Kraine's PoV
Kasalukuyan kaming nasa semeteryo ni mama. Bumisita kami sa puntod ni papa. Inatake siya ng stroke ng gabing iyon matapos ang sagutan namin. Matagal dumating ang ambulansya kaya hindi siya naka-abot sa ospital. It's been weeks simula noong sitwasyon na nawalan si papa ng malay sa bahay.
And I know it's all because of me.
Sana kung hindi ko na lang siya sinagot at ginawa ang mga sinabi niya sakin hindi pa sana maghahantong sa ganito. Araw araw sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang pagkawala ni papa napapasabunot ako sa buhok ko at napahilamos sa mukha. Sinisisi ko ang sarili ko. It's like I killed my own father.
''Nak? natulala ka na naman. Huwag mo ng alahanin si papa mo kasi nagpapahinga na siya ngayon. Huwag mong sisihin ang sarili mo. At isa pa, kailangan niya na din magpahinga kasi syempre palagi siyang pagod sa trabaho. Pagod sa pag-alaga sa atin. Pagod sa pag sasakripisyo sa atin. Lahat may rason kung bakit nagkaroon ng ganitong sitwasyon. Every life problem that you'll encounter, makakuha ka ng lesson. Okay?''
Ngumiti si mama at niyakap niya ako. Niyakap niya ako pabalik. Niyakap ko siya pabalik. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Ayokong may mawala ulit na mahal ko sa buhay. Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya ng mag-isa. Tinulak niya ako ng bahagya para makita niya ang itsura ko. Pinahiran niya ang aking mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.
'' Huwag kang umiyak. Nandito lang ako mag-aalaga,magpoprotekta, magmamahal at magsasakripisyo para sa'yo kahit buhay ko pa ang nakasalalay. Gagawin ko ang lahat '' Ngumiti siya. Bumuntong hininga siya at ang mata niya na kanina pang gustong umiyak ay dumaloy na ang kanyang mga luha. Pinahiran niya ang sarili niyang mga luha at tumingin sa akin.
''Tara na,anak. Gutom na 'ko. Ang gagawin na lang natin ay kalimutan natin ang nakaraan. Magmove on na tayo,Alright?''
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Ang swerte ko talaga na may mama ako na ganito magmahal. Sobrang swerte ko.
---
''Ako na ang mag order para sa'ting dalawa, Ma. Maghanap ka na lang po ng upuan'' Ani ko at pumila na sa counter.
Nasa McDonalds na kami ngayon ni mama. Susubukan namin ni mama kung epektibo ba talaga na kung dito kami kakain, makakamove on na kami agad. Maraming tumatambay na sawi dito eh. Dito madalas tumatambay ang mga taong minsan lang nagmahal pero madalas nasasaktan. Dito din madalas tumatambay ang may mga lablayf kuno eh wala naman pala. Sumasabay lang sa uso na kunwari sawi. Kunwari nasaktan. Kunwari nagmomove on.
''Hi mam good afternoon!''
''Good afternoon din. Uhm, dalawang one hundred 9 pesos na cheeseburger, isang coke McFloat at isang McFlurry with oreo''
''Dine in or take out?''
Or...
''Dine in,Miss.''
''295 pesos,Mam.''
Inilabas ko ang wallet ko at kumuha ng 300 pesos at inilahad sa kanya.
'' I receive 300 pesos''
ay hindi hindi... Obvious naman siguro na nakareceive ka hehe
''Here's your change,Mam.''
Limang piso. Marami akong limang piso sa bahay. Araw-araw may nilalagay ako na limang piso. Minsan sampung piso. Pwede ko ng itaya sa lotto o scratch-it. Kung friendship lang sana kami ng swerte, malaki sana ang posibilidad na mananalo ako ng isang milyon.
Nilagay ng babae ang mga inorder ko sa isang tray. May dalawang cheeseburger na may dalawang coke at fries, may McFlurry na din at may McFloat.
''Ito na po yung order mo,Mam. Enjoy!''