Who am i? For real?

71 2 0
                                    

“IKAW? “ makaputol litid na sigaw ko

Pano ba naman hindi ako sissigaw. Eh talagang nagulat ako . Sino ba naming hindi magugulat kung ang taong nasa harap mo ay walang iba kundi yung lalaking muntik na tumapos sa buhay ko at ipinahiya ako sa maraming tao.

“Ako nga ho, ikinagagalak ko kayong makilala Young Mistress.” Sabay yukod.

"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" patuloy na sigaw ko

"Young Mist--"

"AHA ! ALAM KO NA! SABI KO NA NGA BA IKAW ANG MAY PAKANA NG IILANG ULIT NA MUNTIKAN KONG AKSIDENTE EH ! SIMULA NUNG UNANG ARAW NA MUNTIK MO NA AKONG MASAGASAAN ! ANO MAGSALITA KA ! UMAMIN KANA !"

"Young Mis--"

"ANONG MOTIBO MO? HUH? HINDI NAMAN KITA KILALA AH ! BAKIT MO AKO GUSTONG SAKTAN? SABIHIN MO ! MAGSALITA KA ! ANG YABANG MO NUN ! ANO ? PIPI KANA NGAYON ?! GANUN? "

"Young Mis--"

"PAYOUNG MISTRESS CHENEZ KAPANG NALALAMAN DYAN ! ANO ? BAT HINDI KA SUMAGOT ! ANO KAILANGAN MO SAKEN? SAMEN ? DINAMAY MO PA ANG MAMA KO ! HAYOP KA  ! IMPAKTO KA ! DAPAT TALAGA BINARANG NA KITA EH !"

"Young Mis--"

"SABIHIN MO SAKEN NASAN ANG MAMA KO ! SUMAGOT KA ! WAG NA WAG KO LANG MALALAMAN NA MAY GINAWA KA SAKANYA ! NAIINTINDIHAN MO ! KUNG AYAW MONG PADANAKIN KO ANG DUGO MO DITO ! NASAN SYA ! MAGSALITA KA !"

"Ehem"

"WOW HUH ! HELLO HYSTERICAL NA AKO DITO MAY PAEHEM EHEM KAPANG NALALAMAN ! SABIHIN MO SAKEN KUNG NASAN ANG MAMA KO ! ANO--"

"AISH ! ANG TAPANG MO PARA SA ISANG NAKIDNAP ! NAKAKARINDI !" biglang sigaw nya na ikinatahimik ko.

Nakalimutan kong kriminal pala to. At nasakanya lahat nakasalalay ang buhay namen ng mama ko. 

Me and My BIG BIG MOUTH ! 

"He-He-He Sorry po !" sabay luhod 

"Sorry po. Nabigla lang naman po ako ! Wag mo kaming saktan ng mama ko. Pluuuueeesse !"

"Ehem !"

Halata namang nagpipigil ng tawa ang mokong na to. Pasalamat ka at may alas kang hawak saken. 

"Pwede na ho ba akong magsalita para masagot ko ho ang lahat ng katanungan nyo."

"Kanina pa po kaya kita pinagsasalita" 

"Pano ho ako magsasalita kung wala naman po yatang  space yung mga katanungan ho ninyo.” Tanong nya na kinatawa nung mga nag-ayos saken kanina.

Yumuko nalang ako. At hinintay nalamang sya magsalita.

"Una, Tama ho kayo na ako nga ang nagdala sainyo dito da--"

Nag-init bigla ang pandinig ko dahil sa pag-amin nya.

"SABE KO NA NGA BA EH ! EDI UMAMIN KA DIN NA--"

"HINDI MO BA TALAGA AKO PATATAPUSIN ?" banta nya saken

"Please continue !"

"Ako ho ang nagdala sainyo dito dahil iniligtas ko ho kayo sa mga lalaking muntik na dumukot sainyo"

Weeeh? Di nga ? NIligtas ako nito? O baka naman inuuto ako nito ! 

BIglang Nag-Pop sa isip ko yung huling eksena bago ako nawalan ng malay.

Tama may lalaking nagpatumba dun sa mga lalaking muntik na kumuha saken !

So totoo nga?

Iniligtas nya ako? 

Heiress Academy (Heiress and Butlers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon