The Heralds

19 1 0
                                    

Chapter 3─The Third Chaos



"The name is Francisco Nicolasa and I can hold time," he answered.



Mababakas ang pagkabigla sa mukha ni Phoebe, malamang! Hindi namin inaasahan na sa paglalakad-lakad namin sa gabi, ay bigla na lang kaming may makakadaupang-palad na herald. We definitely didn't see this coming.



"Y-You can hold t-time?" Phoebe asked. The old man nodded.



"That's right, kaya nga sinasabi ko sa inyo, mga hija, kaya ko ang sarili ko. Pero teka muna, p-papaano mo nalamang kakaiba ako?" He asked.



"You're a herald, lolo, that's... how we call our kind. So, she is Phoebe Gomez, an animal manipulator and I'm Artemesia Caria Bellona, I have enhanced senses, and also I can sense a nearby herald," I explained.



"I see, maupo muna tayo," he suggested and we followed him. "Gaya nga ng sinabi ko, kaya kong patigilin o pahintuin ang oras, kung hindi niyo maitatanong, kaya kong patigilin ito ng ilang minuto."



"T-Talaga? P-Pwede mo bang mabago ang paligid? You know, during the stop of time, can you change an object's position or situation?" Phoebe asked.



"Oo, hija," sagot nito.



"Kailan niyo pa ho nalamang may kapangyarihan kayo?" I asked.



"Simula pa noong binata pa ako,"



Napag-alaman naming nag-umpisa ang kapangyarihan niya noong CAT nila, nagsimula ito sa three second hold of time, five seconds, hanggang sa naging isang minuto at ngayon nga na kaya niya na itong gawin kahit limang minuto o higit pa. Marami pa kaming naitanong kay lolo Francisco, at nakagaanan na namin siya kaagad ng loob kaya nga hiniling niyang lolo Isko ang itawag namin sa kanya. We have no problem with that. Mahahalata sa mukha niya ang pagtanda, he might be on his 60's.



Hanggang sa umabot ang usapan sa aming mga magulang. Dahil nalaman niyang wala kaming permanenteng bahay at nagtatrabaho kami para mabuhay, sinuhestyon niyang doon kami tumuloy sa kanyang mansion. Byudo na siya at hindi sila nagkaanak ng napangasawa niya kaya maliban sa mga maids at guards, wala na siyang iba pang kasama sa bahay niya.



Sinabi naming titignan muna namin ang lugar niya saka kami magdedesisyon, he doesn't have any issue with that, though.



His mansion is incredible and marvelous. It was a proof of an ancient art. Gothic ang disenyo at makikita mo sa detalye na pinagkagastusan ito. One of the perks of having enhanced senses is that, I'm very particular to details. Walang makakatakas.



"Dahil sa mga nalaman ko at sinabi niyo nga na gusto niyong makakilala pa ng mga katulad nating heralds, in exchange of having you here, I want you to be my eyes, gusto kong maghanap kayo ng iba pang mga kauri natin because I want to build a secret institution for heralds," he said.



"P-Pero paano namin 'yon magagawa, we don't know how to find them, nakaka-sense si AC ng mga herald but she has to be near them for her to sense them," Phoebe exclaimed.



"Bibigyan ko kayo ng mga lead kung saan sila matatagpuan,"



"For example?" I asked.



"For example, this case number one, si Elethea Auzrial Dela Llana, isang 12 taong gulang na batang halos kilala na ng karamihan. Nakilala siya bilang 'The Healer Beyond The Walls' she was an orphan at nagsimula ang kanyang mga himala nang siya'y 11 taong gulang, halos isang taon narin ang nakalilipas. Nasa Manila Cathedral, Intramuros siya, doon niya nakuha ang bansag sa kanya," he explained.



The Third ChaosWhere stories live. Discover now