay yan si Diether at Rian na yan naging gago na sya?"

Lumakad kami papuntang gate 1 ng university'ng pinag-aaralan namin at tinuloy ko ang kwento.

"Oo, feeling ko. Kasi nung nakaraan this certain Bree tapos ngayon iba naman na ulit."

"Mahal nya pala talaga si Rian."

"Thanks Bes." Sabay tampal dito sa balikat.

"Hahaha pero seryoso, mahal nya talaga. Ayon sa mga kwento mo."

"Oo alam kong mahal nya. Wag mo na naman ipagduldulan sakin."

"Pero bes, hindi pa rin ba?"

"Ha?" Tumingin ako sakanya ng huminto sya sa paglalakad.

"Sya parin ba?" Tango lang ang naisagot ko sakanya at nagpatuloy na sa pag lalakad.

Buong klase ay nakatulala lang ako, hindi ko maiwasan isipin yung mga 'what if's sa utak ko.

Na paano kaya kung hindi ako umamin?

Ano na kayang meron kami?

But I end up my thoughts with the tears falling down through me eyes.

"Bes ano? Ugatin kana dyan sa upuan! Halika na kain na tayo."

"Inistalk ko sya."

"Tapos?"

"Ayun may bago na naman ka in relationship hahahaha."

Pagdating namin sa cafeteria umupo na ko sa bakanteng table.

"Wag kang tumawa. Muka kang ewan!" Agad napawi ang ngiti ko at na papout.

Maya-maya ay may pumasok sa pinto ng cafeteria, she's the transferee, kanina lang sya ipinakilala, at hindi ko alam kung bakit ngayon 3rd sem nya pa naisipan mag transfer dito,

Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa, naka uniform naman sya, pero mukhang hinabol nga plantsa.

"Bes?" Nabalik ang tingin ko kay Bea ng bahagya nyang hampasin ang mesa.

"Natulala ka. Nyare?"

"Sino sya?" At tinuro ko ang babaeng yun na kasalukuyang nakaupo sa sulok at kumakain ng baon nya.

"Hmm ewan. Classmate natin sya sa Physics. Bakit?" Agad akong umiling at nagsimula na ulit na kumain.
-

"Sige bye, see you tomorrow!" Nag beso-beso kami ni Bea at naghiwala y na ng daan, she turn right at ako naman ay dumiretso ng lakad,

Maganda ang whether ngayon, may mga bituin at malamig ang hangin, kaya masarap maglakad.

Sa kalagitnaan ng pag lalakad ko ay may tumawag ng pangalan ko... at kilala ko 'yong boses na yun.

"Chia!" Nag patuloy ako sa pag lalakad na para bang walang narinig,

Lakad Chi, lakad.

"C-Chia!" Pero ng may kamay na humawak sa balikat ko ay tuluyan na kong napahinto,

"Oh! Diether?" Sige, mag panggap ka pa Chia, panggap lang.

"Hindi mo ko narinig?" Halata sa boses nito ang gulat, napalunok na lamang ako ng sarili kong laway at tumango.

"Kamusta kana?"

Ito, mahal ka pa rin

"Ayos lang ako, ikaw?"

"Ayos lang din, nga pala akala ko sa Cruicio ka mag-aaral? Bakit ka nagtransfer?"

---

RuinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon