Chapter 4: Strange

344 12 0
                                    

Samantha's POV

Hindi ko alam pero hindi na ako tinetxt ni Hunter o di kaya ay tinatawagan simula nung araw na ipinagtanggol nya ako

Hindi na rin kami halos nakakapagusap sa school dahil parang ilag sya sakin

There's a time na magkakasalubong kami pero deretso lang ang tingin nya o di kaya ay nakikipagtawanan sa mga kaklase nya

May isang beses pa na nahulog nya ang isang notebook nya pero hindi nya ako pinansin at pinakuha nya sa kaibigan nya ang notebook sa kamay ko

Hindi na sya tulad ng dati na lumalapit lapit sakin minsan nga feel ko nagdadalawang isip sya kung lalapit ba sya o hindi

Bahala sya . Pero okay na din siguro ito para matigil ko na ang kahibangan ng nararamdaman ko para sa kanya

"Sam! Una na kami ah" Paalam nila Divine sabay takbo para mauna sa pila para dun sa gagawing activity

Pagkaligpit ko sa bag ko ay tatayo na sana ako ng bigla akong mahilo at muntikan ng matumba . Napaupo ako at hinawakan ang ulo ko

Ano bang nangyayari? Sinubukan ko ulit tumayo at failed nahilo na naman ako pero kailangan kong pumunta dun sa gym

Intramurals na at halos nandun na lahat . First game ay Grade 11 vs Grade 12
Second naman ang ibat ibang department ng college

Sa huling try ko ay nakatayo ako pero nakahawak ako sa mga dingding bilang suporta at para na rin hindi ako matumba

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial si Bea

"Hello bea pasundo ako please" sabi ko . Nanghihina na ako at parang di ko na kaya pa

"Bakit? " sabi nya sa kabilang linya

"Nahi-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng nagblack na ang buong paningin ko

Hunter's POV

"Sam!" Rinig kong sigaw ng kung sino man . Halos lahat ay sa kanya napatingin

Teka kaibigan to ni Samantha ah? Mabilis syang umalis sa upuan nya at nagtatakbo palabas ng gym

Huh? Ano problema? Narinig ko ding nagtanong ang mga kaibigan nya pero . Di sya nito pinansin at nakitakbo na din palabas

Ganun din ang ginawa ng mga kaibigan din nya na kasama nya lagi sa uwian . Ano bang nangyayari?

"Captain focus" rinig kong bulong ni Dylan at tumango na lang ako

3rd quarter na at hindi pa rin bumabalik ang mga kaibigan nya . Malaki na ang lamang namin kaya naman ng matapos ang 3rd quarter ay nagpahinga na muna ako

"Coach may titignan lang ako sa labas babalik din ako agad" paalam ko kay coach at pumayag naman ito

Nang makalabas ako ay walang katao tao san ko sila mahahanap?

"She's in the clinic . She passed out habang papunta dito . Buti may nakakita sa kanya" dinig kong salitang nasa likod ko . Pagkatingin ko ay si Sheena pala

"T-thank you" I said akmang tatakbo na ako ng bigla akong napahinto dahil sa sinabi nya

"Nahulog ka na nga" at tumalikod na sya habang nakangiti ng nakakaloko o makahulugang ngiti

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya . Tss what Am I doing?

Agad akong bumalik sa loob ng gym at naupo sa may bench namin

"Akala ko pupuntahan mo mukhang nagkamali ako " ng sabi ni Sheena habang ang mga mata nito ay nanunuod lang sa mga nagbabasketball

"Tss why would I do that?" Sabay kuha ko ng inumin mukhang natigilan sya at napatingin sa akin at umiling

Love At First Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon