Chapter 5 - The First Fall.

575 19 4
                                    

Hiiii! I'm back again! :D

Enjoy this Chap, kasi mas mahaba ito sa last Chapter. Mehehehe :3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yaaay! Saturday ngayon! Chill lang ako sa bahay ngayon. ^__^ Marami akong plans sa isang chill na Saturday, kagaya ng pagbabasa ng libro, o di kaya movie marathon, o pwede ring----

♫Maybe it’s the way she walks…straight into my heart and stole it…

Ayy! Ring tone ko yun! 1Directioner kase ako. Hihi. Kung ganun din kayo, APIR TAYO FRIEND!  ^____~

Tinignan ko ang caller id.

Bro:D CALLING

Si Nash? Hmm, anu kaya ang kailangan nito? Sinagot ko ang phone assuming na ang boses ni Nash ang maririnig ko, pero ang sumalubong sa akin ay isang cutiepatootie na boses.

“ATE SHAR! I miss you na! Weyr are you na? Pway wid me!!! I haven’t seen you for like, 31 days!!”

Natawa naman ako sa pagbilang niya ng mga araw. Ang kyooot talaga ni baby Chloe!

“Awww! Sorry baby chloe! I’m in the house. You want to come here?” Tanong ko sa kanya.

“YES! YES! AHHH! KUYA! GIMME THE PHONE!!! I WANNA TALK TO ATE SHARLENE!!”

“AKO MUNA CHLOE!”

Narinig ko sa kabilang boses ang bangayan ng magkapatid. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Ang cute talaga ^___^.

Bigla nalang natahimik sa kabilang linya. Siguro tumakbo na si Chloe kay tita para isumbong si Nash. Hay Naku.

“Shar?”

“Oh? Napatawag ka?” tanong ko.

“Actually, si Chloe yung tumawag. Hinablot nanaman ang phone ko ng hindi ko alam.”

“Ah.” Ba’t parang disappointed ako?

“Oh? Anu yun? Disappointed ka noh?” biro naman niya sa akin. Bigla naman akong namula. Shet, mind reader ba to?

“Hindi kaya! Feeler mo.”

Tumawa naman siya. “Okay, okay. Since natawagan ka naman ni Chloe, gusto ko sanang tanungin sa’yo kung free ka today?”

“Ah, oo. ”  

“Ayos! Mall tayo! ^ ^”

“Ngayon na?”

“Hindi Shar, Hindi. Try mo next week baka open pa ang mall.”

“CHE! MAG MALL KA MAG ISA! Bwisit.” Minsan talaga ang sarap batukan ang taong ‘to. =.=

“UYYYYY! SORRY SHAAAAAAAR! DI NA MAUULIT! HUWAG KANANG MAGALIT UY! WALA NA AKONG PERA PANG HINGI NG SORRY!” Pagmamakaawa niya. Napatawa naman ako sa kanya. Hahaha try ko kaya to paminsan-minsan? Nakakaawa siya, natatawa naman ako. Mwuahahahaha >:D

“Shaaaar…pinagtatawanan mo ba ako?”

Ooooops. Hahaha :D

“Hindi ah. Bingi. Sunduin mo nalang ako dito after 20 mins. Okay?”

“YES MAM!”

Bumaba ako sa sala para magpaalam kay mommy na aalis ako ngayon. Simula kasi nung nalaman namin na may taning ako eh naghihigpit na siya sa akin sa mga bagay na makakapag-pagod sa akin. Naiintindihan ko naman siya, pero ayokong sayangin ang natitira kong mga araw na magmukmok nalang sa bahay. Kahit papaano, gusto kong memorable ang buhay ko.

In Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon