Di ko na sinama how Miguel popped Audrey's cherry. Magiging sunod-sunod ang BS hindi pa umaabot ng 10 tas bs ulit chap 10, baka may magreklamo na naman.😂 But I'll include that sa book once na ma-published. Hoping na matapos ko agad 'to.
----
"Sumasakit ang ulo ko sa 'yo, Jem Mhica! Could you please stop acting like a desperate one.""But I am desperate!"
"Kapag hindi mo tinigilan ang kahibangan mong ito tatawagan ko na ngayon mismo si ninong."
"Then do it!" hamon ni Jem.
Nakikinig lang si Audrey sa pagtatalo ni Miguel at Jem sa salas habang siya ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama. Bigla na lang sumulpot si Jem dito. Ayon kay Jem ay sinundan nito si Austin kaya natunton ng dalaga ang tagong-tagong lugar na ito.
"Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa Audrey na 'yan? She's not a kind of girl na magugustuhan mo." Nalukot ang mukha ni Audrey sa narinig. Bakit naman nasama siya usapan?
"Jem!" Naiirita ang boses ni Miguel at hindi man niya nakikita pero sigurado siyang nakatiim ang mukha nito.
Pero ano ba ang sinasabi ni Jem na may gusto sa kanya si Miguel? Or maybe iyon ang sinabi ni Miguel para gawing excuse nang sa gayon ay makaiwas kay Jem. Mukhang malaki ang tama ni Jem kay Miguel at itong si Miguel naman ay mukhang walang gusto kay Jem.
"Totoo naman, eh. Ang uri ni Cassandra ang gusto mo. Maybe you are forcing yourself to fall in love with another girl to forget Cassandra. That is your way to deal with your heartbreak. You are just using her."
"Jem, stop it!"
"Ako na lang ang gamitin mo! Willing akong mag pagamit sa 'yo. I can help you to mend your broken heart."
Napakibit balikat na lang si Audrey sa sinabi ni Jem. Tama naman ito sa sinabi nito. Ginagamit lang siya ni Miguel. Ginagawa lang siyang parausan nito pero wala siyang karapatang magreklamo dahil gusto naman niya kung ano ang nangyayari sa kanila ni Miguel. At isa iyon sa ipinagtataka niya sa sarili ngayon. Hindi naman siya ganoong klase ng babae. May respeto siya sa sariling katawan at lalo sa sariling pagkatao pero pagdating kay Miguel. . . Kapag nahawakan at hinalikan na siya nito ay ginugupo ang matino niyang pag-iisip ng matinding pagnanasa.
"You can't help me, Jem! You are a complete pain in the ass. Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa 'kin, Jem, dahil kita gusto."
Napailing si Audrey sa narinig mula kay Miguel. This man is really rude! Tumayo si Audrey at lumabas ng silid. Nakita niya si Jem na nakaupo sa pang-isahang upuang gawa sa narra at halos mangiyak-ngiyak ito habang si Miguel naman ay nakatayo sa harapan nito sa kabilang bahagi ng center table.
Tumayo ang dalaga at nakayukong tinungo nito ang pinto. Noon naman biglang sumulpot si Austin kasama si Herrick sa may pinto.
"Hey! Paano ka nakarating dito? Niligaw na nga kita nakasunod ka pa rin? Aba't may sa pusa rin ang isang ito."
Ang maluha-luhang mata ni Jem ay tumalim at bigla na lang nitong sinampal si Austin nang pagkalakas-lakas na ikinatigalgal ng lahat. Hindi mailarawan ang gulat sa mukha ni Austin sa hindi inaasahang ginawa ni Jem. Mabilis na lumabas si Jem. Malakas namang tumawa si Herrick sa nasaksihan at umupo ito sa kung saan nakaupo si Jem kanina.
BINABASA MO ANG
The Hunk Society 3: Tricked (Published under LIB Bare)
RomanceBago namatay ang kapatid ni Miguel ay ibinilin nito sa kanya ang babaeng nakatakda nitong pakasalan. It took him two years before he finally found the woman, but it only plunged him into the most devastating crisis of his life when he found out that...