Aiz's POV
"Boss?" tanong ni Hannah sa tabi ko
Andito kami ngayon sa isang lugar kung saan nagkalat ang mga gang sa paligid, we had a hunch na dito lalabas ang fake SPIDERS..hunch pa lang naman, but we had a contact to every bar in the Manila kaya mako kontak agad kami...
May sequence kasi sila na umaatake sila sa syudad ng Manila so we made sure na maka usap ang bawat bar owners to help us...
"Bakit?" balik na tanong ko kay Hannah
"Bakit mo hinahayaang si Lhesli ang magdala sa gang?" tanong niya , nasa iisang kotse lang pala kami...
"Does it really bother you that much?" tanong ko
"No. It's just that.... Simula nang sumali siya sa gang, you are not doing your job well." She said honestly
I was stunned.... So she noticed?
I looked at her and smiled...
"Pero kahit naman di mo aminin...Pareha kami ng kambal ko. Kaya kahit na di ako gumalaw ng nakagawian ko, siguradong maiisip niya ang dapat na gagawin ko." Pag amin ko
Oo, I'm a perfectionist..Hindi ako marunong magpa ubaya ng mission sa iba. Pero, kambal ko kasi ang pinag uusapan...
I'm also testing her how far can she go and just like the other mission, yung kay Syriel.... May ibang option din sana ako kung paano papalabasin ang kalaban nun pero, mayroon din pala siya...
Balak ko kasi sanang si Katherin ang gamitin nun, pero bago pa ako naka gawa naka pag isip na siya ng plano niya....And now... I had the same idea to corner one of the SPIDERS and we can capture all...
"Laki talaga ng tiwala mo sa kanya no?" pilit na ngiti ni Hannah
Alam kong may issue sila ng kapatid ko at alam kong hindi pa siya komportableng gumawa ngayon, dahil sa nangyari sa kanila ni Frenz but here she is now...Still doing the job well
" Malaki talaga ang tiwala ko sa kanya, katulad ng pagtitiwala ko sa inyo." Sagot ko
"Hmmm... We'll just see kung hanggang saan niya madadala ang pagtitiwala mo boss." Sabi niya
HAist... Ba't ba di sila magka intindihan ng kapatid ko?
"Hannah about Frenz..." magsisimula na dapat akong magtanong nang magsalita sila Olivia
"They're at the B bar." Sabi ni Olivia
"Let's move." Agad na utos ko at dumerecho kami sa bar
Naiwan sila Victoria at Hannah sa kotse, sa entrance naman pumwesto si Viel at sa back door si Eiko
Kami nila Lhesli at Frenz ang pumasok at usual, they are busy beating someone up again...
"FREEZE! NBI!" sabi ko sabay pakita ng badge
"Tss.. The weaklings are here amo!" sabi nung nagpapanggap na Wolf
"WEAK? Kami?" tanong ni Frenz
"Oo kayo!" sabi ng nasa likod namin at
Tssskk....
What the!
"Smoke gas!" sigaw ko at nagtabno ng ilong
Namalayan kong papalabas na sila
"They are heading your way 16th." Sabi ni Lhesli nang maramdaman niyang may bumangga sa kanya, at malapit lang siya sa back door
![](https://img.wattpad.com/cover/6075217-288-k679890.jpg)
BINABASA MO ANG
13th of Underworld (Underworld Series Book 1)
Teen FictionGangster? Gangster ang mommy at daddy ko noon. Sila ang tinaguriang pinakamalakas at pinakamataas sa isang organisasyon. Ang orginasisasyong ito ang nagpapatakbo at namumuno sa halos lahat ng gang sa buong bansa. Sila rin ang nagpapanatili ng kapay...