Kabanata 12

8.7K 172 3
                                    

Kabanata — 12
 
  
  

"You're my darned business, Via. "
 
  

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Nagkatitigan lang kaming dalawa hanggang sa nagsalita siya ulit.
 
 

"Mahal kita, Via. Mahal na mahal. I never felt this to Carmina before. Sa 'yo lang ako nagkaganito. Sa 'yo lang ako baliw na baliw, Via. But why are you doing this to me? Kung galit ka sakin, ok! But i already said sorry. Dahil, Via ang sakit e. Sobrang saki---"

 
 
 
"Akala mo ba hindi rin ako nasasaktan dahil sa ginawa mo? Winasak mo ko, Jay. At ngayon andito ka dahil nasasaktan ka rin? Wow! Just, wow! "
 
 

"Sorry. Nagsinungaling ako dahil kailangan. Kailangan para mapadali ang lahat. Ngayon ok na ang lahat, V. Pumirma na si Carmina sa annulment papers namin. Malaya na kong magmahal. Malaya na kong mahalin ka. "

 
 

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa mga sinasabi ni Jay. Bakit ngayon pa tumulo ang pesteng luhang ito. Bakit ngayon pa sa harapan niya.

 
 
 
Umiling ako at pinahid ang mga luha ko. Wala akong mahanap na salita kaya tumalikod na lamang ako at pumasok na sa loob ng kotse.

 
 
Hindi siya sumunod o humabol sakin. Nakita ko lang siya na nakatingin sakin.

 
 
Pinaandar ko na ang sasakyan at sa huling pagkakataon ay nilagpasan na naman siya.

 
 
 

Jay’s POV:

 
 

"Tama na 'yan, pare. "


 
 
I've been wasted for how many nights now. At dahil lang 'yun lahat sa babaeng pinakamamahal ko. Si Via. Hindi pa ko nagkaganito sa isang babae. Hindi ni Carmina na akala ko ay siya na ang mundo ko.

 
 

"Umuwi na tayo, pre, lasing na lasing ka na. "

 
 
 
Hindi pa ko lasing. 'Yun ang alam ko. Alam ko pa ang mga nangyayari sa paligid ko. Alam kong andito sina Spike at Mike para samahan ako. Alam ko rin na nasasaktan ako.

 
 
 

Via’s POV:

 
 
 
"Ano bang nangyayari sa inyo? Kagabi si Jay lasing na lasing daw sabi ni Spike. Ngayon naman ikaw itong... " ani Macy.

 
 

Siya nalang ang inaya kong mag-inuman dahil sa aaminin ko ma't sa hindi ay nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Fritz. She really likes Nathan at ngayon parang sinusulot ko siya sa kanya kahit na hindi naman sila.

 
"Nakagawa ako ng mali, Mace. Isang malaking pagkakamali. " saad ko atsaka uminom ng beer.

 
 
 
"Anong klaseng pagkakamali ba 'yan? " tanong ni Mace.

Unexpected Romance(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon