ONE LAST TEXT (chapter-16)

81 3 0
                                    

Maraming shares ang post nayon dahil kilala yung tatay ni mark bilang isang mayaman at matapang na mayos sa lugar nila.

Di ako makatulog sa kakaisip ko sa mga posibleng mangyare. Naghahalo na yung mga emosyon ko, galit na may halong takot yung nararamdaman ko. Galit ako dahil nagawang ipost ng adik nayun yung tungkol samin ni mark at takot akong malaman ng daddy ni mark ang tungkol samin at baka anung gawin nya sakin at kay mark. At ang pinakatatakutan ko talaga yung masangkot pa dito yung pamilya ko.

Kinaumagahan, hintay ng hintay ako kay mark. Anong oras na di nya parin ako sinusundo, hindi manlang sya nag text o nag chat sakin kung di sya papasok para di nako maghintay sakanya. Lumakad na ako dahil malelate na ako da first subject ko.

Pag pasok ko sa school namin, nakatinging yung mga studyante sakin. Parang nagbubulungan sila habang nakatingin sakin.

May nagbubulungan na nararapat lang daw yun samin dahil kadiri daw kami, at nanghihinayang ako kung ano yung nagawa ko.

Maya-maya may isang babaeng lumapit sakin sinabi nya sakin na pinalipat daw si mark ng school ng daddy nya dahil nalaman daw nya na may relasyon kami ni mark.

Napatigil yung mundo ko at parang nabibingi yung mga taenga ko na akala mo ay nalulutang na ako. Umiyak nalang ako at tumakbo ako sa c.r habang nagtitinginan parin yung mga estudyante sakin.

Pumasok ako sa C.R. at nilock ko yung pinto humarap ako sa salamin at kinausap ko yung sarili ko. "Ang tanga tanga mo jam, bakit pa kasi nakilala mo si mark, ayan tuloy iniwan kanarin nya. Ang tanga mo! Naniwala kanaman sa salitang walang iwanan. Umasa kananaman na kayo hanggang huli."

Pumasok ako sa banyo para mag jingle ng biglang may nahulog na papel galing sa kabilang banyo.

"Sino nandyan?"-me

Narinig ko yung mga apak nyang papalabas at dabog ng pag sarado ng pinto. Lumabas na ako ng banyo at inayos ko ulit yung sarili ko sa tapat ng salamin. Binuksan ko na ang sulat na hawak-hawak ko.

Dear jam,
       Alam kong masakit yung nangyari sayo, pero sana wag kang mawalan ng pag-asa. Pag-asa na umibig pa muli, alam kong hindi ka sinaktan ni mark. Kani kanina lang narinig ko na pinapili si mark ng daddy nya na kung papaalisin kadaw sa school nato o kung si mark mismo ang lilipat ng school. Pinili nyang umalis nalang nang school para sa mga pangarap mo, para sa pamilya mo, at para sayo. Lumayo sya sayo dahil mahal ka nya, dahil importante ka sa kanya. Hindi sya lumayo kasi bumitaw sya, lumayo sya dahil sa mahal na mahal
ka nya. Kaya sana maging okay yung lahat, maging matatag ka sana at nandito lang ako gumagabay sayo.

-"ram5


Sumulat nanaman yung stalker ko sakin. At dahil sa kanya parang nahimas-himsan ako at nung nalaman kong umahil sya ng school dahil sakin, awa at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko inaakalang ganun talaga ako kamhal ni mark, salamat nalang at merong akong stalker na nag bibigay sakin ng mga detalye kung ano na yung nangyayari sa mundo ko. mabuti panga to na kahit di ko sya nakikita alam na alam nya kung ano yung ginagawa ko.

Lumabas na ako ng C.R at umuwi na ako ng bahay kasi hindi maganda yung pakiramdam ko.

Pagdating ko ng bahay lamyang-lamya ako hinawakan ni mama yung leeg at noo ko at mataas daw yung lagnat ko.

Kumuha si mama ng lugaw at itlog para lutuin, at habang kumakain ako napansin nyang lumuliha yung mata ko.

"Bakit ka umiiyak"-mama

"eh si mark pinaalis na school namin"-me

"Ano? sino naman nagpaalis sa kanya may nagawa ba syang kasalanan?" -mama

"Nalaman kasi ng daddy nya na may relasyon kmi kaya ayun pinalayo sya sakin"-me

"Wag muna muna isipin si mark,kumain ka muna tapos mag pagaling ka ang taas ng lagnat mo oh"-mama

napakaswerte ko talaga dahil may nanay akong katulad nya, maganda na mabait na maasikaso na maganda pa. Alam kong hindi madali yung pinagdadaanan ko pero alam ko sa sarili ko na malalagpasan ko kung ano man ang problema ko.

****
Paano kaya makaka-move on si mark? abangan yan sa next chapter ng ONE LAST TEXT.

****

Thanks for reading guix pasensya na kayo kung natagalan yun update ko super busy talaga ako sa school eh.  Salamat ulit

ONE LAST TEXT   (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon