Chapter 6

567 21 4
                                    

Hello, Hello!

After 20 years, nakapag-UD na rin ako! XD Sorry kung natagalan, nagsanib-puwersa kase si writer's block at si katamaran eh. Hehehehe :3

Pambawi! Mahaba ang chapter na to (siguro? mehe) Sana mag enjoy kayo! :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Oh, miss San Pedro. Alagaan mo ang sarili mo ha? Inumin mo ang gamot mo palagi. Huwag magpabaya.”

“Opo Doc.”

Ngayon na ako lalabas galing ng ospital. Isang gabi rin ako dito dahil nagpumilit si Mommy na magpa-full body check up ako pagkatapos akong mahilo at matumba sa mall. Hindi naman talaga ako nahimatay, ramdam ko pa nga ang pagbuhat sa akin ni Nash at pagdala niya sa akin sa sasakyan papuntang ospital. Dinala niya ako sa emergency room at doon ako chineck-up ng doctor. Pagkatapos nun, inilipat ako sa isang private room kung saan naghihintay na sa akin si mommy. Pinauwi na rin si Nash kahit na ayaw niya pa.

Kitang-kita ko ang namamagang mata ni Mommy sa kakaiyak. Sobra raw siyang ninerbyos nang tinawagan siya ni Nash na nasa ospital ako. Akala raw niya mawawala na ako.

Inakala ko rin yun.

Papasok na kami ng sasakyan at pauwi na. Hay salamat. Gustong-gusto ko nang umuwi eh. Kung hindi lang talaga sa pagpupumilit ni Mommy hindi talaga ako magtatagal sa ospital na yun. Ayoko sa mga ospital. Ayoko ng amoy ng ospital. Kapag pumapasok ako dun, isa lang ang naaamoy ko. Ang amoy ng kamatayan.

“Oh anak, absent ka muna ngayon ha? Papasok ka nalang pag ok kana.”

“Sige po Mommy.”

Monday ngayon. Hayyy. Absent na naman. : ( 

Pagdating ko sa bahay. Agad akong pumasok sa room ko at humiga sa kama. Chineck ko ang phone ko at laging gulat ko nalang sa sobrang dami ng missed calls and texts. Akalain mo, 66 missed calls & 210 messages?! Halaaa! O____o parang natakot naman akong buksan ang phone ko sa dami! Daig pa nila mommy ko ah!

Inuna ko muna ang mga texts.

5 messg. from: AteKath

*Bebeeeeee! Narinig ko kay Nashie ang nagyari sa iyo?! Ok knba?! Bebeeeee, Im so worried abt u!!!! :’’’’(((((

*Bebe, pls call me if u rcv this, ok? Get well. I love you! :*

*Bebe, dnt skip any foods ok? I love you!

Awww. Ang sweet talaga ng Ate Kath kooo. Agad ko na siyang nireplayan.

To: AteKath

Hi Ate! Im fine na, dnt worry 2 much. : )) I wnt skip anythng. Promise. I love you! :*

Binuksan ko naman ang sunod na text.

10 messg. From: DadeeDeej

*Anak ko! Anung nangyari sayo?!

*Ok k lng ba?!

*Tawagan mo ko!

*Diyos ko, nagaalala ako!

*SHARLENE SAN PEDRO!

*Ok, medyo pinakalma nku ni Bave. Magpalakas ka ha? Dpt by tom., makita na kita sa skul. Ingat ka! Mahal ka ng Dadee mo.

In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon