Chapter III

9 2 0
                                    

Aramagne Point Of view

Nasa Ospital ako

Sinundan ko si Eze

Hinatid niya ang mga sugatang biktima rito

Nakita ko ang panaghoy nang mga kaanak ng biktima

Nakita ko ang Isang lalaki na labis ang pagdadalamhati dahil hindi lang basta siya nawalan ng kasintahan nawalan din siya ng kanyang panganay na anak.

Halos maiyak ako sa pinagdaraanan niya

Pero ganto talaga ang buhay may aalis

Lahat ng bagay may hangganan.

Sa pag mamatyag ko sa paligid nakita ako ng mga taong nakakaramdam  ng sakit.

*ring*

Tumunog ang telepono ni Eze

"Hello, nandito ako sa Osp----"
Putol nitong sabi.

"Ano si Ara? , Oo pupunta ako ngayon na "

Agad na umalis si Eze sa Ospital sumunod naman ako

Habang nagmamaneho si Eze makikita mo ang pagkabigla sa kanyang mga mata.

Mali takot ang makikita mo sa kanyang mata.

Ano kaya ang kinakatakutan niya.

Nang makarating kami sa isang malaking bahay.

No hindi siya bahay kundi mansion

Mansion na Pamilyar saaking mga mata

Na para bang .... ewan

Sumunod ako rito

Habang naglalakad siya.

May isang matandang babae ang sumalubong sakanya.

Habang tinitigan ko ito ay hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking luha sa mata.

"Sir Eze, Magandang gabi po"

"Kamusta na siya ? Si A---"

Ano ito?

Bat parang wala na akong marinig ?

Hindi ko na marinig ang kanilang usapan.

Nakikita ko nalang ang pagbuka ng kanilang bibig

Biglang bumagsak ang luha ni Eze at kumaripas siya ng takbo

Sinundan ko siya ng makarating siya sa isang kwarto

Tumigil siya. Nagpunas siya ng luha pagkatapos ay pumasok na siya rito.

Papunta na sana ako sa kwartong pinasukan niya  ngunit para bang may isang harang ang nakapaligid rito.

Hindi ako makalapit

Bakit ? Ano ba ito?

Naglakad ako paalis sa kwarto

At sa di kinalayuan may nakita akong isang puno.

Umupo ako roon at patuloy na nag- isip kung bat may kakaiba akong nararamdaman.

Noong una bat hindi ko marinig ang kanilang usapan.

May privacy ba pati dito?

Pangalawa bat parang may shield? Sa kwartong iyon?

Anong kwarto iyon?

Totoo ba ito?

Haysss

Nasan na ba si kamatayan?

Faded MemoriesWhere stories live. Discover now