Chapter 3- The Mask

9 1 0
                                    

Gabrielle' PoV

    Kasalukuyan akong nasa kwarto habang naglalaro ng cellphone nang biglang may kumatok. 

 " Sir Gabrielle, tawag ka po ni Don Raphael sa opisina niya" Ani ng sekretarya ni dad habang kumakatok sa pinto.

 "susunod ako, salamat" Pagkatapos kong sabihin iyon, pumunta na ako kaagad sa opisina ni papa. 

 Nakita ko siyang seryosong nakaupo sa swivel chair at naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib niya. Nang naramdaman niya ang presensya ko ay tumingin siya ng diretso sa'kin. 

 "Take a seat" He said and took a sip of brewed coffee. Sinunod ko ang sinabi niya kaya agad naman akong umupo sa swivel chair na nasa harapan ng glass table niya. 

 "I'll go straight to the point. I've heard about the news that two unknown persons got the company's finances yesterday"

 " My apology" Yumuko ako.

"I trusted you, Gab. Akala ko ba nasecure mo na ang lahat? pinabantay kita do'n kasi sinamahan ako ng kuya mo sa Korea for business travel. Bakit hindi mo nagawang bantayan ang pera" 

 "Nakatulog a-" Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla na lang dumapo ang palad niya sa mukha ko. I clenched my fist.

 "Isa kang tanga, Gabrielle! alam mo naman na may gawain ka pero ano ang ginawa mo?! nagtulog!"

''I'm so tired and stressed all day! maraming papeles ang dumadaan sa akin tapos ako pa ang pagbabantayin mo sa kompanya!''

''Because you have skills in securing all the security systems. At isa pa, ang nagbabantay dyan na IT student, may problema iyon sa pamilya kaya ikaw muna ang pinabantay ko"

"yeah, kagaya din no'ng may business travel ka, si kuya ang ginawa mong temporary na CEO hindi ako"

"Dahil wala ka alam about business-"

"Because you don't want me to become a businessman. However, you want me to become an IT expert, just staring at the computer while watching what people are doing in front of the CCTV cameras"

Ayaw ni papa na gawin niya akong businessman, pero tinutulungan niya si kuya na maabot ang kanyang pangarap na maging susunod na CEO ng kompanya. There's no equality between me and my older brother. My older brother doesn't like me either. Silang dalawa ang kumakampi kaya si Nanay Charina na lang ang kakampi ko na siyang katulong namin sa bahay. Mom died when I was young, pero hindi ko siya nakilala. Tinatanong ko si dad kung ano ang itsura ni mama. Minsan tinatanong ko siya kung masayahin ba si mama o ano pero hindi niya magawang sumagot, he just changed the topic.

Silence wrapped our atmosphere. Later on, he broke the silence. 

'' I want you to get the identity and information of the two unknown people who invaded our company''

Tumango ako at tumalikod na. Bago ako lumabas sa opisina ay nagsalita ako.

"Treat me as your son, at least for once." Sabi ko. Lumabas na ako sa opisina at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone sa lamesa at tinawagan si Cael.

( Oh boss? nasa bar ako ngayon maraming chiks dito pinapalibutan ako)

''Tss''

(Anong tss? tinawagan mo 'ko tapos tss lang pala sasabihin mo?)

''Sino boss dito? ako o ikaw?''

(Syempre ikaw, Ser. Masyado ka naman naselos sakin dito porket marami akong naakit na mga sexy-)

''Tigil-tigilan mo 'ko. Ipapalamon ko sa'yo ng buo ang mga puchang babaeng 'yan''

(Ikaw talaga, Ser. Donworeh i-tetake out ko ang isang 'to at ibibigay ko sayo. Thanksgiving.)

''Wala akong oras para dyan, Cael Reyes.''

(Asuuu-)

''Sige dalhan mo ko mamaya''

(Tangina ser HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA)

''Tawa mo?''

(Kunware ayaw sa babae yeeeee)

''May ipapagawa ako sa'yo. This is urgent. Give me the identity and information ng dalawang tao na pumasok sa kompanya''

(Sinong mga tao ser? si Cole?Calvin? Caden?-)

'' ANG DALAWANG TAONG KUMUHA NG PERA NG KOMPANYA STUPID!''

(Oh edi ikaw na matalino ser)

''IF YOU CAN'T SEND ME COMPLETE DETAILS TONIGHT, I'LL KILL YOU REYES! NOTE THAT''

(N-noted ser, eto na nga eh sumasakay na ko sa sasakyan pauwi na 'ko)

''Good to hear. Let's meet at the headquarter. I'll be waiting for you there''

(Sige ser, mwaaa HAHAHAHAHAHAHAHA!)

''Perv''

Crack the CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon