Chapter 4 [ILY] First day.

65 3 0
                                    

[A/N:] This is the update of the decade. Chos! Naawa ako dito sa story ko almost one month walang UD. HAHAHA. Please do read then VOTE, okaaaay? ^_^ Pagpasensyahan na.

~

Marielovesyou. xoxo :*

Chapter 4 [ILY] First day.

GAB’S POV

Andito na ako ngayon sa school. Napaaga ang pasok ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko excited ako sa araw na ‘to. Dahil ba dun sa babaeng yun? Gusto ko na ba yun? Anak ng! Gusto na agad? Hindi ba pwedeng pinagtitripan lang? Psh.

After some minutes, dumating na din siya. Sinalubong agad siya ng mga kaibigan niya. Nakita ko siyang mag-smile. Oo na. Maganda talaga siya. Lalo na pag nakangiti siya. Hindi yung puro pagsusungit ang alam! Nakakainit lang ng ulo eh!

Dumeretso na ako sa classroom namin. Makapasok naman ng tama sa oras. Palagi na lang kasi akong late eh. Bago-bago lang pre! ^_^ At tsaka, mangongopya pa nga pala ako ng assignment sa Trigo. Yari kay Ma’am Padua pag wala.

“Hoy pare! Aga natin ngayon ah” bati ni Sean.

“Oo nga. Anong atin?” si Jay.

“Baka may chicks. Pakilala mo naman!” si Rem.

Masama na ba pumasok ng maaga ngayon? Kailangan may rason muna? Chicks daw! Hindi rin!

“Bagong-buhay lang mga tol” sagot ko sa kanila.

Umupo na ako sa upuan ko at sinimulan ko na mangopya ng assignment. Kanino? Dun sa isa kong classmate na babae na alam kong may gusto sa akin. Siya talaga ang nag-offer nung homework niya. Ayos may pakinabang.

Dumating na si Ma’am at ayun wala pa din pumapasok sa utak ko. Nakakatamad talaga mag-aral. Bakit kaya? Kung mag-home study na lang kaya ako? Ay hindi pwede! Hindi ko pa nakukuha ang hustisyang hinahanap ko sa babaeng yun.

Five minutes before the bell, nagbigay na naman ng assignment si Ma’am. Walang sawa? Tss. Second period na. Gusto ko na ulit marinig yung bell para recess na! Nakakagutom naman kasi ang makinig sa mga teacher na ngawa ng ngawa sa unahan. Hays. Akala ko magbabagong-buhay na ako? Ang labo ko din. >.< Ayan. Malapit na. Konti na lang.

KRAAAAAAAAAAAAANGGGGGG!

Yun! Recess na!

Nagmadali akong pumunta sa canteen. Gutom na gutom na talaga ako. Ewan ko ba. Pagkain siguro talaga kahinaan ko. Swerte wala pa masyadong taong nakapila. Nang biglang----

“H-hi” bati niya sakin habang nakayuko.

“Tamang-tama!”

“Ang alin?”

“Oh eto bente pesos.” kinuha ko yung kamay niya at inabot ko sa kanya

“Ha?”

“Bumili ka ng pagkain na sa tingin mo mabubusog ang master mo sa halagang bente pesos.”

“Anak ka ng nanay mo! Saang lupalop ako makakabili ng ganun? Sa canteen pa nga lang natin, tubig pa lang hindi ka na makakabili!” kanina medyo utal tapos ngayon nagiging high pitch na naman? Walang duda. Bipolar nga ito. At anak daw ako ng nanay ko? Aba’y natural!

“Talagang sumasagot ka na sakin ngayon? Bibili ka ba o hahalik----”

“Ikaw naman hindi ka na mabiro. Eto nga bibili na po master. Hehe”

“Good. Now go.”

Umalis na siya sa harapan ko at nakita kong nagtitingin na siya ng pwedeng mabili sa halagang bente pesos. Wala lang akong maisip kaya naman nung sakto naapa ko yung bente sa bulsa ko, yun na lang pinagawa ko sa kanya. Pero hindi kami naghihirap ah!

I love you then, I love you still and I always will.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon