10. BRAVO

69 2 0
                                    

DAY 5 - MOMENT OF TRUTH

IONE'S POV

" siguro nga may naghihintay sating inipon na pagmamahal. Pero tandaan mo,

na kahit hindi tayo ang para sa isa't isa, palagi kang nandito sa puso ko."

" paalam, Joanne."

Unti unti akong umalis sa sa pagkakahawak sakin ni Marco. Nilingon ko sya at ngumiti.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. *music*

--

BRAVO! sigaw ni Ms. Eros habang pumapalakpak at umiiyak. "Napakagaling! Napakagaling!"

Nagbow kaming apat.

"Sino sumulat nito?" tanong nya.

"Ako ma'am." sagot ni Basha.

"That was extraordinary. Who would have known na pwedeng maghiwalay ang mag asawang mahal na mahal ang isa't isa? You would! " she said and congratulated us.

"YEEEES!" sabay sabay kaming nagyakapan habang kinocongratulate ng mga kaklase namin.

Nagbihis na kami at dahil masaya ako, napagtripan ko na naman si Yosef.

"Ione, paabot naman ng shirt ko." sabi niya sakin habang inaayos ang bag niya.

"oh." inabot ko.

"Thank you friiiend." 

" Friend? :<" sagot ko.

"Friends lang." sagot nya at umalis sya.

" awwwww." sagot ko pa. :DD HAHA! ang cute nya talaga pag naaalibadbaran sakin.

--

Nasa garden kami at kumakain habang si Yosef ay tumitingin ng video namin sa DSLR nya.

Tinitingnan din namin yung pictorial na ginawa namin. Yung nakayakap. Yung sweet. Yung masaya. Haaaay. Sana totoo yun no? 

Dahil ako ang katabi niya, sinisimplehan ko ang pag akbay sakanya. Pag napapansin niya, inaalis ko tas tumatawa.

"YIIIE." sinisigaw ni Jini.

Nakakaloka talaga pag niyayakap ko sya. Naloloka din sya e. :DD

Dumating si Vince Franco and congratulated us. 

Syempre ang Basha, ngiting wagas na naman. :D

My GAY Friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon