Maraming taong umaayaw sa akin dahil sa ugaling mayroon ako. Maging sa aking pinagmulan, kanila din akong iniiwasan at tinatalikuran. Bilang lamang ang taong nakaka-intindi at nakaka-unawa sa aking sitwasyon. Ang iba ay napipilitan lang din na makipagkaibigan.
Mahirap makisama sa mga taong pinipilit ang kanilang sarili upang ika'y pakisamahan. Mahirap humingi ng tulong lalo na kapag ito ay isusumbat sa'yo pagdating ng mga susunod na araw. Mahirap umasa sa mga taong alam mong walang kasiguraduhan na ika'y sasamahan sa saya't lungkot ng iyong buhay.Marami akong gusto na mangyari para sa aking sarili. Lumaki akong may kakambal na pangarap, ngunit hindi alam na may kasama pala na sobrang paghihirap.
Nais ko lamang na may tunay na tatanggap sa isang katulad ko. Babalewalain ang mga pagkakamali na aking nagawa sa nakaraan. Hindi huhusgahan o makikinig sa mga maling haka-haka. Ako'y pakikinggan gaya ng aking ginagawa sa iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/83681110-288-k182955.jpg)
YOU ARE READING
KAYA
RandomThis was written when I'm in Senior High School. Nagdadalawang isip ako kung ilalagay ko ba dito o hindi. Pero bahala na, bahala na si G.