(Zeth's POV)
May pinakita akong kwintas kay Ai, ang pendant is ZA, meaning nun syempre ng pangalan naming dalawa, ibibigay ko sakanya yun pag-nagkaroon ako ng lakas ng loob.
Andito ko ngayon sa canteen at nag-iisa, ayoko muna ng kasama para isipin ni Ai mag-isa lang ako tapos sasamahan niya ko kaso tinitignan lang ako na parang gusto kong maki-join sa kanila, yoko nga!ikaw nga target kong pumunta dito eh, para masolo kita!haha
Nga pala, mamaya pupunta ako sakanila, syempre tuturuan ko siya sa MATH nanaman, haix, bagsak kasi siya sa quiz kanina, first subject namin ang Math eh.
Txka kanina nga pala nakasalubong ko ate ni Ai, iniinvite akong manuod ng laban niya, lalaban nanaman siya.lalaban nanaman ang future ate ko, kapal!haha
Kung lalaban ang ate niya ibig sabihin uuwi na din ang kuya niya, kasi laging buo ang family nila paglumalaban ate niya eh, kahit nga kaming mga kababata niya andun para daw malakas ang hatak, haha
Nga pala lahat silang magkakapatid triple A ang pangalan, kung si Ai-Airish Ann Arceo, yung ate niya is Alexa Andrea Arceo at ang kuya naman niya is Alex Antony Arceo, ansaveh! Mga triple A Buttery sila,haha
Natapos na ang break time ng hindi manlang lumapit sakin si Ai, katampo naman.
Tatayo na sana ko kaso may narinig akong sumigaw.
(Ann's POV)
Nakakaloko na to ah!siya na nga tong may kasalanan aasarin pa ko!
"pwede ba!wag kang mayabang!hindi porque ikaw ang tinitingala ng mga babae dito pwes ibahin mo ko!ang yabang-yabang mo!maangas ka lang hindi ka gwapo!maporma ka lang hindi ka gwapo!kaya wala kang karapatan na laitin ako dahil hindi ka PERPEKTONG TAO!"-me
(A/N: may pinaghugutan ako jan, haha kaso mga babae kinaiinisan ko ^_^v para yan sa kaklase kong lagi nilang nilalait. Dedicate ko sa kanya yan, happy ako nung nagkalakas siya ng loob sagutin yung mga babae na yun, hihi)
Tinulak ko si Andrick ng konti para makalayas na! nakakainis, natapunan na nga ako ng kape sasabihan pa kong bobo, ang bobo at ang tanga ko daw kaya yan nainis nalang ako sakanya.
Nagpunta ako sa rooftop at naglabas ng sama ng loob, kasalanan ko ba kung bakit nila ko nilalait na ang bobo ko at ang tamad ko, ganito na ba ko Katanga? Di ko alam kung panong maging matalino pero naiinis ako.
May nagbukas ng pinto at bigla akong hinila paharap sakanya at bigla O______o
Hinalikan niya ko!
(Andrick's POV)
Sorry naman nu, kakahiya yung ginawa niya, ngayon naka yuko nalang ako pano kasi nakakaloko yung mga pinagsasasabi nung reyna ng katamaran, totoo naman kasi yung sinabi ko bakit siya maiinis?
Ngayon naririnig ko na ang mga inggiterong lalaki.
"dapat lang sakanya yun bro, totoo naman yung sinabi ni Ann eh, maangas lang, tsk"
"puro kaya kayabangan"
"kaya nga, porque tinitilian ng mga babae araw-araw lumalaki ulo!"
"ii-status ko yan sa fb ko, Carl Andrick Marcelo pinahiya ng isang babae sa harap ng madaming estudyante"
"hahahahahahahaha"-yung mga ugok!
Okay, siya na! siya na namahiya sakin! Nakakainis siya…
PINAHIYA NIYA KO!
Oo tama!pinahiya niya ko, kasama yun sa mga steps na nilagay ko sa bulletin, ginagawa lang kaya niya yung mga steps na yun kaya niya nasabi yung mga yun, tsk kaya pala, isa pala siya sa mga babaeng tumitingala sakin, Airish Ann Arceo.
BAKIT SIYA NAUNA! Wala na bang IBA jan?!
(Laine's POV)
Nasaktan masyado si best friend ko, kaya siguro nasabi niya yun, nakakainis kasi tong si Andrick! Tama ba kasing laiitin ang best friend ko yan tuloy napala niya, lalo siya kinainisan ng mga lalaki sa campus, bleh! :p
Habang nakatayo at nagdadalawang isip na sundan si Ann may humawak ng aking makinis at maputing kamay, mabango nadin, hihi
Tinignan ko yung humawak at biglang para kong nakuryente sa kinatatayuan ko, h-hinawakan ako ni Calvin. Ghad, babagsak ako, Erich catch me!
Tinignan ko si erich at nakangiti lang siya sakin, hello nagluluksa na ata ang aming best friend at balak pa atang asarin ako, duh!
"pagpasensyahan mo na si Andrick, mahangin lang talaga ang paligid pag siya kasama mo"-Calvin
"a-ayos lang"
"kakausapin ko nalang ang pinsan ko, wag na kayong mag-alala"
Kiniss niya ko sa pisngi ko then umalis na siya, nakatulala lang ako dito, nung nawala na siya sa paningin ko.
"erich! Yung puso ko sinama niya paalis!mamamatay na ata ako!kiniss niya ko!waaaaah!"
"O.A teh?"
Teka, si Ann nga pala, hinila ko nalang bigla si Erich papuntang rooftop, nakita nalang namin si Ann na nakatulala lang, watata ang lola niyo, anyare>masyado ba siyang apektado sa sinabi ni Rick? Kung sabagay masakit masabihan ng tanga, bobo at tamad tapo---
"waaaaaah!kinikilig ako!"
O_____o reaction namin ni Erich.
Kinilig siya sa sinabi ni Anrick, ang babaw teh! Panglalait yun teh! Tapos kinilig pa!
"hoy bruha! Kinikilig ka jan? nilait ka palang ni Andrick tapos kinilig ka pa!san ka pa?"-Erich
"tss, pinaalala mo pa, makapasok na nga"-Ann
Umalis na siya at sinundan naman namin, hala para lang kaming R.I.P. girls, haha si Ann ang nagbigay ng pangalan ng grupo nila, matinding kaaway ni Ann, kaaway pala namin, hehe
Pumasok na kami at late kami, ^__________^ yan ang ngiti namin kay Sir Luis, at dahil sa ngiti naming wala ng bukas smile pinapasok kami, oha, kung sila Zeth malakas sa mga teacher na babae kami naman malakas sa mga teacher na lalaki, oh edi balance lang, hihi
A/N: suri, watata utak ko ngayon eh..pero salamat dahil binabasa niyo parin ang story ko.