The Fire

46 4 3
                                    

Chapter 1The Third Chaos



It was a dark summer afternoon.



I was about to flip the next page of Birdsong, a war-romance novel of Sebastian Faulks, when I have heard a couple of knocks. Kahit maingay sa labas dahil sa pagkulog at sa sabay-sabay at sunud-sunod na pagbagsak ng mga patak ng ulan, rinig na rinig ko ang pagbulyaw sa akin ni Aling Teresita, ang landlady nitong inuupahan kong apartment.



"Aba, Eysi! Ilang buwan ka nga bang hindi nakababayad ng upa? Dalawa? Tatlo? Susmaryosep, hija! Nakakaaapat na buwan na akong dilat sa paghihintay ng bayad mo! Nasaan na?" Aniya. Hindi ko naman siya masisisi kung magagalit man siya. Why? I'm her only tenant here. Wala na. Wala ng iba. Wala ng natira.



They would always pack up and leave dahil may sa-demonyo raw ang building na ito at kung anu-ano raw ang mga naririnig at mga nakikita nila, palibhasa'y tumbok raw kaya 'yon, walang nags-stay ng matagal at nang lumaon, kumalat na ang balita at wala na ngang nagtangka pang sumubok na manirahan dito. Well, exclude me.



Hell! Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa mga multo, who knows? The topic about ghosts' existence is still questionable, it hasn't proven right, hasn't proven wrong. Pero, wala naman kasi talaga rito, sa tingin ko kasi, nariyan sa tabi mo.



"Hija!" Aling Teresita called for me again pero wala akong balak sagutin siya. "Puny'ta! Iisa na nga lang ang natira, tigas-kuko pa!" She added. After a few seconds, the knocks were gone.



Thug life. Balik tayo sa ghosts thing, well kung nakakakita raw sila, nakaririnig at kung anu-ano pa, hindi 'yon totoo kasi, wala pa akong nakikita, narinig, naramdaman o kung ano man. Kung mayroon mang makapagpapatunay, ako na 'yon.



Look, I don't know where did it start pero dito, dito sa building na ito ko unang natuklasan ang kapangyarihan o kung ano mang mayroon ako.



Batid ko noon na may matalas na mata ako, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakiramdam, but I never doubted my existence, I never thought that I'm different, maybe I'm just gifted with such talents.



Pero magmula noong pinalayas ako ng magaling kong tiyahin at tiyuhin sa pamamahay na dapat ay pagmamay-ari ko, tumira na ako rito at noon ako unang nagtaka sa kakaibang kakayahan na mayroon ako. Because of the rumors that this building is somehow haunted and filled with so-called demonic beings, I grew curios, intrigued and aware of everything and everyone, I want to know the truth.



Hanggang sa halos matuod ako nang samu't saring mga tinig ang naririnig ko, bahagyang tumalas ang pang-amoy ko at luminaw ng todo ang paningin ko. I wasn't scared na baka multo na nga yung naririnig ko dahil sure ako, hundred percent, mga ka-tenant ko ang naririnig ko. Jeez, they're on the first floor and I'm on fourth, top. Dalawang room na lamang ang naookupahan dito maliban sa room ni aling Teresita. I can clearly recall what I've overheard.



"Hush, little baby, don't say a word... Papa's gonna buy you a mocking bird~"



"Mga anak, mag-impake na kayo, susunduin na tayo ng papa ninyo, hindi na tayo ligtas rito," Mrs. Gomez said. "Paparating na ang papa ninyo kaya bilis-bilisan niyo na."



"Mama... dahil ba 'to sa naririnig ni Trisha? Totoo bang may mga multo nga rito? Mama natatakot ako," Her little daughter exclaimed.



"Ssh, sige na sundin niyo na ang mama. Ako na'ng bahala sa pinagkainan natin," Phoebe said, ka-edad ko lang siya, I think. Siya ang panganay. "Mama, bakit tayo lilipat?" She asked under her breath.



The Third ChaosWhere stories live. Discover now