Chapter 3 [Master]

30 8 0
                                    

"Master"


Iwinaksi ko sa isipan ang pagpapantasya ko sa ganda ng mukha niya. Kung mahaba nga lang ang buhok niya pagkakamalan ko na itong babae.

"So Mr. Detective Conan, este Detective Neo." pang aasar ko sa kanya. " May sapak ka ba sa ulo or what? Sabi nga nung inspector na mataba na walang leeg ay serious crime ito. Kaya.." lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya. Bahagya pa akong tumingkayad dahil matangkad siya.

"Kaya, itigil mo kahibangan mo hmm! Ilaro mo nalang yan ng murder escape" usap ko at ngumiti. Tinalukuran siya.

"Naniniwala ka ring hindi suicide yun hindi ba?"

Napahinto ako sa sinabi niya. At napaisip, Kahina-hinala nga yung sa bangkay kanina pero hindi parin yun basehan para tawaging murder.

Curious lang ako hindi ako naniniwala.

"I'm not" sagot ko at lumingon sa kanya.

"Curious ako kaya ako lumapit kanina. Hindi para tingnan kung murder or suicide iyon" paliwanag ko at muling tumalikod at naglakad.

Hindi pa ako nakakalayo sa lugar ay hinarang niya na ako.

"Alam kong interested ka, Bukas. Magkita tayo sa Convience store na malapit sa school. 11:00 am sharp Hmm! See you"

Bago pa ako makapag react ay lumalis na siya sa harapan ko at tumakbo palabas ng subdivision.

What the? Sino siya para sundin ko? Mamuti ang mga mata niya at hindi ako sisipot.

"Dito na ko"

Bungad ko nang maka-pasok sa bahay.

"Ohh andyan kana pala" masiglang bungad sa akin ni mama na nakasuot ng apron. Nagluluto na siguro siya ng hapunan.

"Hindi ma wala pa ako dito" walang gana kong sagot at umakyat sa kwarto. Rinig ko pa na humagikhik siya sa sinabi ko. Tsk!

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama atsaka tumingin sa kisame. Nakakainis! Ano bang problema nung lalaking yun at ako ang napili niya idamay sa kalokohan niya.

Umikot ako sa pagkakahiga para makadapa ang dalawa kong kamay ay inilagay ko sa baba. Kusa na lang kumunot ang noo oo nang pumasok sa isipan ko na makipag kita sa kanya bukas. Augh! Hindi! Wala akong balak!.




Maaga nanaman akong nagising dahil kahapon ay na late ako. At sabi nga ng Dean bawal malate.

Nakaayos na ako ng bumaba. Naabutan ko si mama na nagaayos ng pagkaen sa lamesa.

Nang mapansin niya ako ay ngumiti siya sa akin. "Ohh ang aga mo ulit ha. Kumaen kana." Pag-aaya niya sa akin.

Ngumiti ako at umupo sa mesa. At nag simulang kumaen. Umupo na rin siya at sinabayan ako sa pagkaen.

"Nga pala ma this weekend may voluntary service kami. 2 days iyon. Okay lang ba na sumama" Pagpapaalam ko.

"Oo naman. Minsan ka lang sumama sa mga activity's pagpapabawalan pa ba kita." Masigla niyang sagot.

Minsan lang kase ako sumama sa mga activity's lalo na at hindi kasama si Jia o kaya si Jen doon ay hindi rin ako sasama.

"This weekend bibisita na lang din ako sa Tita Bea mo. "

Tumango lang ako sa sinabi ni mama. Kapag wala siya ginagawa madalas niyang bisitahin si Tita Bea. Ang nakakabata niyang kapatid.

"Nga pala nak."

High School Detectives[ONGOING/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon