Chapter 1 - Countdown.

851 25 0
                                    

Hi there! Ako nga pala si Sharlene San Pedro. You can just call me Shar. 15 years old ako, and I go to Lamberto Uy Villarama University aka LUV U. Astig ng name ng school namen no! ^__^

Anyways, 3rd year high school ako sa LUV U, and I can say na ang saya-saya ng hs life ko ngayon. Diba nga sabi ng iba na Hs ang pinaka masayang part ng school? Well totoo iyon. I have great friends, cool teachers and an awesome bestfriend. :)

“Shar! Anak bilisan mo na sa pagbihis at baka malate ka.” - Mommy.

“Ok po ma!” – Ako

Binilisan ko na ang pagbihis at bumaba na sa dining area. Mayaman kame, pero hindi ako hambog para ipagmalaki ang kayamanan ko. Tinuruan ako ni mommy na maging humble at grateful sa mga blessings ko. :)

“Mmm! Ang bango ahh! Sinigang yan no?” - Ako

“hahaha. Oo anak. O sya, kumain kana.” – Mommy

Yessssss! Ang sarap naman ng ulam! Siguradong mapapakain nanaman ako nito nang maramii!!!!! Yum yum yum! (^_______^)

“Anak, dahan-dahan lang sa pagkain.” – Mommy

“Alam mo naman na favorite ko to mommy e, so surely masasarapan talaga ang pagkain ko.” – Ako

“Alam ko anak, pero alam mo naman ang kundi---”

*BEEP BEEP!*

May sasakyan na pumara sa harap namin. Naku! Andyan na pala ang sundo ko!

Binilisan ko nang kumain at kinuha na ang bag ko. Hinalikan ko sa cheeks si mama at saka tumakbo papunta sa gate.

“Anak! Dahan-dahan lang! mag iingat ka ha!” – Mommy

"Yes po!" – Ako

Pagkalabas ko ng gate, bumungad sakin ang napakagwapo kong bestfriend na nakasandal sa kanyang sasakyan. Nang nakita nya ako, agad syang nag bow kasama nang isang nakakalokong ngiti.

“Magandang Umaga mahal na prinsesa. Maaari na ba kitang maihatid sa iyong destinasyon?”

Tumawa ako at nag bow rin sa kanya. 

“Maaari mo na akong ihatid, mahal na prinsipe.”

Ngumiti sya at binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Pumasok na kami at nag drive na sya papuntang school.

Ay! Hindi ko pa pala siya naipapakilala sa inyo. Meet my one and only bestfriend, Aeign Zackery Nash Aguas. Ang cool ng name nya noh? Cool rin sya kase sa personal. Captain ng basketball team, mabait, gwapo, mayaman, matalino at astig na bestfriend. Oh, anu pang hahanapin nyo diba? Haha, kung alam nya lang kung panu ko sya edescribe sa inyo, siguradong hahangin ng malakas dito! XD

“Oh? Nangyari sayo? Ba’t ka ngumingiti ng mag-isa dyan?” – Nash

“Wala lang. di ba pwedeng ngumiti?” – Ako

“Pwede. Basta wag lang mag-isa, baka isipin nila may baliw akong bestfriend, edi sira pa ang gwapo kong image.” - Nash

“Wow naman! Ang lakas ng tama ng hangin ahh!” – Ako

“Anong hangin? E hindi naman bukas ang bintana ah. tsk3…nababaliw ka na talaga.” – Nash

“Che! Edi ibaba mo na lang ako dito! Para hindi kana Makita na kasama ang isang baliw!” - Ako

“Suuuus…eto naman ang bilis magtampo! Alam mo…Ikaw lang ang nagiisang baliw na gusto kong makasama sa harap ng maraming tao. Sorry na.” – sabi ni Nash sabay ngiti.

Ayiiiiiieeee! Sweet naman ng bestfriend ko! That’s why I’m so lucky to have him. :D

“Sige na nga! Pasalamat ka mahal kita!” – Ako

“I love you too.” – Nash

Oooops! Bago kayo mag react, H-I-N-D-I K-A-M-E. Okay? Ganyan lang talaga kame ever since pa nung mga bata kame. So, walang malisya yan. (owwws?)

After 10 minutes, nakaabot na kame sa LUV U. nag park na si Nash sa kanyang sariling parking space (grabe!) at bumaba na kame. 

“Akin na bag mo.” – Nash

“Ha? Bakit naman?” – Ako

“Para hindi ka na mahirapan.” – Nash

“Ok lang ako, hindi naman mabigat.” – Ako

“Hindi, akin na. ako na ang magdadala.” – Nash

“Nash, okay lang ako. Wala naming mabigat sa bag ko, tatlong libro lang tsaka tatlong notebook ang nandito.” – Ako

“Sige, kung ayaw mong ibigay ang bag mo, ibigay mo nalang sa ‘kin ang mga books mo. Ako na ang magdadala.” – Nash

“Nash…” - Ako

“Please shar? Ako na ang magdadala.” - Nash

He gave me that puppy dog eyes. Haaay. Kapag ganito sya, hindi ko talaga siya mata-tanggihan.

*sighs* “Sige na nga.” – Ako

  Binigay ko na sa kanya ang mga libro ko at naglakad na kame papuntang classroom.

~~~~~~~C L A S S R O O M~~~~~~~~

“BEBEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!” isang malakas na boses ang bumungad sa akin sa harap ng classroom.

“Ate Kath!”

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Grabeh, namiss ko talaga si Ate Kath.

“Bebe! Kamusta kana? Ok ka na ba? Wala na bang masakit sayo? Kumakain ka ba nang mabuti? Inaalagan kaba ng bestfriend mo? Nakuu sabihin mo lang sa akin kung hindi at ako na ang bahalang bumatok sa kanya ng malakas hanggang sa malagas yang matulis nyang buhok!”

Tumawa naman ako sa reaksyon ni ate kath. Sobra akong na touch sa sinabi nya, feel ko talaga na mahal na mahal nya ko.

Siya nga pala si Kathryn Chandria Bernardo. Senior na sya dito sa high school. Maganda, mabait, matalino at magaling sa painting! Lab na lab ko to! <3

“Grabe ka naman kung makapagsalita, ate kath. Tagos sa puso ko oh!” – Nash

“Haha! Sorry nash! Worried lang talaga ako kay bebe shar. Ikaw lang kaya ang nakasolo sa kanya! Malay ko ba kung anu na ang nagawa mo sa innocent kong baby!” – Ate Kath

“Aray naman! Ako? Ang gwapong si Nash Aguas, ang kinagigiliwan ng mga babae, may gagawing masama sa nagiisang bestfriend ko sa mundong si Sharlene Santos San Pedro? NEVER!” sabi ni Nash sabay akbay sa akin. “Ate Kath naman! Hinding hindi ko sasaktan ang mahal na Prinsesa.”

“Suuuuuuus. Nagmayabang pa. o sya, aalis na ako. Sabay tayong mag lunch ha! Gusto ka rin kasing Makita ni Dj eh.” – Ate kath

“Sige Ate Kath. Kitakits mamaya.” – Ako

Nag hug na kame at pumasok na ako sa classroom namin.    

~~~~~ F A S T F O R W A R D ------- > L U N C H T I M E ~~~~~~~~

Nandito na kme ni nash sa canteen at hinihintay ang iba naming mga barkada. Grabe kame nalang pala ni nash ang mag classmate ngayon. Pero tentative pa naman kaya may chance pa kme magkakasama-sama ulit.

“SHHHHHHHHHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRR!!!!!!!” Tatlong malalakas na boses ang sabay-sabay na sumigaw sa gilid namin. Nakita ko ang tatlong kong loka-lokang mga kaibigan.

“Mika! Ella! Patty!”

Nag hug kameng tatlo at ginawa ang aming secret handshake. Grabeeeeeeh! Namiss ko talaga silang lahat!

Pero teka…

Siguro nagtataka kayo kung bakit na miss ko sila ano?

Well…

I’ll let you in on a little secret.

.

.

.

I only have 200 days to live.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

There you have it! Chapter 1! Please stay tuned sa susunod na chapters! Thank you so much! <3 :)

In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon