Sinag
Sa lahat ng aking nakilala ikaw ang pinaka mabait
Pinagpala, dahil sa'kin hindi ka pinagkait
Sa lahat ng aking nakilala ikaw din ang pinaka maalaga
Sa piling mo, ramdam kong ako'y mahalagaIkaw ang unang naaalala, sa bawat gising ko sa umaga
Dahil ikaw sa'kin ay sobra ng mahalaga
Marinig ko lang iyong pangalan, ako na'y napapangiti
Buo na aking araw, makita lang ang maaliwalas mong ngitiAraw-araw hinihingi sa may kapal
Na sa akin hindi ka niya kailanman ilayo
Dahil alam kong hindi ko kakayanin kung ika'y malalayo
Dahil aaminin ikaw na sa aki'y napamahalIkaw ang rason kung bakit ako nabubuhay
At pag malayo sa'yo, isa na akong naglalakad na bangkay
Ikaw sa aking buhay ang nagbibigay liwanag
Ikaw sa aking buhay ang nag-iisang si Sinag
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryCopyright 2017 by Eloisa Dismaya (IcyyyEll) All right reserved. This poems may not be reproduced or used in any manner without the express written permission of the author.