Tatlong araw na ang naka-lipas at tinupad naman nila dad ang gusto ko. Di na nila ulit ako kinulit na umuwi. Dumating na din yung parents ni Thalia kaso aalis nanaman sila mamayang gabi. Talagang busy ang mga ito sa business nila. Okay lang din kay Thalia. She's mature enough to know na hands on talaga sila tita sa business nila. Hindi nila kayang ipaubaya na lang sa mga secretary or mga kung sino man ito. Promise, pag ako nagkaroon ng sarili ko ganyan din ako. Hindi ako magtitiwala sa iba.
Nandito ako ngayon sa class room kung saan tatawagin kami isa-isa at ipapasa yung form. Sinulat ko na yung name ng business sa tagaytay. I actually don't know this business. Kinailangan ko pang isearch yun. Yun pala'y kakabukas lang neto 2 years ago. Pero kahit na recent lang siya, marami na agad ang may alam nito. Maganda din yung building nito. The site was perfect. Hindi malayo sa city at the same time tahimik. Tanaw din dito yung taal volcano. Medyo na-excite naman akong mag field study doon.
"Quen Leigh Dela Cruz." tawag nung professor ko. Ugh! Mali nanaman bigkas ng pangalan ko. I hate when people do that.
"Sir hindi po Queen Ley, Ken Lee po yung bigkas." Sabi ko sabay abot sa form ko.
Tinignan niya lang ako ng matalim. Aba ikaw pa galit sir?
"My bad Ms. Dela Cruz." seryosong sabi niya
Tinalikuran ko na lang siya at tinawag naman niya yung susunod sa akin
"Dashielle Clément Delgado."
Nilingon ko si Dash, ngumiti naman siya. I smiled back.
Ilang sandali ay tinawag na din yung last na magpapasa ng form.
"Malika Thalia Zamora." agad nang tumayo si Thalia na katabi ko. If I know inip na inip na siya kasi ang tagal ni Sir kumuha ng form. Eh siya pamandin ying last.
Pagkatapos non nagsalita pa siya about sa field study namin. Ang pinaka-ayaw ko eh yung meron dapat kaming weekly report na kailangan naming isulat at i-email sa kanya. Hay nakaka-asar. Pero dahil gusto ko naman ito, bahala na lang si batman.
"Good luck on your field study. I hope you find whatever your hearts desire. Class dismissed"
Nagsitayuan na kami. Naramdaman ko namang nag vibrate yung cellphone ko.
*Geoffrey Calling*
"Hello." sagot ko sa tawag niya
"Lunch today Elle. Imemeet natin yung makakasama mo sa field study." deretsong sabi niya.
"Ako na lang makikipag-meet. Saan ba?"
"Hindi puwede dahil ako at si dad nakakakilala sa daddy nung kasama mo. Be thankful na ako kasama mo hindi si dad." Kaswal na sabi niya
Sigh.
"Fine. Saan ba?"
"Café degrees." plain na sagot niya.
"Okay. Be there in 30." yung lang sagot ko at binaba na yung tawag.
I actually do felt bad na ang cold ko sa mga kapatid ko. I actually miss Xyren. I miss playing xbox with him. Miss ko din naman yung presensya ni Ree kaso palagi na din kasi siyang wala. Kung meron man gusto niya magkakaksama kami palagi which is I don't like. Ree is the serious child sa aming tatlo. Seryoso din naman kami ni Xyren kaso siya wala talagang room yung 'fun' sa buhay niya.
Dahil sobrang miss ko na si Xyren, matawagan nga.
*kring kring kring*
"Hello? Ate?" sagot ni Xyren sa kabilang linya.
"I miss you baby brother. Kamusta?" Awww Xyren!
"Ewww! Stop calling me baby! I'm good but I miss you too." naramdaman ko yung lungkot sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Loved By Somebody Else
Roman d'amourMost of the people believe that there is always gonna be that one person who will make you fall in love heads over heels. They have this belief that "Love wins". Na kahit anong mangyare basta mahal mo, malalagpasan niyo ang kahit ano. But there was...