Heiress Black Butler

212 9 2
                                    

Naalimpungatan ako sa lamig. Parang may aircon?  Wala kame nun uulan lang siguro. Pero bat ang bango at lambot ng higaan, ang bango din ng paligid? Amoy pangmayaman, at ang lambot ng kama. Hmmm Anong sabon panglaba kaya ginamit ni bubbles dito? 

 "Young Mistress?"tinig ng isang lalake na animoy may tinatawag.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinilabutan ako sa init na taglay ng boses na yun. Parang naghahatid ng kakaibang pakiramdam na hindi ko alam kung ano.

PERO

TEKA

TEKA

Pano nagkaron ng boses ng lalake dito sa kwarto namen ni bubbles!?

?

?

Hala! may ginagawa kayang kababalaghan ang best friend ko?

*delete* *delete*

Imposible, kahit may taglay na landi yun hindi magdadala ng lalaki yun dito.

O baka naman masamang loob to na nagbabalak gawan kame ng milagro? 

Uwaaaaaaaaaah !!! 

*panic mode alert*

 *panic mode alert*

Uwaaaaaah ! Tulong po! A-anong gagawin ko? Didilat naba ako? Pero hindi! Baka bigla nalang ako patayin nito. Ano bang gagawin ko?

"Young Mistress" ika ulit ng boses

Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Shiiiiiit! Pero bakit ganun? parang hindi takot ang nararamdaman ko sa boses nya, mabilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan pero sigurado akong hndi takot yun.

Mali !!

Anong ba tong pinag-iisip ko! Nasa life and death churva na nga ako eh kung ano anong anek-anek pa pinapasok ko sa isip ko.

Isip bakla isip kung ayaw mong dito na matapos ang buhay mo! Gusto mo bang mamamatay na virgin? Huh? Gusto mo bang mamamatay na hindi pa natitikman ang mga biyaya ng diyos sa ating mga kababaihan? Gusto mo bang mamatay na hindi pa nakakahalik ng marameng salapi?

*$$$ (mga dollar sign na isa isang nagpuputukan ang lumitaw sa isip ko*

HINDI! hindi ako papayag! 

"Young Mistress" muling sabe nito.

Ampupu paulit ulit! Bat ba ayaw akong lubayan nito, Patay na kaya ako! Hindi na nga ako gumagalaw kahit nararamdaman ko na ang malalanggam na kuryente sa paa ko abot singit at pwet eh! Piiiiistttiiii! 

Pero Ano daw?

Young Mistress?

Batang kabet yata yun? Diba?

Kahit boplaks ako alam ko naman ibig sabihin nun

Young- Bata

Mistress- Kabet (narinig ko yata yan sa drama sa tv namen tuwing gabi.)

Shiiit kapeng mainit sinong kabet ang kumabet sa taong may sabit? Baka hired killer to ng the legal wife. Anong gagawin ko? Si bubbles? Nasaan si Bubbles? Inosente ako. Wala akong alam sa sinasabe nito!

Oo! Tama  inosente ako!

Inosente ako

Inosente ako

Inosente ako

"Inosente Ako !" nasigaw ko  bigla.

PATAY ! 

Katapusan ko na!

Hindi pa ako nakakapamaalam, Mamamaalam na agad ako.

Hindi ko pa nga nahahanap si future husband ko eh.

Heiress Academy (Heiress and Butlers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon