Pangatlo

4 0 0
                                    

Kaibigan

Nung una pa lang kitang makita
Inaamin ko nagustuhan na kita
Ang lalaking sa akin ay nagpahanga
Nasabi ko pa na "ikaw na nga"

Naging malapit tayong dalawa
At para bang hindi nagsasawa
Panay kwentuhan at tawanan
Lagi kang kasama sa mga kalokohan

Lihim akong humiling sa may kapal
Para sa taong aking minamahal
Lihim kitang pinahahalagahan
Kahit alam kong walang aasahan

Ngunit isang araw nagbago ang lahat
Puso ko'y biglang nagkaroon ng pilat
Dahil unti-unti ka ng lumayo
Ngayon ang mga luha ko'y karamay aking panyo

Akin na lamang nalaman
Sinabi sa akin ng isang kaibigan
Na ang dahilan ng iyong paglisan
Iyo pa lang nalaman aking nararamdaman

Sana hindi mo na lang talaga nalaman
Para hindi na umiiyak at nasasaktan
Sana pwedeng bumalik sa nakaraan
Kung saan maayos pa ang ating samahan

Pero ngayon wala na talaga
Sayo'y wala na akong halaga
Isa ba talagang malaking kasalanan?
Ang umibig sa isang matalik mong kaibigan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon