Kabanata 3: Pula
Giselle's
Education system isn't stressful to be honest, I don't understand why does student aim for a compliment that they are doing great in school pero hirap na hirap naman.
Bakit ba iyan ang iniisip ko. Last year ko na sa course ko. Hindi naging madali ang pag aaral ko dahil sa course na yan. Isa lang naman ang gusto ko kaya ako nag Pharmacy, gusto ko gumawa ng gamot na nakakalason tapos ipapainom ko sa mga kinaiinisan ko. Walang halong biro, tsh!
"Hoy! Nakatulala ka diyan. Tara na!" sinamaan ko ng tingin si Max dahil sa pag sigaw niya sa harap ko. Tamad akong humakbang papunta sa parking.
"Sino ba kasi nagpauso ng pasok sa Kripton? Saan ka maka encounter ng klase ng hating gabi?" Bugnot na sabi ni Sof na kanina pa hikab ng hikab dahil sa antok.
Dalawa sila ni Max na antok na antok samantalang ako ay walang antok na nararamdaman. Isn't it a weird practice? Students who go to Kripton are like paniki. Kahit sino ay hindi makakapag concentrate dahil sa antok.
Nang makarating sa school ay wala kaming makitang istudyante.
"P*ta ano 'to joke time? Bakit walang mga istudyante?" Bugnot na saad ni Max at padabog na naglakad.
"It's because you guys are almost late. Go to your room now, pag tumungtong ang 12 midnight at nakita ko kayo sa corridor na pakalat kalat ay hindi ninyo magugustuhan"
Napatingin ako sa nagsalita sa likod namin. Its Zacheus, ang president ng student council, together with his eyeglass, bitbit niya ang walang emosyon niyang mukha. Taliwas sa pinakita niya nung nag enroll kami nung nakaraang araw.
Inirapan siya ni Sof saka kami kinaladkad ni Max ng walang sinasabi papunta sa room namin.
Pagkarating sa silid ay kami nalang atang tatlo ang kulang, para bang disiplinado ang mga tao dito na pumasok ng sobrang aga para lamang hindi mahuli sa klase.
"Farmaceutico! Eto ang gagawin ninyo." Para akong namalikmata nung makitang may kinuha ang mga kaklase ko sa ibabaw ng table nila, napatingin ako sa akin ng makitang meron din ako, meron ba nito kanina?
Pinagmasdan ko ang papel at nakita ang iba't ibang materials na gagamitin sa ibaba noon ay ang procedure.
Hindi normal ang mga gagamitin namin sa eksperimentong gagawin namin.
"Dugo ng tao? Buto ng aso? Pakpak ng paru-paro? What the hell are we going to do?" Gulantang na sinabi ni Max sa mahinang tono habang binabasa ang papel.
Napatingin ako sa paligid ng maramdaman ang mga matang naka tingin sakin?? Samin rather.
Narinig nila iyon?
"May problema ba Binibining Coffee?" Gusto ko matawa dahil sa tawag ng aming guro kay Max. "Isang kalapastanganan ang tumawa Binibining Red" halos mapanganga na ako dahil sa sinabi niya.
How come??
Tinignan ko si Sof ng tumingin ito sakin, sumenyas ito na parang umiiling.
"Paumanhin po." Magalang na sinabi ko, at hindi na pinahalata.
Maaaring nababakas sa aking mukha ang pagtawa ko kanina kaya pati si Sof ay sinaway ako.
YOU ARE READING
Together Forever
Teen FictionSabi sa science, mas madaling bumaba sa hagdan kesa umakyat, parang sa pagibig... Madaling mafall, mahirap mag move on. Giselle Shargette Zarases transferred in Kripton Academy, An unknown school because of an unexplainable reason. She transferred...