Our Journey To Olympics

976 33 36
                                    

"Lalaban pala si Michael Christian Martinez sa Olympics," narinig kong sabi ng katabi ko sa jeep.

Nasa byahe na ako pauwi galing school at nagulat na lamang ako sa narinig ko. Gusto kong sumabat sa kanila para makichika dahil crush ko ang pinag-uusapan nila. Oo. Crush ko si Christian. Dati pa kami magkakilala o ako na lang ang nakakaalala? Eight years ago nang makilala ko siya.

*flashback: 8 years ago*

Nasa may SM Southmall kami noon. Niyaya ko sina mama at papa para mag-ice skating ako. Eight years old pa lamang ako noon at hindi ko naman talaga hilig ang mag-skate lalo na sa isang ice rink pa. Gusto ko lang talagang maramdaman ang lamig noon dahil gusto kong makakita ng snow noon pa lang. Pero dahil hindi naman nags-snow sa Pilipinas, kahit makatapak lang ako sa isang ice rink ay ayos na.

"Ready ka na baby?" tanong sa akin ni papa. Ako lang naman ang papasok sa loob ng rink kasama ang maggaguide sa akin. Hindi naman marunong sina mama at papa kaya sa labas na lang din sila.

"Opo papa," at ngumiti ako sa kanila.

"Ingat Jillian ha?" sabi ni mama. Hinalikan nila ang pisngi ko saka kumaway palabas ng rink.

"Ready ka na?" tanong sa akin ng guide ko.

"Opo, Ate--?"

"Ate Michal," sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na."

Unti-unti kaming umikot sa loob ng rink. Tinuruan niya ako kung paano magskate. At siyempre, natuto naman ako agad. Pagkatapos ng mahigit sa isang oras na pagtuturo ni Ate Michal sa akin, ginusto ko na mag-isang magskate.

"Sure ka na ba? Kaya mo na ba?"

"Opo! Ikaw po ang nagturo sa akin kaya magaling na din ako," kinurot niya ang pisngi ko.

"Sige. Dito lang ako ha? Ingat, Jillian."

Nagsimula akong magskate. Okay naman. Ito na ang wish ko dati pa e. Sana lang talaga magkasnow sa Pilipinas. Dahan-dahan ang pag-andar ko noong una. Ngunit pabilis nang pabilis ang pagskate ko at umabot sa puntong nataranta ako at hindi ko na kayang pigilan pa ang pag-andar ko.

"Aaaaaahh!" napasigaw ako. Umiyak ako dahil sa sobrang sakit. Napahiga ako sa may rink at lalo akong nanlamig.

"Mama!" iyak pa rin ako nang iyak. Hinanap ng mata ko sina mama, papa, o Ate Michal pero nasa labas pa rin sila ng rink at tatakbo na papunta sa akin. Bago pa sila makapunta ay may batang lalaking lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba?! Saan masakit?!" ibinangon niya ako at pinunasan ang luha ko. Patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

"Teka. 'Wag ka munang umiyak! Hala. Saan ba masakit?" tumigil ako sa pag-iyak at tiningnan siya.

"Okay naman ako. Pero kasi ang sakit ng pwet ko."

"Pfffft. Hahahahaha!" tumawa siya nang tumawa at ako naman ay pulang-pula sa sobrang kahihiyan. Umiyak akong muli at dumating na noon sina mama.

"Saan masakit baby?! Bakit ka umiiyak?" tanong ni Ate Michal. Nagtago naman ang batang lalake sa likod niya.

"Hindi naman po masakit na masakit ang pwet ko e. Tinatawanan niya po kasi ako," sumbong ko sabay turo sa batang lalake. Itinayo ako ni mama at papa saka lumapit sa batang lalake.

"Sorry na. Natawa lang po kasi ako kasi nabigla ako dun sa sinabi niyang masakit ang pwet niya," nakayuko siya at namumula ang pisngi niya. Siguro nahihiya. Pero ang cute-cute niya! Humarap ako kay mama at papa.

Our Journey to Olympics (Michael Martinez FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon