Chapter 2- Anonymous Dark Society

12 1 0
                                    

Kraine's PoV

"Guys, gising na nandito na tayo sa headquarters" Si kuya Axe habang ginigising kami ni Eryx.

Tumingin ako kay Eryx at kakagising pa lang niya galing sa byahe. Lumabas na kami sa van. Inilalayan namin ni Kuya Axe si Eryx papasok sa headquarter. May mga tauhan din kami na nagbabantay sa labas ng headquarter na ito. May touch screen na keypad na nasa pintuan na kapag itype mo ang tamang code automatic na bubukas ang pinto. Pero bago ka magtype na code may maririnig ka robotic voice na bibigyan ka ng clue. Ewan ko ba bat nilagyan pa nila ng clue. Mga malimutin ata mga kasama ko dito.

'First is for the last. If you can determine it, you'll know it all'

ZMLMBNLFH WZIP HLXRVGB

Pagkatapos kong i-type ang code, bumukas na ang pinto at bumungad sa amin ang malaking screen na may nakalagay na

'Anonymous Dark Society'

at sa ilalim ng pangalan na iyon ay may nakalagay na halaga ng nakuha naming pera.

Ang background ng screen ay may taong nakaputi at parang nakamasskara na may maitim na sombrero na suot nito.

Maraming hackers ang naka upo habang ang mata nila ay nasa kanya-kanyang laptop. Kumikita kami halos 200,000 every month. It depends kung tatawag ang boss namin kung may kukunin kaming pera.

'6,025,699 pesos' bale dalawang taon na at kalahati ang society na ito. Minsan pag kailangan din ng isang hacker ang pera, dyan sila kumukuha, pero limitado lang. Minimum of 100,000 to maximum of 500,000 pesos every 5 months. Depende kung ano kalaking pera ang naitulong mo sa Anonymous, ganon din kalaki ang makukuha mo.

"Hello black hat hackers,welcome back!" Rob said.

Rob is a robot invented by kuya Axe and his father. Si kuya Axe magaling sa electrical electronics and robotics kaya mahilig siya gumawa ng mga robots.

Kuya Axe and his father invented Rob when he was young but sadly, his father was put in prison dahil sa pinatay daw ng tatay niya ang anak ng presidente. Base daw sa imbestigasyon ng mga pulis, gumawa daw ng robot ang tatay ni Kuya Axe na may kasamang bomba sa loob ng robot. Pero base naman sa tatay niya, kaya daw sumabog 'yon dahil sa sobrang paggamit ng robot kaya naoverheat ito dahilan ng pagkasabog nito pero hindi pa rin siya pinakinggan ng hukom kaya siya nakulong. Namatay ang ang kanyang ama sa kulungan dahil inatake ito sa puso.

"Attention! All hackers must be in the conference room now"

"Attention! All hackers must be in the conference room now"

A robotic voice said. 

"Diretso na lang tayo sa meeting room, Kraine." Ani ni kuya Axe. 

"Sige po" Sagot ko sa kanya at inilalayan namin si Eryx patungo sa meeting room.

Nang nakapasok na kami sa meeting room, humanap na kami ng upuan at doon umupo. Sa loob ng meeting room ay may napakamahabang mesa sa gitna ng room na ito. Maputi ang pader,kisame at lamesa maliban sa mga swivel chairs. Ang may pinakamataas na rango ay tinatawag namin na Prime.

''Calling all sub-groups please go to the conference room now''

Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga myembero ng mga sub-groups. May iba't ibang uri ng Anonymous hackers. Anonymous Dark Society, composed of Black hat hackers which is known for being malicious and notorious. Black hat hackers are engage in illegal hacking for personal financial gain. So this is us.

Anonymous Grey Organization, Ito yung neutral na mga hackers, they are computer security experts who sometimes violate laws but does not do maliciously or for personal gain. Gray hats sell or disclose their zero-day vulnerabilities not to criminals, but to governments—law enforcement agencies, intelligence agencies or militaries.

Crack the CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon