Twelve

1.5K 76 7
                                    

Twelve

 Nang matanggap niya ang tawag ng kaibigan, hindi na siya nagdalawang isip na pumunta sa sinabi nitong lugar kong saan dinala ang bangkay ng namayapang kaibigan. Samu't saring tanong ang sumasagi sa kanyang isipan, kinakabahan siya sa posibleng malaman niya sa oras na makarating siya roon.

 Sa isang oras na biyahe nakarating din siya sa morgue, natanaw niya agad ang kaibigan at ang pamilya ni Cena na nag-iiyakan. Agad siyang lumapit sa mga ito, nang makita siya ni Dona ay agad itong lumapit sa kanya at napayakap, inalo naman niya ang kaibigan.

 "Wala na si Cena, wala na siya," 'yon lang ang pauli-ulit na sinasabi ni Dona habang magkayakap sila, dahil sa bigat na nararamdaman ng kaibigan para bang nahahawaan siya nito at hindi mapigilang maging emosyunal.

 Ilang minuto silang ga'nun bago sila kumalas sa pagkakayakap ng bawat isa, "na saan na si Cena?" Tanong ni Mhea sa kaibigan.

 "Sa tingin ko hindi mo 'to magugustuhan," walang emosyong sagot ni Dona.

 "Bakit naman, ano ba talagang nangyari sa kanya, bakit ba siya namatay?"

 "Mhea si Cena, siya ang pang-apat na biktima ng Marionette, Mhea nabiktima ng marionette si Cena," dahil sa mga sinabi ni Dona sa kanya, unti-unti na namang napapaiyak ang kaibigan.

 Siya naman ay natigilan sa kanyang mga narinig, paulit-ulit na animoy nag-echo ang mga sinabi ni Dona sa kanyang kaibigan, hindi siya makapaniwala, napailing-iling siya sa sobrang pagkagulat, "hindi 'to maari, hindi 'to totoo," sabi niya.

 Napasulyap siya sa pintuan ng morgue, iniwanan niya ang kaibigan at saka pumasok sa loob ng silid, bumungad sa kanya ang bangkay ng kaibigan na nakahiga sa metal na higaan, wala na itong malay, namumutla at duguan ang mukha nito.

 Katulad ng ibang naging biktima, wala na itong isang mata at may tahi ang bibig. Nanglulumo siya sa kanyang nakikita at halos bumaliktad ang kanyang sikmura, hindi niya malaman kong susuka siya, napasulyap lang ang bantay sa morgue sa kanyang pagpasok doon.

 'Hindi 'to maari, hindi pwede 'to,' sa isip-isip niya, sobrang pagkakatitig niya bangkay para siyang nawalan sa katinuan, napansin niyang may nakatayo sa uluhan ng kaibigan, nang dahan-dahan niya itong lingunin, halos lumuwa ang mata niya sa sobrang gulat, para siyang isdang nawalan sandali sa tubig na hindi siya makahinga, si Cena, ang multo ni Cena ang isa pa sa kanyang nakikita.

 "Miss ayos ka lang?" Natauhan siya nang magsalita ang bantay ng morgue na isang matandang lalaki.

 Sumulyap siya sa matanda na takang-taka sa kanya, nang sulyapan niya uli ang bangkay ni Cena at ang multo ni Cena kong sana ito nakatayo, hindi na niya ito makita. Muli niyang binaling ang tingin sa matanda, "wala po, sige po lalabas na po ako."

 Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng matanda at agad siyang lumabas, tama nga ang kaibigan na pang apat na si Cena sa biktima, isang malaking problema sa kanya dahil apat nang multo ang magpapakita sa kanya, wala siyang magawa kong paano niya ito matitigilan.

 Paglabas niya ng silid, nakita niya ang mga pulis na nag-iimbestiga sa kaso ng kaibigan, nakita rin niya si Sir Austin, may kasama itong dalawang lalaking pulis na may katandaan na.

 "Sino si Dona at Mhea?" Tanong ng isang pulis.

 Nagkatinginan naman silang magkaibigan bago muling tumingin sa pulis na nagtanong. "Ako po si Dona," sagot ng kaibigan.

 "Ako po si Mhea," sagot naman niya.

 "Kailangan ninyong sumama sa amin sa presinto, may ilang bagay lamang kaming itatanong sa inyo kong maari lang po," paliwanag ng pulis.

MADALI lang naman silang kausap at sumama sa presinto para raw sa kaso ng kaibigan, baka makatulong sila sa mga nangyari, na unang tinanong at dinala sa interrogation room ang kaibigan, paglabas nito ay tulala naman, ibig sabihin siya naman ang susunod.

 Lumapit siya sa kaibigan at agad na hinawakan sa kamay, "ayos ka lang ba?" Tanong niya.

 Tumango naman ito, "oo ayos lang ako, sige hinihintay ka na nila sa loob."

 Siya naman ngayon ang pumasok, pagkapasok niya ay agad niyang nakita si Austin at ang matandang lalaki, pinaupo naman siya sa tapat ng matandang lalaki na agad naman niyang sinunod.

 "Ako si Mr. Ramirez ang magtatanong sayo sa imbestigasyun na 'to, anong pangalan mo miss, ang buong pangalan mo," sabi ni Mr. Ramirez.

 "Ako po si Mhea Zaragosa."

 "Ms. Zaragosa nakita kasi namin ang pangalan mo sa cellphone niya na tumawag ka sa kanya ng mga ala-una ng hapon, anong pinag-usapan ninyo?" Unang katanungan nito.

 "Hihingi po sana ako ng tulong sa kanya kong maari po eh samahan niya akong magpunta sa ospital sa susunod na linggo, kaso sabi niya sa akin hindi siya makakasama dahil busy siya sa susunod na linggo," pagsisinungaling niya, kong sasabihin niya ang totoo baka paghinalaan siya ng mga pulis at sabihing nasisiraan ng ulo.

 Tumango-tango naman ang pulis na para bang naniniwala sa kanya, "hindi mo ba alam na kayong dalawa lang ng kaibigan mong si Dona ang tumawag sa kanya ngayong araw, siya ang na unang tumawag nitong kaninang umaga, ikaw naman noong ala-una ng hapon at ng mga ala-siete kong kailan madalas 'yon ang oras ng uwi ni Cena, pero mukhang hindi niya ata narinig ang tawag dahil naka-silent ang cellphone niya, makikita lang niya kong may tumatawag sa kanya kong hawak niya ito o kong nasa harapan niya."

 "Wala ka bang nalaman o kiniwento man lang sa kanya na may nararamdaman siyang umaligid sa kanya?" Tanong muli ng pulis.

 "Wala po." Mabilis niyang sagot.

 Ilang minuto pa siyang naroon bago siya tuluyang palabas ng silid. Bago pa man sila tuluyang makaalis ng presinto, kailangan muna silang makuhaan ng fingerprint, habang nasa harap sila ng lamesa ni Austin napapansin niyang parang kinakabahan ang kaibigan.

 Magsasalita pa sana siya para tanungin ang kaibigan pero nagsalita na ang kaibigan niya habang nakaharap sa pulis. "Is it necessary na kailangang kunin ang fingerprint namin?"

 Nagulat siya sa tanong ng kaibigan, napatingin sa kanya si Austin bago muling tignan si Dona.

 "Opo," mabilis na sagot ni Austin, "sa kaso kasi ng Marionette, nahihirapan kaming makakuha ng match ng fingerprint na nakukuha namin, kaya kong maari lahat ng masasangkot sa kaso kinukuhaan namin ng fingerprint, kong wala naman kayong tinatago ayos lang sa inyo na kunin namin diba."

 May punto ang binata, "tama siya Dona, trabaho nila 'to, para sa ikakatahimik ng lahat, kailangan nating makisama," pagsang-ayon ni Mhea.

MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon