Gea's POV
naalimpungatan ako ng bigla kong narinig ang sigaw ni Leo mula sa loob ng malaking bahay "Wahhh sorry bossing!" nakarinig pa ako ng mga putok ng baril.
anyare?.
sarap na sana ng tulog ko, "maggagabi na pala" bulong ko habang nakatingin sa araw na lumulubog na dito sa itaas ng puno.
papasukin ko nalang ang bahay nila kapag tulog na silang lahat, tumalon ako mula sa puno pababa sa lupa. Smooth landing.
I made myself invisible at naglakad patungo sa bintana, sumilip ako sa mga ginagawa nila at nakikinig rin ako sa mga walang kwentang pag-uusap nila.
Ringgg* Ringgg*
"Oyy girlfriend mo Reyes?"
"hindi, girlfriend mo to Venezuela"
"Boom basag wahahaha"
nababaliw na ba sila, bakit sila tumatawa, wala namang nakakatawa ah.
tinignan ko si Mr. nobody na pumasok sa kusina, nakakataka bakit siya nakatingin dito sa bintanang dinungawan ko eh di naman niya ako nakikita dahil nakainvisible ako.
inivisible kaya akung pupunta sa kwarto niya para makuha ang libro, hayy ang tanga ko dapat yun ang ginagawa ko.
akmang papasok na sana ako sa bintana na dinungawan ng biglang lumapit si Mr. nobody at sinarado iyon, shit buti di ako nakahawak. Baka putol na kamay ko nito.
tinignan ko ng masama si Mr. nobody kahit di naman niya nakikita na masama akung nakatingin sa kanya.
"tss, bakit ba ang lakas makiramdam ng lalaking yun"
nilibot ko ang buong gilid ng bahay niya. Kahit isa wala akung makitang nakabukas na bintana for Pete's sake.
mukhang sinadya niya talagang isarado lahat ng bintana. Pashnea.
***
gabi na ngayon at tulog na sila, Hehe the time has come. ito rin namang si Leo iniwang nakabukas ang isang bintana. Magtha-thank you nalang ako sa kanya kahit di niya alam bukas.
agad akung umakyat at pumasok sa bintana ng kusina nila, Anong klaseng kusina to?" ang dumi ng sahig, nagkalat ang mga bote ng alak at amoy sunog na pagkain.
kadiri naman tong mga lalaking to.
dahan-dahan akong naglakad sa makalat nilang kusina papunta sa sala nila, "Aray, huhu sakit" daing ko ng makatapak ako ng banana peel kaya natumba ako, wala bang mga basurahan ang mga lalaking to.
agad akung tumayo at pinagpagan ang sarili, nangangamoy na ako.
tinignan ko ang paligid, kailangan makasigurado na wala talagang tao, agad akong umakyat papunta sa pangalawa nilang palapag.
"Manahimik ka nga gago"
shit.
agad akong nagtago ng marinig ko ang boses ni Marlon, bakit ba nagmumura to—bakit gising pa siya?.
sumilip ako ng unti para makita ang ginagawa niya—nila pala dahil nandoon din sila Marlon, justine at isang lalaking di ko kilala. Nakaharap sila sa isang pinto at nakadikit ang tenga nila dun na para bang nakikinig.
"Ikaw ang manahimik, gago"
tss, siguro si Mr. nobody ang nasa loob ng pintong yun. pano ba ako makakapasok kung nandoon sila nakaharang.
I sway my hand, lumabas ang puting usok. Pumunta ito doon sa pwesto nila.
"Shit, multo!" rinig kong sigaw ni Marlon, narinig ko rin ang mga malulutong nilang mura at mabibilis na paglakad palayo.
YOU ARE READING
The Mafia Boss And The Genie
FantasyMafia boss - cold, mainitin ang ulo, emotionless at kapangyarihan lang ang gusto. Genie - wise, kind, caring, and sometimes cold, she will give you thw wish you want. hanggang sa nakita ngafia boss ang mahiwagang libro ng genie na naglalaman ng mar...