Chapter 4 [Entering at Casino]

25 8 1
                                    

"Entering at casino"

Pabalik-balik ang tingin ko kay Neo at Gai, ang kasama kong umakyat sa pader. Na ngayonay matalim ang titigan sa isa't-isa na kahit ano pang oras pwede na silang mag-sapakan.

"Wait wait wait!"

Taas kamay akong pumagitna sa kanilang dalawa para lang matigil ang pagtitigan sa nilang dalawa na ayaw magpatalo.

"hindi ka pwedeng sumama samin Gai"

Gusto niya kasing sumama sa amin sa casino. Ehh secret nga lang ang pag punta namin dun atsaka hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit kami pupunta doon. Ito kasing tangang Neo binanggit ang pagpunta eh alam naman nakaharap si Gai sa amin.

"Okay"

Walang emosyon niyang sabi at tinalukuran kami. Yun nayun? Payag naman pala siya bakit nakipag-titigan contest pa siya kay Neo?

"I will report you to the dean office instead"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. i-rereport niya kami? No way!

Patakbo ko siyang hinarang. Tinaasan niya lang ako ng kilay at patay malisyang tumingin sa akin na para bang walang masama sa sinabi niya.

"wait--- okay sasama kana. Wag ka lang mag-sumbong"

"Pero Heart—"

Pinandilatan ko ng mata si Neo para pigilan ang nais niyang sabihin. Alam kong ayaw niyang sumama tong isa pero no choice kami kapag nag-sumbong siya malilintikan ako kay mama.

Humulma naman ang ngiti sa gilid ng labi ni Gai. Tinalikuran niya na ako at humarap kay Neo na hindi maipinta ang mukha. Ayaw niya talaga malaman ang dahilan ng pagpunta niya doon.

'tsk! Sabing hindi ka pwede. Wala kang ID na-----"

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Neo, ay tinapat na ni Gaia ng ID niya sa pagmumukha ni Neo. Lumapit ako sa kanila at tingnan ito.

"Gaison Arcilla, 21 years old." Basa ko dito.

"21 years old kana?"

Gulat kong tanong sa kanya. Hindi halata.

"It's a fake. You can't enter casino when your age is 19 below." Paliwanag niya at binalik ang fake ID na sinasabi.

Napatingin naman ako kay Neo. Ngumiti lang ito na para bang alam ang gusto kong sabihin.

May kinuha siya sa wallet niya at inabot sakin ang Identification ID nakalagay doon ang name ko at ang fake age na 20 years old fake din ang address na nakalagay. Pwede pala to? Sa recto niya ba ito pinagawa.

"hindi gawang Recto yan"

Napa-tsk na lang ako sa sinabi niya. pano niya kaya nalalaman ang sinasabi ng utak ko, mind reader ba siya.

"Eh bakit may fake ID ka Gai?" curious kong tanong kay Gai na ngayon ay inaayos ang gamit niya.

"for clubbing" makahulugan siyang ngumiti sa akin kaya naman na panganga ako sa sinabi niya. Clubbing? As in nag-pagawa siya ng fake ID para lang makapasok sa club. By the way, is none of my business kung pang club niya yung ID niya. Bakit kase ang dumi ng utak ko sa sinabi niya.

~~~~

INABOT sa akin ni Neo ang isang paper bag nang makarating kami sa Mall kung san naroon ang casinong pinuntahan ng bikmang ini-imbistigahan namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakapasok kami sa casino kung pano namin sisimulan, pero alam kong alam na ni Neo ang gagawin niya. hindi ko lang alam kung may balak siyang sabihin kay Gai.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Detectives[ONGOING/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon