Samantha's POV
D-day . Mabilis akong nagligpit ng mga gamit ko. Katatapos lang exam namin . 10 ang uwi pero since medyo mahirap ang exam namin sa huling subject nagovertime kami plus ngayon pa nagkaron ng distribution ng class pic . Nakiusap ako sa adviser ko naunahin na ako since baka matraffic pa ako at hindi pa nakapag ayos buti na lang talaga ay bakasyon na namin kinabukasan kaya pwede na akong magstay sa bahay at hindi na mabulok sa dorm namin
Pagkabigay sakin ay tumakbo agad ako at nagbabay muna sa mga kaibigan ko . Sandali lang din akong nakapaghintay ng jeep at nakasakay din agad . Buti wala masyadong traffic
Pagkauwi ko ay nagbihis agad ako at sumunod na sa memake upan . Maya maya ay pinatawag na kami at umalis na rin ng bahay
Church
Nagsimula na kaming maglakad kasama namin ang Papa namin
I got teary eyed when my Mama entered oh goshhhI hold it at success di ako naiyak . Maya maya lang ay natapos ang misa at nagpicture picture muna kami bago umalis
Kami ang huling umalis since nagpictorial pa sila Mama at Papa
Nang nasa sasakyan na ay tahimik ang kmi hanggang sa makarating kami sa may venue
Wow ang ganda. Dun ang ganda magselfie" turo ko sa entrance ng venue nila Mama at Papa
Its their wedding anniversary. Silver to be exact kaya nagpakasal ulit sila
Pagkahinto ng sasakyan ay agad akong bumaba hawak ang dalawang bulaklak na pinang abay ko at ang ihahagis ni Mama mamaya
"Uy papicture ako dali" anunsyo ko sabay bigay ng cellphone sa pamangkin kong bata
"Okay thank you" at kinuha ko na ang cellphone ko . Nauna na sila sa loob at nagpapicture pa ako sa baby kong pinsan
Nang matapos ang magpaphotoshoot ay agad akong pumasok ng venue
Pagbukas ko ng pintuan isang gwapong nilalang ang agad kong nakita
O-M-G sino sya? But at the same time kilala ko sya sa mukha
Agad kong binawi ang tingin ko at tumingin sa harap ng stage at tumulong sa ate ko at sa boyfriend nya
"Ahm maam relatives po ba kayo ng ikinasal?" Magalang na tanong sakin ng coirdinator
Tumango ako at Pinaupo kami sa harap. Agad kong nilapagang mgadala kong gamit at nagpicture ulit
Well ang ganda ko today eh . Hihi
"Ahm Sam? Punta na kayo sa labas para makapagstart na tayo" sabi sakin ng emcee . Agad akong lumabas at sa tuwing nadadaan ako sa harap niya feel ko nakatingin sya sakin kaya patay malisya ako . Sam listen okay wag kang assuming dyan pwede ang arti arti mo bulong ko sa sarili ko
"Ayan na magstart na" sigaw ng tito at tita ko
"Ladies and Gentlemen our Bridesmaid and Groomsman . The lovely daughter and son of our Groom and Bride . Miss Samantha Angela Valdez and Mr. Ryle Valdez" pagkasabi ng emcee ay nagbukas ang pinto
Nasa amin ang lahat ng mata at medyo nahihiya na ako pero dahil makapal ang mukha ko ng tumugtog ang music ay lumukso lukso ako at inenjoy ang pagrampa ko . Halos lahat ay nakangiti dahil sa pinaggagawa kong kalokohan
May ilan akong kakilala at nagsmile lang ako sa kanila . Tulad ng mama ng kaklase ko dati
Nang nakarating na kami sa harap ay naupo na kami ng kapatid ko sumulyap ako sa table nila pero wala di ko din nakita dahil may nakatayo at nakaharang sa gwapong nilalang
BINABASA MO ANG
Love At First Sight
RomanceShe's jolly ,kenkoy, pretty, humble, smart ,talented , and kind halos lahat na nasa kanya may kaya sa bahay pero isa lang ang wala sa kanya BOYFRIEND. Nbsb or No Boyfriend Since Birth si Girl He's a campus Hearthrob , smart, handsome, a varsity play...