Part 3

6 0 0
                                    

Eiram POV

Walang imik na pinaandar ni Aljan ang kanyang sasakyan, di ko alam kung ano ang una kong dapat sabihin kung magpapasalamat ba ako sa pag sakay niya sa pagpapanggap na ginawa ko o hihingi ng paumanhin dahil doon. Pero kung iisipin siguro ay binalak din niya na magpanggap bilang boyfriend ko dahil siya ang unang nakakita na palapit sa pwesto namin si Levi at ang Annieparot na iyon. Di ba nga bigla na lang niya kong inakbayan, siguro magpapasalamat na lang ako dahil ayoko din naman na may masabi siya sa akin at ng mabawasan na din itong di ko maipaliwanag na pakiramdam. Ayako naman bigyan ng malisya ang paghalik niya sa akin dahil sa tingin ko kasama lang iyon sa ginawa namin pagpapanggap para mag mukhang makototohanan ito sa harap nila Levi. Tumikhim muna ako bago magpasalamat sa kanya "ehemm, S-salamat pala sa kanina pasensya na din kung nadamay ka pa." mahinang usal ko sapat lamang na marinig niya.

"Wala yon, ayaw ko lang din makakita ng babaeng umiiyak" sagot nito. Ibig sabihin kahit hindi ako ang nasa sitwasyon ay gagawin nito iyon, parang di ko kayang isipin na may iba itong hinahalikan. OMG what am I thinking, eto nanaman ang malandi kong puso kailangan kong alisin ang kahibangang ito habang maaga pa. "a-ahmm doon lang sa black na gate." sabi ko dito ng matanaw ko na ang aming apartment agad naman nitong hininto ang sasakyan pagtapat nito sa bahay. Bababa na sana ako ng hilahin niya ang aking braso at walang pasabing sinalubong ako ng halik, malumanay ngunit ramdam mong may pananabik natigilan ako ng ilang saglit ngunit di ko na din napigilan ang aking sarili na tumugon sa masuyo nitong halik. Ang mababak na halik na iyon ay lumalim ng lumalim, unti unting bumaba ang kamay niyang nasa aking mukha patungo sa aking baywang pilit akong hinahapit pa lapit sakanya. Di ko na napigilan ang aking pag ungol ng kagatin niya ang ibaba ng aking labi at ng dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon ang kanyang dila na maipasok ito sa aking bibig. Gumapang ang kanyang kamay patungo sa aking dibdib at bumaba ang kanyang halik sa aking leeg. Ibang iba ang sensasyong dulot ng bawat dampi ng kanyang labi sa aking balat.

Ngunit tila bigla akong natauhan at itinulak ko ito, hindi ito tama, hindi pwede kakahiwalay lamang namin ni Levi pero heto ako at nakikipag make-out na sa ibang lalaki. Kung ano ano ang iniisip ko patungkol sakanya ngunit ako itong may hindi magandang ginagawa. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan upang makaiwas at umaasang bumalik na sa katinuan ang aking malanding kaisipan. Papasok na ko sa gate ng tinawag niya ako. "Eiram!" di ako lumingon "Eiram, wait!" at dahil nga sa mahahaba niyang biyas ay mabilis niya akong napigilan sa pagpasok sa loob. "What?" may kasungitan kong tanong sakanya upang pagtakpan ang kahihiyan na pinaggagawa ko. Ayokong isipin niya na kaladkarin akong babae dahil alam kong hindi ako ganon. Kay Levi nga ay hanggang halik lang sa pisngi. Hindi ko din alam kung bakit at kung paano ako nakatugon sa masuyo at malalim niyang halik kanina, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay handa kong ipaubaya sakanya ang lahat kahit ngayon pa lamang kami nagkita. May ganito ba? Mali ito maling mali.

May ilang minuto na din kami magkatitigan ngnit wala naman itong sinasabi tatalikod na sana ako ng magsalita ito "Eiram, I don't want you to think na sinasamantala ko ang pagkakataon dahil mahina ka ngayon. But I think I like you. Pwede bang totohanin na lang natin kung ano mang pagpapanggap ang sinimulan natin kanina?" dirediretsong sabi nito. Nagpaulit ulit sa aking pandinig ang huling sinabi nito.

Pwede bang totohanin na lang natin kung ano mang pagpapanggap ang sinimulan natin kanina?

Pwede bang totohanin na lang natin kung ano mang pagpapanggap ang sinimulan natin kanina?

Pwede bang totohanin na lang natin kung ano mang pagpapanggap ang sinimulan natin kanina?

Napatitig ako sakanya at di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"I'll help you moved on with that guy, no other girls if that's bothering you. I know that you're first impression to me was I'm a playboy, a womanizer or what so ever." dagdag pa nito ngunit di pa din ako nagsasalita at nakatitig pa din sakanya. "Hey! Speak Up.." sabi nito.

"A-ahmm, don't you think you're too fast?! You know, we've just met a while ago then you're here saying that you like me! Are you for real?! If this is a prank please spare me from this, I've had enough!"tinuturo ko pa ang sarili ko. Ano ba ang tingin sa akin ng mga lalaking toh na wala akong pakiramdam? na bato ako at di marunong masaktan. Alam ko sa sarili ko na pwede at malaki ang posibilidad na magkagusto ako sakanya. Ngunit sa itsura nito? Maniniwala ba ko na hindi siya playboy o womanizer?

"Wag mo naman akong tignan ng ganyan, alam kong iniisip mong niloloko lang kita dahil masyado akong mabilis. Pero bakit kailangan pang patagalin kung pwede naman na maging tayo na at sabay natin kilalanin ang isa't isa." seryoso at di mababakasan ng pagbibirong sabi nito. Papayag ba ako sa gusto nito, ang sabi nito ay tutulungan niya akong maka move-on. Wala naman sigurong masama kung kahit ngayon lang ay pag bigyan ko ang sarili ko alam kong gusto ko din ang suhestiyon nito ngunit hindi buo ang aking loob dahil natatakot ako na sa huli ako lang ulit ang maging talunan. Pero di ba ganon naman talaga sa isang relasyon masasaktan at masasaktan ka. Paano kung siya na pala ang para sa akin. "Eiram?" tawag nito sa akin "Hmmm?" tanging naiusal ko dahil di ko pa din alam kung dapat a akong pumayag.

"Can you give me a chance to prove that I'm really serious and sincere about you? Can you be my girlfriend even if we just knew each other awhile ago? Please?" Bumuntong hininga ako at dahan dahang tumango sa kanya bilang sagot sa mga tanong nito. Alam kong nagiging padalos dalos ako ngayon pero may punto naman talaga siya sa mga sinabi niya knina. Ngumiti ito sakin " Babe please say it." malambing na usal nito habang nakatitig sa mga mata ko. Ngumiti din ako at tumitig dito "hmmm Yes I'll give you a chance and Yes I can be your girlfriend and now we are not just pretending coz' not it's official. I know it's too fast for us but like what you've said sabay natin kikilalanin ang isa't isa tsaka naka second base ka na nga eh!" Sabi ko sabay kurot sa bewang nito.

"Hahaha!" tawa nito, oh ang sarap pakinggan ng tawa nito napangiti na lang ako habang tinitignan ang halakhak ni Aljan. Hay ano bang meron sa lalaking ito at ang bilis akong napapa OO sa mga sinasabi niya. "Babe can we continue what we were doing earlier?!" Pilyong usal nito habang nakayakap sa akin..


---------------------

OOOOOooooooooooops napapaOvertime na ko sa office dahil dito! LOL :D Kalaswaan pala toh sheeeet! hahaha wala naman akong readers pero I just feel like writing na inspired ako sa mga kaberdehang pinagkkwentuhan namin last night ng P.G.

Anyway! Ciao Watty :D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Play with LoveWhere stories live. Discover now