Prologue

166 16 20
                                    

"Miss Gomez!" Oh-oh. Lagot na.

"Tawag ka Dane." Naku naman! Ikaw kasi Dwight eh.

I stood up. "Yes ma'am?"

"What is the basic law of magnetism?" Tanong niya. Okay? Buti nalang nagrereview ako.

"Ma'am, the basic law of magnetism is that, like poles repel each other while opposite or unlike poles attract inside a magnetic field." Phew.

"Well, you're really an intelligent student Miss Gomez, you may now take your seat." Ma'am Mabazza said. Napapalakpak naman ang iba kong kaklase.

"Galing naman!/Nagreview ang babaita!" Dwight/Gwen complimented. Napangiti naman ako.

"Girl! Galing mo naman! Bongga ka te!" Sabi naman ni Rigiell.

"Like what Ms. Gomez stated a while ago, like poles repel each other while opposite or unlike poles attract inside a magnetic field. Parang sa love." Nako naman. Napa'awww' nalang tuloy ang mga kaklase ko. Nabuhayan pa sila ng loob.  Huhugot na naman si ma'am. "Dito sa mundo, parang nasa magnetic field tayo. Namaaattract ka nalang talaga sa totoong destined sa'yo. Totoo ang opposite attracts. Why? It's to fulfill each other's weaknesses."

Pustahan tayo, may pinagdadaan si ma'am.

*kriiing*

"Okay, class dismissed." Buzzer beater yun ah.

"Goodbye ma'am!" We all said in chorus.

Nagsimula na rin akong magligpit ng gamit.

"Dane, una na kami sa gate. Hintayin ka nalang namin dun." Gwen said.

"Ah sige! Wait for me nalang dun." I smiled. Kinurot naman ni Dwight yung pisngi ko.

"Kyooot mo talaga!" He said making me blush.

"Bola pa huh? Bola pa." Sarkastiko kong sabi.

"Te, totoo yun. Inggit nga ako sa beauty mo eh." Tugon ni Rigiell. Pero parang bola rin.

"O siya! Mauna na kayo. Hintayin niyo nalang ako sa gate."

"Sige! Bye Dane ganda!" Pambobola nila sabay alis. Napapailing nalang ako sa mga bolero't bolera kong mga kaibigan.

Ipinagpatuloy ko na rin ang pagliligpit ko ng gamit. Nang matapos na ako, lumabas na rin ako ng room. Pagkatapak ko palang sa labas, may nabanggad ako. Kaya naman, napaupo ako.

"Ouch naman." Mahina kong sabi.  Tinignan ko kung sino ang nakabangga sa'kin.

Handsome face. Maputi. Mapulang labi. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong. Jawline. Matangkad. Medyo malaki ang katawan. Cold blue eyes.

NAPANGANGA AKO.

Ang cold lang ng tingin niya sa'kin. Expressionless eyes. And suddenly, biglang tumibok ang puso ko. Weird.  Mukhang wala 'tong balak na itayo ako kaya tumayo na ako.

"Sorry." I said.

*insert tunog ng kuliglig*

Okay? Am I talking to the wind? Pero walang ano-ano, umalis siya kaagad. Aba! Ang gentleman ah!

I put my hands on my chest to feel my beating heart. Ang lakas naman ng tibok nito. Suddenly I remembered our lesson a while ago.

Opposite attracts.

When Opposites Attract [On-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon