Gea's POV
nandito ako ngayon sa natural hotspring sa island, kasama ko ang mga hayop kung kaibigan,
hehe, ang saya dito, hayy ang boring rin, ako at ang mga sandamakmak kung kaibigan na hayop ang nandito sa hotspring.
“Grrr grrrr” (ok ka lang ba) napatingin ako kay tiger, hmp mukha ba akung ok, wala akung ginawa dito kundi gumala.
nakabisado ko na ata tung Isla, “Gea lipad tayo sa cloud!” sigaw ni Sky, siya ang nag-iisang genie na lalaki kasama ko dito sa isla.
“Ihagis kaya kita sa ulap, wala ka nalang ginawa puro ka lipad doon, lipad dito, masasapak talaga kita” inis kung wika sa kanya, napakamot siya sa ulo, lumapit siya sa akin at umupo sa batong katabi ko.
“Ehh! punta kasi tayo dun sa may mga tao, dun sa syudad madaming chicks dun” sinamaan ko siya ng tingin, chicks, talagang madaming sisiw dun.
“Tss ikaw nalang, mas gusto ko dito” napahalumbaba ako sa bato, kahit naman gusto ko pumunta di ko kaya, ang hina ng lipad ko.
huhuhu.
“Asus ako pa niloloko mo, alam ko namang gusto mo pumunta” kinikiliti pa ako ng loko, sinipa ko yung kamay niya.
“Tss, kapag walang magandang nangyari sa atin dun, papatayin kita”
“Woah easy! dalawang oras lang tayo dun” tumango ako at tumayo, ginamit ko ang kapangyarihan ko para magpalit ng kaswal na damit mg tao.
“Tara,” Excited na wika ko, ngumiti siya at ginamit ang kapangyarihan niya para gumawa ng bangka.
-_-
“Seriously ganyan sasakyan natin” gulat na wika ko, wew ayuko nga sumakay ng ganyan eh.
“Ang arte mo, alangan naman lumapad tayo, makikita tayo ng tao dun” nagsalubong kilay ko, di ba siya nag-iisip.
“Pwede naman tayo magteleport” napahawak siya sa lower lips niya at tumingin sa taas na waring nag-iisip.
“Oo nga no, di ko naisip yun, tara teleport tayo” excited na wika niya, tss naparoll eyes ako at mabilis na nagteleport papuntang syudad.
*****Manila*****
napaubo ako ng makalanghap ako ng usok, ang baho shit.
tinignan ko si Sky na excited parin ang mukha, tumingin siya sa akin na nakangiti “Tara gala tayo” wika niya at naunang tumakbo sa isang iskinita.
sumunod ako sa kanya at tumambad sa akin ang madaming tao na naglalakad, at mga paninda nila.
nagtaka ako ng tumingin ang ibang tao sa akin na para ang nakakita ng multo.
“Oy pare ganda oh”......
“Shit.. kinis ng mukha”.........
“Oo nga walang gasgas”...........
seriously ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng walang gasgas sa mukha at makinis?
hayy, tinignan ko ang paligid, wala na si Sky, san ba nagsusuot ang lalaking yun?.
lumapit ako sa isang ale para magtanong “Excuse me, may nakita kabang lalaki dito na matangkad, gwapo at makinis yung mukha?” tanong ko sa ale, napaisip muna siya bago sumagot.
“Ayy Oo neng, naglakad siya papunta dun” wika niya at tinuro ang isang malaking...ano nga tawag nila dito? buil—building tama tama.

YOU ARE READING
The Mafia Boss And The Genie
FantasyMafia boss - cold, mainitin ang ulo, emotionless at kapangyarihan lang ang gusto. Genie - wise, kind, caring, and sometimes cold, she will give you thw wish you want. hanggang sa nakita ngafia boss ang mahiwagang libro ng genie na naglalaman ng mar...