Treat Kita

1K 11 1
                                    

Gusto ko nang manapak. Sa totoo lang nung malaman ko yung nangyari gusto ko na siyang sugurin sa bahay niya.

Ang violente mo naman Den! Grabe ka!

Dapat lang noh! Matapos ko siyang pagkatiwalaan sa taong napakahalaga sa akin, yun lang gagawin nya? Hindi yon pwede sakin! Mananagot siya!

FLASHBACK;

"Besh tumigil ka nga! Ako natatakot sayo eh! Para kang serial killer!"

Oo, serial killer nga Ella. Kasi papatayin ko si Ravena dahil sa ginawa nya kay Aly ko!

Wow. Iyo ba? Iyo ba?

Manahimik ka nalang konsensya.

"Eh pano ba naman Besh! Sabi ko na bang nakaamoy na ako ng manloloko noon eh!"  sabi ko.

Kasi naman. Nabalitaan namin sa social media yung mga nagkakalat ng pictures ni Kiefer at yung mga messages niya sa babaeng nilalandi niya. Kumulo agad dugo ko nung nakita ko yon.

"Hmmm tama ka. Pero kausapin mo muna si Besh Ly bago mo sugurin si Kiefer sa bahay niya!"

For sure mas inuuna niya muna ang kapanan ni Kiefer ngayon at ang magiging epekto nito career niya. Kilala ko yun eh. Mas inuuna pa ang iba kaysa sarili.

Ito ang isa sa mga rason kung bakit minahal ko siya.

Minahal o mahal? Present tense pa po yung nararamdam mo.

Tss oo na!

*RING RING RING*

Hinablot ko agad ang phone ko at dali-daling sinagot ito.

"Besh anong nangyari? Okay ka lang ba? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita. Gusto mo bang sugurin namin ni Besh si Kiefer?" sunod-sunod na sabi ko.

"Hahahaha kalma ka lang Dennise! Napapaghalataan ka na eh!"

Bigla naman akong sumimangot. Si LA pala.

"Che!"

"Sus! Ang sungit nanaman ng babes ko!"

"Tumigil ka nga LA. Kulit mo eh! Bat ka ba napatawag?"

"Tatanungin ko lang sana kung nakita mo yung mga nangyari, pero mukhang mas nauna mo pang nalaman kaysa sakin. For sure kumukulo nanaman dugo mo ngayon!"

Biglang nag-init nanaman yung ulo ko nung naalala ko yung ginawa nung unggoy na yun! "Sinabi mo pa! Buti nga di ko sinugod yun eh!"

"Yan ka nanaman! Kalma ka lang ha. Dapat nga natutuwa ka ngayon eh! May chance ka na!"

Sa totoo lang, maliit na bahagi ng puso ko ang naging masaya at gustong umasa ulit nung nalaman ko yung balita. Pero hindi pwede. Uunahin ko muna si Ly.

"H-ha? H-Hindi kaya!"

"Bat nauutal ka? Hahahahaha" tawa nya sa kabilang linya.

"Che! I hate you talaga!"

"Sweet mo naman babes! I lov-" hindi na nya natuloy yung sasabihin niya kasi binaba ko na yung tawag.

AD Shots Where stories live. Discover now