Gea's POV
napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga sa bato dito sa kweba ng lumiwanag bigla ang dalawa kung kamay.
Isa lang ang ibig sabihin nito.
agad akung tumayo at hinanap ang luma kung libro, tss asan ba yun? ang liit-liit lang naman ng kweba di ko ba mahanap.
Tss ayun lang pala oh, agad kung kinuha ang libro na nakadikit sa pader ng kweba at binuklat ito.
Page:34
"Oras na umilaw ang dalawa mung kamay ay ibig sabihin nito na may nakahawak o may nakakita sa libro mo"
t-teka, imposible naman ata to, nasa akin naman ang libro ko! agad aking tumayo at hinanap ang libro ko sa mga halaman sa kweba ngunit di ko makita.
wala? hindi naman pwede yun.
nagteleport ako papunta kay Sky, ng makarating ako sa kanya nakita ko siya na naglalaro sa mga isda na lumalapit sa kanya.
Agad akung lumapit at hinatak siya sa isang bato "Ano ba yan Gea kita mung busy ako eh" pagmamaktol niya, sinamaan ko siya ng tingin bago nagsalita "Nawawala ang libro ko" wika ko, biglang nanlaki ang mata niya at napaupo sa bato.
"Lumiliwanag ang kamay mo, ibig sabihin may taong nakakita sa libro mo" gulat na wika niya habang pinagmamasdan ang kamay ko, tumango naman ako sa sinabi niya.
"Oo, ewan ko nga kung pano nawala ang libro ko, nakalagay naman yun palagi sa mga halaman" paliwanag ko, nakatingin lang ako sa kanya na seryusong nakatingin sa mga kamay ko.
"Kapag nabasa ng nakakuha ang libro mo ang bawat page, hayy ewan ko nalang kung di ka hahanapin nun" seryusong wika niya at tumingin ng seryuso sa akin, ngayon ko lang siyang nakita na seryuso palagi kasi kabaliwan ang lalaking to.
"Pipigilan ko nalang kung sino man ang nakakuha" wika ko at napasimangot, ngumiti siya at tumayo, sinimaan ko siya ng tingin ng bigla siyang umakbay sa akin.
"Alam ko namang kaya mo pigilan, ikaw pa kaya, dami mung alam sa nangyayari eh" napangiti ako sa sinabi niya, tama siya mapipigilan ko kung sino man ang nakakuha nun.
"Sige alis na ako" wika ko at nagteleport pabalik sa kweba ko, agad kung kinuha ang diamond dust ko na nakalagay sa isang babasaging bote.
agad akung kumuha ng unting dust at hinalo ito sa tubig dito sa kweba, biglang nagliwanag ang tubig at may mga usok itong nilalabas, pinagmasdan ko ang nagpakitang imahe sa tubig.
isang lalaki.
kitang-kita ko na hawak hawak niya ang libro ko sa kaliwang kamay at binabasa ito, hmm second page palang siya.
may time pa ako para pigilan siya.
I think kailangan kung puntahan kung saan ang lalaking to, kailangan ko siyang mapaikot sa kamay ko para mapigilan siya.
hahaha great idea.
Napatingin ako sa gilid, tss anung ginagawa ni Sky dito "So siya pala, lalaki! madali lang yan mapaikot" wika niya habang nakatingin sa imahe ng lalaki sa tubig, tumango ako at napangisi, tama siya.
"Pupuntahan ko ang lugar ng lalaki para mapaikot siya" wika ko, agad siyang napatingin sa akin "Sama ako, ang daya naman kung ikaw lang" nakangusong wika niya, tss wala akung nagawa kundi tumango.
"Bukas na bukas aalis tayo"
*****Next Morning*****
"Gea gising!" hmm bwesit na lalaking to, kiaga-aga nambubulabog.
Umupo ako mula sa pagkakahiga sa hangin, "Tss aga mo naman di ba pwedeng mamaya tayo aalis" napahikab ako at kinusot-kusot ang mata, bored ko siyang tinignan dala-dala niya ang libro niya.
sana mawala yang libro niya.
"Mas maganda kapag ngayon na" wika niya, tumayo ako magsasalita na sana ako ng ginamit niya ang kapangyarihan niya at pinalitan ang damit ko, bwesit!.
sinimaan ko siya ng tingin bago lumipad papunta sa labas, sumunod naman siya sa akin.
"Tara na, alam mo naman siguro ang location ng lalaking yun" wika niya, tumango ako bago nagteleport.
pagbukas ko ng aking mga mata ay nandito na kami sa isang parang Park "Ang astig naman nila, nakagawa sila ng palaruan sa gubat" tinignan ko si Sky na palingon-lingon sa paligid, buti nalang walang tao kung meron man pagkakamalang baliw ang lalaking to.
ginamit ko ang kapangyarihan ko para mapalitan ang damit naming dalawa na parang sa tao din.
"Ang pangit naman ng damit nila, di makita ang abs ko" pagmamaktol niya, akmang huhubadin niya ang damit ng sinamaan ko siya ng tingin, ngumuso siya at nagpuppy eyes pero pinanliitan ko lang siya ng mata.
naglakad ako papunta sa isang kalye, napatingin ako sa kabilang dako ng makarinig ako ng kwentuhan.
"Tang*na mo Venezuela, mamatay kana"
"Ina mo rin Smith, kasalanan ko bang nawalan ka ng gas!"
"P*ta manahimik nga kayong dalawa"
tss seriously puro bad words kada isang sentence ng salita nila, mga tao nga naman talaga, tumawid ako papunta sa kanila.
"Excuse me, anung lugar to?" tanong ko sa kanila, nagtaka ako ng nanlalaking matang tumingin sila sa akin.
mas lalo ko namang ikinataka ng biglang tinignan ako ng isang lalaking brown ang buhok, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ah Miss nandito ka sa lugar na puro gwapo" wika ng lalaking kulay red ang buhok, hinimas-himas niya pa ang mukha niya.
"Wala naman akong nakikitang gwapo dito, so tell me anong lugar to" seryusong wika ko, napakamot silang tatlo sa ulo bago nagsalita ang nakabrown ang buhok "Nandito ka sa Makati miss" tumango-tango ako at nag thank you sa kanila bago tumawid ulit sa kabilang kalye na pinanggalingan ko kanina.
"Ang tagal mo" nakasimangot na wika ni Sky habang nakaupo sa isang sanga ng puno "Ang bagal kasi nila sumangot" walang ganang wika ko. sinenyasan ko siyang bumaba, agad niya namang ginawa.
"So tara na" tumango ako at nagsimulang maglakad.
Makati? so sa Makati pala nakatira ang lalaking yun.
******
honeyxprincess
YOU ARE READING
The Mafia Boss And The Genie
FantasyMafia boss - cold, mainitin ang ulo, emotionless at kapangyarihan lang ang gusto. Genie - wise, kind, caring, and sometimes cold, she will give you thw wish you want. hanggang sa nakita ngafia boss ang mahiwagang libro ng genie na naglalaman ng mar...