Tunaw

1.2K 11 0
                                    

"Hala Den tunaw na!"

Napabalikwas naman ako at muntikan ng mahulog sa upuan.

Si Ella lang pala. Tsk.

"Yung ano Pots?" inosente kong tanong sa kanya.

"Si Aly. Kanina mo pang tinititigan eh. Uy besh ha. Ano yan? May lihim ka bang pagtingin kay Besh Ly? Yieeee."
sagot ni Ella na para bang kinikilig pa.

Hay Den. Kung makatitig ka naman kasi! Parang wala nang bukas.

Eh bakit ba? Ang HOT nya kasiii. Wet look pa hihihi

Landeeeee!

"Uy besh! Ano na? Meron ba?" may pa wink wink pa tong babaeng to.

"Huh? W-wala noh? B-besh ko lang kaya yun!"

Putek naman nautal pa ko!

"Sus besh. Sakin mo pa tinago. Huling huli kaya kita! Hahahahaha" tawa nya.

"Ella! Back to training! Ang ingay mo!" sigaw sa kanya ni Aly babes. Ay. Ly lang pala hihi.

"Opo babes!" sigaw pabalik ni Ella. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ay Capt. pala hehe" Yan! Makuha ka sa tingin!

Tapos umalis na sya. Maya-maya natapos na din ang training.

Pa-alis na sana ako ng may naramdaman akong may humawak sa kamay ko.

Shet! Sparks!

Pag tingin ko, si Aly pala.

Yiee si crush nakahawak sa kamay ko!

"Um Den, pwede ba kitang makasama sa lunch mamaya? Namiss na kasi kita eh." sabi nya habang nakatitig sa sapatos nya.

Huhuuu ang cute nya po.

"Ah sure! Sige ba!"

"Talaga?" parang nagliwanag naman ang mukha ni Ly ko.

Iyo ba?

Pabayaan mo na ako ok.

"Thank you talaga Den! Oh, akin na yang bag mo." sabi nya habang kinukuha ang bag ko.

"Ahhh wag na Ly. Mabigat toh eh."

"Hindi okay lang. Akin na."

Wala naman akong nagawa kundi ibigay sa kanya.

Nang makarating na kami sa kotse nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at nilagay ang mga gamit namin sa likod. Pagkatapos ay nakaalis na din kami papuntang dorm.

Ang gentlewoman niya. Naka turn-on lalo.

----------------------------------------------------

Pagkadating namin sa dorm, inulan agad kami ng tukso. Paano ba naman, si Aly pinagbuksan ulit ako ng pinto, at kinuha ang lahat ng gamit ko. Lahat. So wala na akong dala ngayon.

"Grabe naman Den! Ang gandang gwapo naman ng alalay mo! Pakilala mo ako ha?" sabi ni ate Fille.

Nako naman mukhang may crush pa ata to kay Aly ko ha! Hindi. Pwede.

"Eh. Ayoko. Akin lang sya. Akin. Lang." diniin ko ang pagkasabi sa mga salita.

"Ang damot mo naman Den!" reklamo ni Ella.

Aba! Ito din ata ah! Mukhang may kailangan akong bakuran ha.

"Wag nyo ngang inaaway si Denden ko" biglang may nagsabi sa likuran ko.

Napangiti naman ako. Buti nga sa kanila. Tapos biglang nag sink-in yung sinabi sakin ni Aly.

Teka lang... Sinabi nya bang.... "Denden ko" ?!?!?!?!?!?!

Parang gusto ko nang magtalon-talon sa kilig. Araw-araw mas lalong nahuhulog ako sayo Aly. Sana masalo mo ako.

"Denden ko?!?!?!?!?!" sabay-sabay na sabi ng ALE.

"Nako Alyssa, manang-mana ka talaga sakin!" masiglang sabi ni Gretch. "Matinik sa mg chicks!"

Nakita ko namang biglang sumimangot si Fille. "Pakiulit nga yung sinabi mo, hon?"

Biglang kinabahan si Gretch at yung mukha nya parang constipated HAHA.

"Um a-ah eh ang s-sabi ko nga, mahal kita hon" kabadong sagot ni Gretch.

Yan ang napapala ng mga mahilig sa chicks! Tahimik na tawa ko sa sarili ko.

"Mabuti naman, akyat na tayo hon?"
ngumiti ng matamis si Fille.

"Ah oo hehe. Akyat lang kami guys!" at umakyat na sila papunta sa kwarto nila.

"UNDERRRRR!!!"

Tahimik na hinawakan ulit ni Ly ang aking kamay at hinila ako pataas. Pumasok na kami sa room at inilagay nya ang mga gamit namin sa tabi.

Nagkanya-kanya muna kami at naghanda na para matulog. Nag-dinner na kasi kami kasama si Sir Tony.

Pagkalabas ko ng CR, nakahiga na si Ly sa higaan namin. Oo namin. Pinagtabi kasi namin ang mga higaan. Ideya nya yon kasi di daw ako sanay na walang kasama sa kama.

Oy wag kayong ano ha. Marami lang kasi akong mga unan sa bahay pero di ko madala-dala dito kasi di kasya sa bag ko yung mga unan hahaha"

Nung nalaman ito ng mga ka-team namin inulan nanaman kami ng mga ka-team namin.

Kesyo parang mag jowa daw kami.

Nang makahiga na ako, biglang lumapit si Alyssa sa akin at siniksik ang kanyang ulo sa leeg ko.

Napangiti naman ako ng malapad.

Shet. Yung hininga niya. Ang init naman dito kahit naka-aircon kami. Lord tulungan nyo po ako!

Kahit na di hamak na malaki si Alyssa sakin parang siya parin ang baby saming dalawa. Siya kasi yung palaging unang sumisiksik sakin.

Niyakap ko ang bewang niya at mas lalong inilapit ang kanyang katawan sakin.

Hayyy heaven! I could go to sleep like this everyday!

Pero tiningnan ko lang yung mukha niya habang natutulog. Ang ganda niya talaga. Lalo na pag tulog, parang ang peaceful nya. Para bang ang mundo ay puno ng mga magagandang bagay at walang kasakitan.

I love you already. I just hope that as I'm falling, you catch me.

Or you could also fall and I'll be there to catch you first. Either way works hihi.

AD Shots Where stories live. Discover now