Ako ay nagmula sa isang magulong pamilya. Pamilya na hindi nagkaka-isa kahit sa simpleng bagay. Pamilya na napaka-hirap na ayusin. Pamilya na tanging sariling damdamin ang iniisip. Pamilya na hindi ninanais ng sinuman.
Pang-anim na anak at panganay sa ikatlong asawa ng aking ama. Samantalang, pang-lima at panganay din sa ikalawang asawa ng aking ina. Lumaking sunod sa layaw ang aking kinagisnan ngunit pinalaking disiplinado ng aking ama at sinusuportahan sa pag-aaral ng aking ina.
Nagkaroon ng iba't-bang karanasan, binato ng mga problema sa buhay. Ang inaakalang mayaman at masayang pamilya ay may hirap at gulo din palang pagdadaanan. Ang aakalain mong masaya, mapayapa, at masaganang pamumuhay ay isa palang, panlabas na anyo. Isang pangarap na ninanais ng iilan sa mga kabataan. Isang "sana" ngunit imposibleng mangyari. Isang kathang isip na kailanmay 'di magkakatotoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/83681110-288-k182955.jpg)
YOU ARE READING
KAYA
RandomThis was written when I'm in Senior High School. Nagdadalawang isip ako kung ilalagay ko ba dito o hindi. Pero bahala na, bahala na si G.