Kabanata 3

12.1K 271 6
                                    

Kabanata ³
  
  
  

“OK ka lang? ” tanong ni Fritzy.

Nasa taas kami ngayon ng bahay nina Macy. Nasa rooftop to be specific. Limited lang ang nandito. Bawal sa iba ang lugar na ‘to kaya medyo tahimik dito at nakakapag-isip ako.


Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon ang sinabi ‘nung Jay sakin. I’m his? Ano ‘yun?

Hanggang ngayon mabilis parin ang tibok ng puso ko. Naghuhumerantado.

“Doon tayo kina Macy. ” yaya ni Fritz.

Tumango lang ako sa kanya at sumunod.

“May ebabs ka na ba, Spike? ” rinig kong tanong ni Angelo kay Spike.

Napaangat ang mukha ko dahil sa kalandian ni Angelo. Grabe talaga ang baklang ‘to. Walang patawad kahit kailan.

“What’s ebabs? ” takang tanong ni Spike.

I can see in the other corner na may sariling mundo sina Macy at ang boyfriend nitong si Storm. Ang sweet sweet nila sa isa’t-isa.

“Ebabs means girlfriend. Ganun. ”

“Nah. I’m searching. May mairereto ka ba diyan? ”

Namilog ang mata ni Angelo at parang mahihimatay na dahil sa kilig. Napailing na lamang ako sa kanya.

“Pwedeng ako na lang? Ako nalang, please. ”

Napuno ng tawa namin ang rooftop dahil sa kabaliwan ni Angelo. Nakita na rin sina Macy at Storm samin.

“Wait. Where’s Jay? ” naputol ang tawa dahil sa tanong ni Macy.

“He’s outside. Hinintay niya sina Von. ” sagot ni Spike.

Pagkabanggit pa lang ng pangalan niya bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Sobra sobra na ang epekto niya sakin.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may dumating sa rooftop. Dalawang lalaki. Akala naligaw lang dito sa taas pero ‘nung nakita nina Storm ang dumating ay nakipag-aper ang mga ito.

So mga kaibigan din nila ang mga ‘to. Tch!

I can sense something about these guys. Lalo na ‘yung tinawag nila na Von. Puno ang katawan niya ng tattoos. Oo, art ang tottoo pero ‘wag  namang abusuhin.

“And that is Via. ” i just smile at them.

“Where’s Jay? ”

“Looking for some drinks. ” sagot ‘nung Mike.

Bakit ba naging ganito ang epekto ‘nung lalaking ‘yun sakin. Wala namang espesyal dun sa ginawa niya.

“Your OK? ” lumapit sina Maggie sakin. Nagsawa na siguro sa bunganga ni Angelo.

“Y-Yeah. ” sagot ko at ngumiti ng tipid.

Actually, kanina pa ko hindi OK simula nang dumating tayo dito. Di ko lang masabi sa inyo dahil ayokong sirain ang gabi nyo.

“And speaking of the devil. ”

Lahat napalingon sa paparating na si Jay. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya ng matagal. Siguro dahil nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari samin ‘nun sa bar.

Binigyan niya isa-isa ang mga kaibigan niya ng dala niyang beer.

“He’s so hot, right? ” rinig kong bulong ni Mia kay Maggie.

Tumingin ako sa kanila at pareho silang napahagikhik na dalawa habang nakatingin kay Jay.

Napapikit na lamang ako dahil sa hindi mapaliwanag na dahilan.

“Excuse lang, guys. CR lang ako. ” paalam ko sa dalawa at tumayo na.

I know my friends very well. May kalandiang tinatago ang mga ito. At naiinis ako sa dahilan na hindi ko alam. Simula nang makita ko si Jay ngayong gabi parang naiinis ako na nagagalit dahil sa alam kong kahit wala siyang gawin mapapalingon talaga ang mga babae sa kanya.

Nagpunta ako sa CR gaya ng paalam ko sa dalawa. Paglabas ko sumalubong agad sakin si Juster. Napaatras pa ko dahil sa gulat.

“Long time no see, honey. ” aniya. I can an alcohol on him. At mukhang lasing na rin ang mokong na ‘to.

“U-Uhm... A-Anong g-ginagawa mo Dito? ”

“I am invited too. What ‘bout you? ”

“Same. You know what i really have to go. Nice to see you, Just. ”

Matagal ng nanliligaw sakin si Juster. Second year college palang ata. Pero bilang isang playboy at kung sino-sinong babae ang pinapatulan ay hindi ko siya inentertain. Pero ang kulit niya. Sobra. Kailangan ko pang magpanggap na may boyfriend para tigilan na niya ko sa kasusunod.

“Wait. ” hinawakan niya ang braso ko para mapahinto ako. “Where’s your man? ” tanong niya.

Everytime na magkikita kami nitong si Juster lagi niyang tinatanong ang boyfriend ko kuno.

“U-Uhm... His... ” damn! Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong kasinungalingan ang sasabihin ko sa lalaking ito.

“Bakit mo tinatanong? Anong kailangan mo? ” may biglang sumulpot sa kung saan.

Mas hindi ako makapagsalita dahil sa paglapit ni Jay sakin. Lalo na ‘nung akbayan niya ko. Gaya ‘nung sa bar noong una naming pagkikita—noong una niya kong hinawakan ay may kuryente akong naramdaman.

“So your the lucky guy. ” saad ni Juster. Naglahad siya ng kamay kay Jay na agad naman nitong inabot. “Congrats, dude. ” patuloy nito.

Tumango lang si Jay kay Juster. Pagkatapos makipagkamay ni Just ay umalis na rin ito at naiwan kaming dalawa ni Jay.

Agad kong hinawi ang kamay niya na kanina pa nasa balikat ko.

“A-Ah... T-Thank you. ” usal ko.

Hindi ako makatingin sa kanya. Kasi ayokong malunod sa kulay asul niyang mga mata. Baka kasi hindi na ko makaahon at walang sasagip sakin. Natatakot ako. Natatakot ako kasi sa maikling panahon ay ganito na ang pakiramdam ko sa kanya. And all of this was new to me.

“S-Sige. M-Mauna na ko. ” hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil nagmadali akong umalis doon.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay para na kong hindi makahinga.






___________

Ebabs(babes) means girlfriend, gf, syota, iniirog, minamahal.


Ebabs comes from my dictionary. Heheh!

Unexpected Romance(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon