Chapter 2 [ILY] He's innocent.

173 12 0
                                    

Chapter 2 [ILY] He’s innocent.

KRAAAAAAANGGGG! KRAAAAAAAAANGG!

Tunog yan ng bell para sa last subject. Ibig sabihin awasan na.

Dali-dali akong pumunta sa back gate ng university namin. Doon kasi naka-park yung kotse ko. Yes. I can drive even I’m only 16. Pinapayagan ang lahat ng students dito na mag-drive kahit wala pa sa right age. Ganito sa school namin. Kaya naman hindi maiiwasan ang mga nag-cucutting class.

I started the engine. Gusto ko na talagang umuwi at magpahinga! Masakit ang katawan ko. >.<

“Napaaga ata uwi mo?” bati ni Manang Rita. Matagal na rin siyang nagtatrabaho para sa pamilya namin. Sabi nina Mom and Dad, bago pa lang ako dumating sa buhay nila nandito na yang si Manang. Kaya naman mahal ko yan. Siya na nga ang nag-alaga sa akin since busy sa pagpapalago ng business namin ang parents ko.

Ako nga pala si.. Paano ko ba ipapakilala ang sarili ko? Ah! Alam ko na! Ako nga pala si Brix Gabriel Mercado dela Cruz. Mayabang. Sabi nila. Suplado. Sabi din nila. Gwapo. Sabi ko. ^_^v Madami akong kaibigan at sila ang may alam kung ano at sino ako. Ang parents ko. Ayun halos hindi ko sila mahagilap sa bahay. Business. Mahalaga sa kanila yun. Dahil dun, kaya ko nakukuha ang lahat ng gusto ko. Mahal nila ako alam ko yun. At naiintindihan ko naman na para sa akin ang lahat ng pinaghihirapan nila. Pero at times, minsan hindi ko sila maintindihan. Lagi silang wala sa bahay. Walang oras sa akin. Buti na lang andyan si Manang.

“At tsaka ano yang…ano yang sugat sa may labi mo? Kalian ka pa natutong makipag-away ha bata ka?”

Napansin ni Manang yung sugat ko. Pumutok kasi yung sa may labi ko! Arggghhhh! Umiinit talaga ang ulo ko pag naaalala ko yung nangyari kanina!

“Manang mahabang kwento. Isang babaeng walang pakundangan ang gumawa niyan sa akin! Tomboy ata yun o ano. Baka nagparetoke lang kaya nag-anyong babae!” kumukulo ang dugo ko! Magdidikit na yung dalawang kilay ko sa sobrang inis!

“HAHAHAHAHAHAHAHA!”

Manang?

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Biglang naging maligaya?

“A-ano? B-babae ba kamo hijo? HAHAHAHAHAHA!”

Oo babae Manang! Ano unli?! At tsaka anong nakakatawa dun sa sinabi ko?! Psh. Nice talking naman ‘tong si Manang. Kala ko concerned sa akin. Pagtatawanan lang pala ako? >_<

“Teka anak. Heto mahinahon na ako. HAHAHAHAHA! Tumawad lang. ^_^v Ano nga ulit yon?”

Pagkatapos niyang magtawa ng ganon, nalimutan na agad niya? Tumatanda na ata itong si Manang. Haaaays.

“Manang ang sabi ko po babae. Babae ang may gawa nito sa akin. Kanina lang. Sa school.”

“Prffffft” si Manang nagpipigil ng tawa. Kaya naman…

“Hep! Teka Manang bawal ng tumawa. Baka maubusan kayo sa susunod na araw. Sige kayo.”

BOOOOGSHHH!

Ayun! Nadali ni Manang aba! Dinagukan ako! Buhay nga naman oo. Kung kalian na lang gustuhing manakit basta-basta na lang?! Ibang klase talaga. Tsk.

“Ano may sasabihin ka pa anak?”

“Manang naman hindi na mabiro eh.”

At biglang lumiwanag ang mga mata ni Manang na parang nag-hyperventilate at ismuy naka-drugs lang. Yung tipong Jimmy Neutron na parang biglang may nabuong ideya sa kanyang isipan. Minsan talaga itong si Manang mistulang sinasapian eh.

I love you then, I love you still and I always will.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon