Eight
May tahi ang bibig, may mga sinulit na nakatahi sa bawat daliri ng dalawang kamay, pinatay ng brutal at tanggal ang isang mata ng isang biktima, yan ang mga nakikita nila sa Marionette Victim para silang mga manika, parang puppet kaya tinawag nila itong Marionette, ang pangatlong biktimang nakuha ng PBPD ay isa na naman sa masasabi nilang Marionette Victim na halos magkapareho lang sa dalaga naging unang biktima, pero ang pinagkaiba nito para bang binaon sa mukha ng bagong biktima ang mga bubog ng boteng basag na nakita nila sa crime scene.
Napasandal na lamang si Austin sa kanyang kinauupuan, simula nang makabalik siya sa lungsod ng Pacific Bay kong saan talaga siya lumaki, trabaho agad ang sumalubong sa kanya, tumingala siya at pinikit ang mga mata habang nakasandal ang ulo sa upuan niya.
Pinabalik na siya ni detective Nathan sa Pacific Bay, lugar na nagtaboy sa kanyang kakayahan kaya pumunta siyang Westwood para ipagpatuloy ang pagiging Forensic Analysis niya, sa limang taong pagtagal niya sa Westwood nakarating sa Pacific Bay ang balita kong paano siya nakatulong sa mga malalaking krimen na nangyari roon, kaya binigyan siya ng pagkakataon na bumalik.
Napamahal na siya sa Westwood lalo na sa mga tao roon, mga taong may tiwala sa kakayahan niya katulad ni detective Nathan na nagturo pa sa kanya ng mga bagay na hindi niya alam, pero katulad ng sabi nito sa kanya kailangan babalik at babalik siya sa lugar kong saan siya nagsimula, "nakakapagod," bulong niya.
Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha gamit ang mga palad niya bago siya tumayo, kailangan pa niyang maghintay sa result ng mga fingerprint kong may makikita ba sa dalawang na unang bangkay nila, may susunod pa, kong sakaling may iisang fingerprint na makita sa tatlong bangkay, ibig sabihin iisa lang talaga ang may gumagawa nito.
Kinuha niya ang chocolate bar na nagpapalakas sa kanyang kabinet bago siya tuluyang lumabas ng presinto para magpahangin, kulang pa sa tao sa opisina nila lalo na sa Forensic team minsan wala pa 'yong kasama niyang babae, kaya siya lang mag-isa, dala rin niya ang kopya ng Global Newspaper para magbasa ng mga nangyayari sa bansa.
Umupo siya sa labas ng presinto, binuksan niya ang chocolate bar at kumagat, kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag para kasi siyang sinasakal sa loob, kinuha niya ang dyaryo at binuklat para maghanap ng babasahin hanggang sa mapukaw ang atensyon niya ang pamagat ng isang seksyun roon.
"Unsolved Mystery: Marionette Case by Mhea Zaragosa---teka ito 'yong journalist na nagtanong sa akin kanina ah," bulong niya sa kanyang sarili.
Naalala niyang hinigit pa siya nito pero dahil may utos ang director sa kanila na bawal magsabi ng ano mang impormasyon tungkol sa pangatlong biktima, kaya hindi siya ga'anong nagsalita, madali siyang makabisado ng tao kaya sigurado siyang iisa lang ang nakausap niyang journalist kanina at sa artikulong nagsulat ng Marionette Case sa dyaryo.
Kosang gumalaw ang mga mata niya na binabasa ng tahimik ang artikolo, unti-unting kumunot ang noo at naningkit ang mga mata, "teka parang may mali sa gawa niya," bulong niyang muli at pinagpatuloy lang ang ginagawa.
***
MARIONETTE ATTACK AGAIN. Yan ang pamagat ng bagong artikolo ni Mhea, wala man siyang ga'anong nalaman tungkol sa sunod na biktima, gusto niya itong isulat muli karugtong sa na una nang artikolo niya na Marionette Case, simula nang makabalik siya sa opisina ito agad ang ginawa niya, gusto niyang isulat ito para na ring babala sa lahat ng mga taga-Pacific Bay na hindi ligtas sa lungsod at may gumagalang serial killer.
Nang matapos niya ang artikolo, agad niya itong pina-print sa isang bond paper para ipasa muli sa kanyang boss, nang mahawakan na niya ang papel biglang nang labo ang paningin niya, pero muli naman itong bumalik, nakakaamoy din siya ng parang bakal at makati ang ilalim ng ilong niya, tumayo na lamang siya habang hawak ang papel nang marinig niya ang tunog ng kamera sa likuran niya na para bang may nag-picture.
Humarap siya sa direksyon kong saan ito nang gagaling, si Ash lang pala na tinitignan kong gumagana ba ang camera nitong dslr, ilang beses siyang kinunan at parang wala lang sa kanya, binaba ni Ash ang camera na ngayo'y nakasabit sa leeg nito.
Nagtaka siya nang lumabas si Ash sa cubicle nito at pumasok sa sarili niyang cubicle, may halong pagtataka at pag-aalala sa mukha nito, "anong nangyari sa ilong mo, nagdurugo?"
Kinapa niya agad ang ilong, naramdaman niyang may malapot sa ilalim ng ilong niya sa may butas, nang tignan niya kong ano ito, dugo nga, doon niya napagtantong kaya pala siya nahihilo at nakaamoy ng kalawang dahil may dugo sa ilong niya.
Naglabas naman ng panyo ang binata at inabot sa kanya, dahil gusto rin niyang may maitakip sa kanyang ilong kinuha naman niya ito, "salamat."
"Ano bang nangyayari sayo baby Mhea, pinapabayaan muna ang sarili mo? Wala namang ganyanan, papakasalan pa kita alam mo ba 'yon," napangiwi naman siya sa sinabi ng binata.
Hindi niya alam kong seryoso ba ito nagbibiro lang, "ewan ko na lang sayo," halos ngungo siya kong magsalita dahil may takip siya sa ilong.
"Seryoso, gusto mo iuwi na kita para may mag-alaga na sayo," sabay ngiti nito na para bang gustong-gusto niya ang mangyayari.
Tinulak na lamang niya ang binata para tumabi ito sa dadaanan niya, "alis ka nga dyan pupunta muna ako ng banyo," bago pa man siya umalis, nilapag na muna niya ang artikulong bago niyang gawa sa lamesa.
"Samahan na kita," rinig pa niyang sabi ng binata nang tuluyan na siyang nakaalis pero hindi niya ito napansin.
Kahit siya hindi niya naiitindihan kong ano bang nangyayari sa kanyang sarili, sumagi sa kanyang isipan na baka epekto lang ito ng aksidenteng nangyari sa kanya.
***
Ngiting-ngiti naman si Ash habang bumabalik siya sa cubicle niya at umupong muli sa harapan ng lamesa niya, walang araw na hindi siya masaya basta lang makita niya si Mhea na matagal na niyang pinipilit ang pagmamahal niya, sa tagal n'un para bang wala na sa kanya ang sakit na dati'y nararamdaman niya sa tuwing pinipilit niya ang sarili sa dalaga, para bang normal na lamang ang lahat sa kanila.
Naiintindihan naman niya na hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya ng dalaga, ayos lang sa kanya basta nakikita at nakakausap niya ito. Nilipat niya ang mga kuha niyang litrato sa laptop niya, marami-rami rin 'yon pero mas gusto niyang tignan muna ang pang huling litrato na kuha niya sa dalaga kanina lang.
Nang buksan niya ang litrato, nakaramdam siya ng kaba at pagtataka, hindi niya alam kong may sira ba o magalaw ang kuha niya sa dalaga, dahil sa likuran ng dalaga nang humarap ito sa kanya ng biglaan, may tatlong anino, maitim na anino na kuhang-kuha sa linti ng kamera niya.
"Ano 'to?" Bulong niya.
Inisa-isa niya ang mga kuha niya kong may ga'nun din katulad sa litrato ng dalaga pero wala naman, muli niyang binalik ang tingin sa litrato ni Mhea, hindi pa rin ito nagbago, may tatlong anino na para bang pigura ng isang tao, nakaramdam siya ng kilabot, tumayo siya para hanapin ang dalaga saktong nakita niyang pabalik ito sa cubicle, tignan naman niya ang likuran nito habang papalapit pero wala naman siyang nakikitang anino.
Umupo siyang muli na litong-lito, "ano bang ibig sabihin nito?" Tanong niyang muli.
BINABASA MO ANG
Marionette
УжасыMaituturing niya itong napakalaking malas sa buhay simula nang maaksidente siya dahil roon unti-unti bumagsak ang kanyang career sa pagiging journalist, kasabay nito ang pagbangga ng humaharurot na kotse sa kanyang pangarap na ang lahat ng ito'y nas...