KABANATA 2: May mali
Giselle's
Nang makarating ako sa condo ay dali dali kong binuksan ang pinto, sigurado akong nandito na si mamey dahil alam nila Max ang passcode ko sa condo kaya malamang ay pinapasok na nila ito.
Sinalubong agad ako ni Pepper saka umaligid sakin, Hindi ko siya pinansin at tuluyan na akong pumasok at sinarado ang pinto.
Bumungad sakin ang Max na naka taas ang paa habang tutok sa cellphone niya at si Sof na nanunuod sa T.V, nakita ko rin ang maleta na malamang ay dala dala ni mamey.
"MAMEEEEYY" sigaw ko bakas ang excitement. It's been a year since i saw her personally. I miss my number one kakampi. DEYM!
Niyakap ko agad siya nung nakita ko siya, naka talikod siya sa akin dahil nagluluto siya. agad ko namang naamoy ang paborito kong ulam. adobong atay!
Natawa ako dahil rinig ko ang angil kay mamey dahil sa pag sunod sakin ni Pepper, panay ang kalampag ng buntot nito kaya hinimas ko nalang ang ulo niya at yumuko para magpadila sa pisngi kaya naman bumalik na siya sa pwesto niya at nahigang muli.
Ngumiti ako saka hinarap si mamey
Humarap naman si mamey at nakita ko ang mapula niyang mata at nag babadya niyang luha. Siya naman ang yumakap "Namiss kita bunso." naramdaman ko ang patak ng luha niya sa balikat ko, siguro ay sobra sobra na ang kaniyang luha.
nilayo niya ako saka pinunasan ang luha niya at luha kong tumakas sa mata ko.
"Hay nako! ang payat mo. Hindi ka kumakain ng gulay no?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman napanguso nalang ako. "Eto at nagluto ako ng paborito mong atay at ng chapseuy. Kumain ka ng gulay, kokotongan kita Giselle." Ayoko talaga sa lahat ay yung tinatawag niya ako sa pangalan ko dahil isa lang ang ibig sabihin non. Galit o nagaalala siya.
Tumango ako saka yumakap sa bewang niya habang nag aayos siya ng kakainin para sa hapunan. Wala na akong pake kung nahihirapan siya. Basta gusto ko siya mayakap.
"Mga babaita! kumain na dito, tumigil muna kayo at tsitsismisan niyo ako ng malupit." napailing nalang ako, hindi pa rin nag babago sa pananalita si mamey. Kalog si mamey, sunod sa uso, at kung ano anong mga salita ang natututunan ko sakaniya. aniya'y nababasa niya raw iyon sa Facebook.
Umupo na kami sa lamesa, katabi ko si mamey at naka yakap pa rin ako. Ayoko na siyang pakawalan actually. Marami siyang ikukwento at ganoon rin ako.
"Ano kamusta ang pag aaral niyo mga dilag? malaman kong pumopoka lang kayo sa iskwelahan aynaku! ipapatapon ko kayo sa universe." Nanlilisik ang mata niya sa akin kaya naman ngumuso ako. Siya lang ang hindi ko kayang sungitan at hindi ko kayang pakitunguhan ng hindi maganda. Ganon siguro talaga nanay ko siya e.
"Ay nako tita yang si Gi! ang daming lalaki" Narinig ko ang halakhak niya na parang nagpapahiwatig na Yari-ka-na. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Joke laaaang! pihikan nga niyan sa lalaki tita e, ay nako lalapit pa lang ang lalaki nag sasign of the cross na dahil sa takot kay Giselle" pag bawi niya. Sawa na ata sa buhay niya.
Tinignan naman ako ni mamey saka ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sinamaan niya rin ako ng tingin kaya napaiwas ako ng tingin, Hindi ko talaga kaya si mamey. tsh.
YOU ARE READING
Together Forever
Novela JuvenilSabi sa science, mas madaling bumaba sa hagdan kesa umakyat, parang sa pagibig... Madaling mafall, mahirap mag move on. Giselle Shargette Zarases transferred in Kripton Academy, An unknown school because of an unexplainable reason. She transferred...