Chapter 1

48 0 2
                                    

♪Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin'
Cause it's---

"Pinapaabot ni Ms. Lazaro"

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang Boses ni Benz. "Salamat," sabi ko pagkatapos matanggap ang isang munting envelope na may seal.

Para saan kaya ito? Mmh, mamaya ko na lang babasahin.

Sinilid ko ito sa aking bag, sa pagitan ng pahina ng libro upang hindi matupi.

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench na 'di kalayuan sa library. Napalilibutan ito ng mga halaman kaya ramdam ko ang pagsalubong ng preskong hangin. Napakasarap sa pakiramdam. Gusto ko 'yong ganitong tahimik, nakapag-iisip ako nang maayos.

*RING*

"Hello, dear." Sabi ni Marcxus.

"Po?"

"May naisip na ako. Go home right after your class. I'll explain it to you." tugon niya.

"Expect me there, then."

"Okay, I'll hang up now. Bye!"

"By--"

The line went off.

Si Marcxus, siya ang kumupkop at nag-alaga sa akin. Itinuturing ko na siyang ama. Binigyan niya ako ng magandang buhay. Siya rin ang nagligtas sa akin mula sa mga pesteng 'yon 10 years ago.

Yes, it's been 10 years already. Sampung taong pagdurusa ang naramdaman ko buhat ng kahindik-hindik na pangyayaring iyon.

Preskong presko pa sa isipan ko at walang kahit konting detalye ang nawaglit. Sinusumpa kong pagbabayarin ko sila ano man ang mangyari. Hahabulin ko sila hanggang sa pinakadulo ng impyerno. I will make them taste fire!

Nagulat ako nang mapagtantong yupi na ang hawak kong soda-in-can. Saka ko lang rin napansin ang matinding pagsalubong ng aking mga kilay.

Napabuntong-hininga na lang ako. Walang dapat makaalam nito kaya as much as possible ayaw kong makipag-close sa ibang tao, baka kasi masabi ko 'tong bigat na dala-dala ko.

May kaibigan naman ako pero 'di 'yong close talaga. Si---

"Yow," speaking of Nate.

"Yes?" pilit na ngiti ko at akmang tatayo.

"Sandali!" pinigilan niya ako. "May problema ba?"alalang tanong niya.

"Ah, wala. Punta lang ako sa Library. Isasauli ko 'to," pinakita ko sa kanya ang Physics Book. "Sige."  Tinapik ko siya sa balikat niya at dire-diretsong naglakad.

****

"Submit all your requirements tomorrow and prepare for a long quiz--"

"Ahhhhhh," malungkot na sabat ng mga kaklase ko.

"I'll make it a 200-item test, then. Kapag makakarinig pa ako ng 'aaaah'....," ginaya niya ang expression ng mga classmate ko, "..... gagawin kong 750. Class dismissed," dagdag ng guro namin nang tumunog ang bell.

Nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko at nagpasiunang lumabas. I need to get there early.

"Aray! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo! Bastos nito!" singhal ng lalaking nakabunggo ko.

"Aba! Ikaw pa ang may ganang magalit? Eh, sino ba sa atin ang hindi tumitingin sa daanan?" pinamaywangan ko siya. "'Yan kasi, cellphone nang cellphone! Kapal din naman ng mukha mong sisihin ako! Jerk!"

Bawling HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon