Butler Academy (Who's your Butler)

126 5 4
                                    

(Coffee's POV)

Ang sarap ng babad ko sa bathtub. Grabe parang lagi lagi first time ko sa tuwing gagamitin ko to. Hahaha

Isang linggo na din kame ni mama dito. At syempre kasama ko si bubbles para may kasama si mama pag-alis ko.

Oo aalis ako. Napagkasunduan kase namen ni papa na kailangan sundin ko sya sa lahat ng gusto nya at isa sa utos nya ay ang mag-aral ako sa Heiress Academy. Kailangan ko daw ma-train dun upang maging successful at maging deserving ako bilang tagagpamana ng empire nya.

Empire talaga ! Dahil Ang daddy ko ay walang iba kundi si  Louis Edward Stanford, third world’s wealthiest person . Hindi nawawala sa List of Most Influential people in the world taon-taon

Nagmamay-ari  ng De’Stanford inc. Isang napakalaking kompanya na kilala bilang supplier ng mga Dyamante at luxury cars sa buong mundo. Kilala din ito sa larangan ng mga luxury chain of hotels at isa din si papa sa mga major investors sa ibat’-ibang malalaking kompanya.  

At bilang nag-iisang anak nya kailangan ko daw maging deserving bilang maging kapalit nya sa darating na araw. At para magawa ko yun “Heiress Academy” ang nag-iisang school para matutunan ko lahat ng mga kailangan ko.

Okay naman sana kaso nakakalungkot kase may sariling dorm yung school at once a month lang pwedeng lumabas. Mahihiwalay ako kay mama pero napag-isip-isip ko na okay lang andito naman si bubbles para bantayan sya. Nilipat na din namen sya sa magandang university.  Tsaka chance na di ni mama at papa para maayos kung ano man yung mga nangyari noon.

“Young Mistress ilang oras nyo ho ba balak magbabad dyan?.” Si black yan ang gwapo pero antipatikong butler ko.

“Saglit nalang, bakit kaba istorbo nakita mong naliligo pa ko!” naiiritang sagot ko ng may marealize ako. “A..ANONG GI..GINAGAWA MO DI..DITO SA BANYO KO!!!!?” buti nalang punong puno ng bula ung bathtub kaya natatakpan katawan ko.

“Antagal mo kaya!  Kaya pinasok na kita dahil pag hindi kapa tumayo dyan in 5 seconds ako mismo ang bubuhat sayo  at magbibihis sayo, Young Mistress” naiirita pang sabi nya.

“Aba! Sinong nagbigay sayo ng karapatang utusan ako !? Lumabas ka!”

“5”

“Labas sabe  eh !”

“4”

Hala! Di nga ? Seryoso ba sya?

“3”

“Aba’t--“

“2”

“Ito naman hindi mabiro! Tatayo na nga eh ! Labas kana, susunod na ko .” ^___^  mukha ko kahit bwisit na bwisit ako.

“Young Mistress, Bakit pa ko lalabas? May makikita ba ko? Tsaka baka kailanganin mo ko dito.” Nakakunot nuo pang sabe nya.

Adik ba sya? Hinintay ko syang gumalaw palabas kaso andun lang talaga sya. Seryoso sya?

“Oo meron! Yung kagandahan at kaalindugan ko kaya lumabas ka! Hindi kita paa so makakatayo ako dito kahit wala ka.” Sabi ko nalang

“Binibigyan na nga kita ng pagkakataon akitin ako eh tatanggihan mo pa. Alam naman naten na patay na patay ka saken eh.”nakangisi pang sabe nya bago lumabas.

Namula ako.

Namumula ako sa bwisit. Kung totoo lang na umuusok yung ilong siguradong tutunong na yung smoke detector ng bahay na to dahil sa kupal na to eh.

 “LUMAYAS KA SA HARAP KONG KUPAL KAAAAAAAAAAA! “

Ang kapal ng mukha! Patay na Patay ako sakanya? HAH !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heiress Academy (Heiress and Butlers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon