ROBBIE
"Hi baby Lucky," kumaway ako sa harap ng screen ng laptop ko. Ang
cute-cute talaga ni baby Lucky. One year old na siya ngayon. "Uwi na kayo, nami-miss na namin mga kakulitan niyo." Ngumiti ako sa sinabi ni Sixe na kandong si Lucky. Ngumiti ako nang malawak sa harap niya.Oo nga, isang taon na nga pala akong 'di umuuwi sa Pinas. Gusto ko na rin matapos 'tong trabaho ko. Gusto ko na ulit ituloy ang pag-aaral ko ng Business Administration. Since, nakakuha na ako ng National Certificate ko sa Bookkeeping. "Malapit na, konting oras na lang Sixe. Ikumusta mo ako kay Seven ha? Sige, ingat kayo r'yan."
Kumaway na ako sa kanila. Napabuntong-hininga ako nang patayin ko na ang video call. Nakaka-miss nga naman talaga silang lahat. Bumalik na ako sa trabaho ko, hinihintay ko rin ang tawag ni Volt sa 'kin. Akalain mo, long distance relationship pero umabot ng isang taon. Bihira lang ang nakaka-survive sa ganitong sitwasyon.
Napahinto ako sa pagtipa nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Agad ko 'yung inangat at sinagot. "Hi boyfriend, kumusta?" bungad ko sa kanya. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga sa kabilang linya. "Okay naman, kumusta ka girlfriend?" balik niya. Parang may mali sa tono niya. May problema kaya siya? O ano?
Kung may problema man siya kailangan niyang sabihin 'to sa 'kin. Baka sakaling matulungan ko siya. "Online ako, video call na lang?" Mabilis kong ibinaba ang tawag at nag-online para makipag-video call sa kanya.
"May problema ba?" tanong ko. Nasa gitna sila ng disyerto. Nakasuot siya ng puting longsleeves na naka-unbutton. Kitang-kita ang nabalandra niyang abs. "Girlfriend, ano kasi-" Hindi niya maituloy-tuloy ang ibig niyang sabihin.
Mukhang problemado nga siya dahil napapakamot pa siya sa ulo niya.
Nagsalubong na rin ang kilay niya sa inis. Hindi ko naman alam kung ano talagang problema niya. "Sabihin mo na," naiirita na rin kasi ako sa kanya. "Pangako 'di ko 'to gustong gawin, pero kailangan talaga." Bigla akong kinabahan sa sinasabi niya. Makikipag-break ba siya sa 'kin?
'Wag naman sa ganitong paraan. Ayoko makipaghiwalay ng ganito lang. "Ano nga 'yun?" tanong ko sa kanya. Kung babagalan niya, malamang aabutin kami ng siyam-siyam. "Kailangan kong halikan 'yung modelo,"
"'Yun lang naman pala e-Ano! Kailangan mong halikan 'yung modelo?!" Napataas ang boses ko at napatingin sa 'kin ang iba kong ka-workmate. Nag-peace sign na lang ako bago ibinalik ang paningin sa screen.
"Girlfriend, ayoko talagang gawin. Kaya nga ikinonsulta ko sa 'yo dahil alam kong magagalit ka kapag 'di ko sinabi sa 'yo."
Nauunawaan ko naman ang gustong iparating ni Volt. Pero, wala akong tiwala sa babae. Paano kung masarapan 'yung babae sa halik ni Volt? Tapos landiin niya ang boyfriend ko. Kahinaan kaya ng mga lalaki ang mga malalandi. Ang swerte naman ng babaeng 'yun, ni hindi ko pa nga nahahalikan ng matagal si Volt.
Then, magb-break kami ni Volt? Ayokong mawala sa 'kin si Volt. Napaka-immature ko naman kung pipigilan ko siya, pawang trabaho lang naman 'yun. "'Di ba pwedeng iba na lang?" Kahit nga hindi pa nangyayari, nagseselos na ako agad. Kasi naman, boyfriend ko 'yan. Sino ba naman may gustong halikan ng ibang babae ang boyfriend mo 'di ba?
"Girlfriend, wala ng choice. Wala ng iba," paliwanag niya. Napaka-unfair. Siya lang nahalikan kong lalaki, tapos siya may iba. "Alam kong ayaw mo, pero trabaho lang 'to Roberta. Magtiwala ka sa 'kin." Hindi ko alam kung ayaw niya ba talaga o kinokonsensya niya lang ako dahil trabaho lang naman.
Ang pangit naman pakinggan kung papayag ako 'di ba. "Bahala ka Volt, buhay mo 'yan." In-end ko na 'yung video call. Hindi niya naman ako asawa, isa pa anong magagawa ko? Nandoon siya nandito ako. Hindi ko naman siya mapipigilan.
Buong araw, hindi ako mapakali sa ginagawa ko sa trabaho. Hindi ko maintindihan kung nagseselos ba ako o may mali ba sa nasabi ko kay Volt.
May ilan siyang text, pero ni isa wala akong binuksan. Saka na lang siguro ako magre-reply 'pag out ko na. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang isang unknown number. Sinagot ko 'yun at baka emergency.
"Hi Ma'am Alonzo, I'm Aiah manager of a Kpop band, I'm telling you that you won a concert ticket in the Philippines. Congratulations!" Napakunot ang noo ko. Won? Concert? Philippines? Wala akong alam na may sinalihan akong kung anong groups pagdating sa mga concert.
"It will be on April 01. So, see you in a bit Miss Alonzo." April fools pa talaga. Hindi pa ako nakakasagot nang ibaba niya ang tawag. Nag-text naman ang unknown number sa 'kin.
Sinabi nito na, may ticket na rin na nabili para sa pagbalik ko sa Pinas. Paano nila nalaman na nasa ibang bansa ako? Kailangan daw na pumunta ako. Sinabi rin na, Kpop idols ang magco-concert. Hindi naman ako masyadong fan ng mga Kpop groups or artist or whatsoever.
Pero bahala na, libre 'to hindi ko sasayangin. Ibinaba ko na ulit ang phone ko. Ilang minutes lang may natanggap na akong plane ticket at concert ticket. Nagnininingning ang mga mata ko sa mahal ng ticket, ten thousand pesos para sa isang gabi lang?
Ang swerte ko nga naman talaga. Pansamantala kong isinantabi ang pag-isip kay Volt. Tama ba kung magtampo ako sa kanya dahil magki-kiss sila ng isang modelo? Ano nga bang laban ko sa mga model 'di ba?
Paulit-ulit na nag-ring ang phone ko. Si Volt ang tumatawag sa 'kin. Ayokong sagutin, baka naiistorbo ko sila. Pero itinutulak talaga ako ng puso ko na sagutin ang tawag niya. Mahal ko e, kaya 'di ko matiis. Sinagot ko nga ang tawag niya. Hinintay ko siyang magsalita sa kabila.
Paulit-ulit ang pagbuntong-hininga niya. Tila bume-bwelo sa sasabihin. Baka gusto niya lang sabihin na tapos na silang maghalikan. Napairap ako sa kisame dahil sa naiisip ko.
"Girlfriend sorry na," wika niya sa kabilang linya. Naawa ako sa 'ming dalawa. Sana kasi magkasama kami ngayon. "Okay lang, naiintindihan ko naman Volt." Ayokong mag-away kami o magkatampuhan. Pero kanina lang nagtampo talaga ako. Kung pwede lang kasi umuwi na lang siya. Hindi ko alam, pero kusang nag-iinarte ang sistema ko.
"Hindi ko na ginawa. Ayoko kitang masaktan, loyal ako sa 'yo." Bigla akong napangiti sa sinabi niya.
...
BINABASA MO ANG
More Than Friends
RomansaRoberta Alonzo (COMPLETED) Si Roberta ay lumaki kasama ng limang lalaki. May guwapo, may macho, may tahimik, may masipag, at may mahangin. Pero, sino ba sa kanila? Ang pantasya ni Roberta? #1 in Living (07-01-18) #2 in Orphan (05-14-18) #3 in Orpha...