Three

2K 78 6
                                    

Three

Hindi niya alam kong matutuwa siya sa binigay sa kanyang bagong trabaho, nilipat siya sa bagong section ng newspaper nila na Unsolved Mystery, ito 'yong mga balita tungkol sa pagkamatay ng tao na brutal, hindi mahanap ang killer at mga misteryosong bagay na nababalitaan nila. Dapat makapaghanap siya ng mga iba't ibang balita tungkol roon, araw-araw para may mailagay siya sa section na binigay sa kanya.

"Nakakainis," panggigigil niya sabay kagat sa hinlalaki niya, mas gusto niya sa editorial news kong saan madali lang para sa kanya ang pagsusulat ng mga balita roon, huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili, wala na siyang magagawa, ang kailangan niya ay maghanap ng balita tungkol sa Unsolved Mystery.

Inayos na niya ang gamit niya, isa-isa na rin nagsisiuwian ang mga katrabaho niya, basta lang niya nilagay ang gamit niya at laptop sa back pack niyang kulay asul. Dumiretso na siya palabas ng opisina at sumakay ng elevator, nakasabayan naman niya ang dalawa sa mga katrabaho niya, si Ash at si Jayvee na matagal nang magkaibigan sa kompanya.

Nang magsara ang pintuan, agad naman na nagsalita si Ash, "Mhea sama ka sa amin kain tayo libre ni Jayvee."

Napasulyap naman si Mhea sa kaibigan nito na wala namang pake alam sa pinagsasabi ni Ash dahil nakatutok ang atensyon nito sa cellphone na halatang may katext pero bigla rin 'tong nagsalita kahit na hindi lumilingon sa kanila.

"Wag mo akong idamay sa kalandian mo Ash-tot, may date pa kami ni Rica at hindi ka kasama roon," wika ni Jayvee.

"Ano? Sabi mo nga lalabas kayo!"

"Pero hindi ko sinabi na kasama ka, bakit niyaya ba kita? Istorbo ka lang eh!" Sabay sulyap sa kaibigan.

Sumulyap naman si Ash kay Mhea, "date na lang tayo libre mo?" Napangiwi siya sa yaya nito sa kanya.

"Siraulo ka talaga Ash, uuwi na ako may kailangan pa akong gawin," pagbukas ng pintuan na una siyang lumabas at hindi na niya hinintay ang sasabihin ng kaibigan, narinig na lamang niyang ilang beses itong tinawag ang pangalan niya pero hindi na siya lumingon.

Agad siyang pumara ng taxi, mga kalahating oras ang biyahe at bababa naman siya sa istasyon ng tren, huling biyahe bago siya makarating sa nabili niyang bahay sa isang subdivision. Maliit lamang 'yon tama lang para sa kanya, umabot ng isang oras at kalahati nang makarating siya sa mismong bahay niya.

Dumiretso agad siya sa sala para umupo sandali, nilabas niya ang laptop at mga ilang gamit katulad ng notebook at ballpen. Hinubad niya ang sapatos, id at army green jacket na paborito niya. Tumayo siya at kumuha ng makakain sa kusina, muli naman siyang bumalik sa sala, nilapag sa lamesa ang mga pagkaing dala niya, saka binuksan ang telebisyon kong sakaling makahanap siya ng ideya tungkol sa susunod na article na isusulat niya.

Habang nanonood nag-iisip naman ang utak niya ng mga bagay-bagay, sumusubo ng pailan-ilan sa kanyang pagkain, hanggang sa makaramdam siya ng kirot sa kanyang ulo, naparamura siya at halos malaglag ang platong hawak niya dahil ang sakit na nararamdaman niya ay parang pinipisil, ilang segundo nang maramdaman niyang ayos na siya, hingal na hingal siya, ang bilis ng tibok ng puso at pinagpawisan sa sobrang sakit.

***

Dahil sembreak, napag-isipan nila Wesley, Marlon at Pinky na mag-camping sa malayong lugar hanggang sa mapadpad sila sa lungsod ng Pacific Bay, isang sikat na lungsod katabi ng Westwood kong saan sila nang galing. Ito ang hobby nila, camping, hiking at roadtrip kong saan-saan.

Nakatayo ang tatlong tent ng magkakaibigan, may apoy pa sa bonfire na inihanda nila kanina, nasa loob sila ng bawat tent nila dahil pahinga na nila ito, tatlong araw ang camping nila kaya't marami pa silang gagawin bukas at magpapahinga na sila.

Nakapikit lamang ang mga mata ni Wesley habang gising pa ang diwa niya, hindi pa siya makatulong, hanggang sa makarinig siya ng sigaw mula sa kabilang tent, sigaw ng isang babae agad siyang napabalikwas at dali-daling lumabas ng tent niya, pero hindi niya inaasahan ang nakita niya.

"Marlon!" Napatakbo siya patungo sa bangkay ng kaibigan na ang kalahati nito ay nakalagay sa apoy na animoy ginawang pang-gatong, nanginginig siyang hinila ito palayo sa apoy hanggang sa magkalat ang kahoy na may baga pa.

Takang-taka siya kong bakit naroon ang kaibigan, pinulsuan nito sa kamay pero wala na itong pulso, wala siyang ideya kong anong nangyayari, nang itihaya niya ang katawan nito gulat na gulat siya na sunog na sunog ang mukha nito, ulo at dibdib, halos umikot ang sikmura niya sa kanyang nakita, napalayo siya sa sobrang takot.

Muli siyang nakarinig ng sigaw, "Pinky?!" Nagtatakbo siya patungo sa kulay rosas na tent, pagbukas niya isang pigura ang nakatalikod at nakaharap naman sa kaibigan niyang takot na takot, sinipa niya ang likod nito para madapa. "Halika na!" Sabya hatak niya kay Pinky mula sa loob, sabay silang tumakbo palayo sa lugar ng camping site nila na magkahawak kamay, rinig niya ang pag-iyak ng kaibigan at ramdam panginginig ng kamay nito habang hawak niya.

"A-ano bang nangyayari?" Rinig niyang tanong ng dalaga, pero kahit siya'y hindi niya alam kong anong nangyayari, lumingon siya likuran niya isang itim na pigura ang sumusunod din sa kanya at tumatakbo patungo sa direksyon nila.

"Dali! Dali na andyan na siya!" Kong saan-saang direksyon na sila nakarating, basta makalayo lang sa humahabol.

"Dalian mo," madiin pero pabulong na sabi ni Wesley sa kanyang dalagang kaibigan na si Pinky, mahigpit ang pagkakahawak niya sa dalaga na sobrang takot na takot habang tumatakbo sila sa masukal na kagubatan kong saan nila napagkatuwaan na mag-camping na tatlo.

Akala nila isa na ito sa pinakamasayang roadtrip na mangyayari at magagawa nila hanggang sa hindi nila inaasahan, kanina ay nagpapahinga pa lamang sila hanggang sa makita na lang nilang tumatakbo para hindi mahabol ng kalaban na bigla na lang lumitaw kanina.

Hagulgol ng hagulgol si Pinky, hirap na hirap na sila sa pagtakbo, hindi nila alam kong saan sila papunta basta makalayo lang sila sa camping station nila, alam din nilang hinahabol sila nito, wala silang balak na huminto, pagod, hingal na hingal, pinagpapawisan at takot yan ang nararamdaman nila pareho.

Bigla na lamang napabitaw si Pinky kay Wesley nang madapa ito sa malaking ugat ng puno, sigaw ng sigaw si Pinky sa sobrang sakit, agad siyang lumapit pareho silang nanginginig sa sobrang takot.

"Wesley wag mo akong iiwan dito please," pagmamakaawa ng dalaga.

Umiling-iling si Wesley sa kaibigan, "hindi kita iiwan wag kang mag-alala," paulit-ulit na sinasabi ng binata, inalalayan niya si Pinky pero lalo lamang itong humagulgol sa sakit dahil nagkamali ito ng tumba kanina, nahihirapan man ay kinarga na lamang niya ang kaibigan, lalong bumagal ang pagtakbo niya dahil karga niya ang dalaga.

Pumasok sila sa nagtataasang taniman ng mga mais, wala silang pake alam kong masugatan man sila ng matatalas na dahon, nang makalayo-layo sila nilapag ni Wesley ang dalaga, nagtaka sa kanya si Pinky, hinaplos niyanag ulo nito para mapakalma ang loob nito.

"Dito ka lang Pinky," bulong niya.

"Huh? Iiwan mo ako, wag mo akong iwan dito please," umiiyak na wila ng dalaga.

"Hindi kita iiwan, hahanap lang ako ng tulong, para sa atin, tandaan mo hindk kita iiwan, babalik ako agad, hindi ka niya mahahanap dito, promise yan," hindi man gusto ni Wesley ang plano 'yon ang tanging paraan para mapabilis ang lahat ay makalabas ng gubat.

Labag man sa kalooban ng dalaga ay pumasok na siya, "s-sige mag-iingat ka, balikan mo ako rito."

Tumango-tango si Wesley, "babalikan kita pangako," hinigpitan niya ang hawak sa kaibigan bago siya tuluyang umalis, tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makalayo sa dalaga, para madaling makahanap ng tulong.

MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon