Dinala 'nila' kami dito sa isang tagong gubat matapos dukutin at pahirapan. Sumibol ang galit sa puso ko.
"M-maawa ka....a-ako n-na-na lang...hu-huwag mong idamay ang anak a-at asawa k-ko," hirap na hirap na pakiusap ng ama ko sa mga estrangherong nanakit sa amin. Ang katawan niya'y puno ng galos at pasa. Naliligo na siya sa sariling dugo.
Wala silang awa! Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa 'to gayong wala naman kaming nagawang mali.
"Anong awa-awa?! Matapos mong ipagkait sa akin ang dapat sa akin, ngayon nagmamakaawa ka? Huh! Huli na ang lahat. Sinagad mo na ang pasensya ko, Levi". Kinasa niya ang hawak na baril. Nanlaki ang mga mata ko nang itinutok niya ito sa mommy ko.
" HUWAG!" malakas na sigaw ko.
"Poor you...." baling niya sa'kin. "..wala ka'ng magagawa, bata! Baka gusto mong unahin pa kita!," bulalas niya sa akin.
"Please," pakiusap ko.
Pero huli na ang lahat. Binaril niya nang tuluyan ang mga magulang ko. Napakasama niya!
Lumandas ang mga butil ng tubig mula sa aking mga mata. Nakahandusay sa sahig ang kaawa-awang katawan ng aking mga mahal sa buhay. Hinding-hindi ko sila mapapatawad.
Lumalapit siya sa akin. Nanlilisik ang mga tingin, animo'y ako'y lalamunin nang buo. Paatras ako nang paatras hanggang sa maramdaman ko ang tigas ng kahoy sa likod ko. Lintek na!
"Oh ano, bata? Ngayon ikaw naman isusunod ko!"
"Huwag kang *lunok* l-lalapit....h-huwag!" Naaninag ko sa kakarampot na liwanag ang isang rebolber! Kinuha ko ito at itinutok sa kaniya. Marami sila ngunit isa na lang ang nang-aalipusta. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagpasalamat.
Nanginginig ang mga kamay ko, hindi sa kaba ngunit sa galit, matinding galit.
Ngumisi lang siya, waring hindi natatakot. "Nanginginig ka! Akin na 'yan." Hinablot niya ang baril at tinututok sa akin.
Napapikit ako. Nagulantang ang buong pagkatao ko nang marinig ang mga putukan.
Nabigla ako sa pagdilat ko. Nakabulagta na ang kaniyang mga kasamahan. Subalit....nanatili siyang nakatayo.
Paliit siya nang paliit sa paningin ko. Namalayan ko na lang na may nagbubuhat sa'kin palayo. But....who? Dahan-dahan kong ginalaw ang aking ulo pero, everything went black.
Ang tanging nasa utak ko ay ang mukha ng mga DEMONYONG kumanti sa 'min.
A/N:
Thank you for reading. :)
BINABASA MO ANG
Bawling Hearts
General FictionShe cried for revenge. He cried for justice. They were set on the same path. They were travelling parallel each other yet they crossed paths. Would they get what their bawling hearts want, or stop right at that moment and forget about their main goa...