Naranasan kong mawalan ng isang miyembro ng pamilya, madapa mula sa mga batong nakaharang sa aking dinadaanan, sumuko sa mga problema, maging mahina na tila ba na wala ng pag-asang lumakas pa, nahirapang hanapin ang pagkatao, hindi alam kung saan tutungo at ano tatahakin.
Hindi naging madali para sa akin ang meron ako ngayon. Para akong isang ligaw na tupa sa masukal at mapanganib na kagubatan. Parang isang preso na naghihintay kung kailan palalayain mula sa mga rehas na nakaharang at mga kadena na nakagapos sa aking buong katawan.Maraming nakapagsabing lumalaki akong may matigas na puso at galit sa buhay.
Hindi ako isang magandang modelo sa mga kababata ko. Kung kaya't ako'y inaaway at ang karamiha'y, binabalewala ako.Oo, mahirap akong pakisamahan. Oo, hindi ako mabuting anak at kapatid. Oo, walang tumatagal sa akin na mga kaibigan. Oo, marami akong nabibigyan ng sakit sa ulo. At oo, pangit ang ugali ko. Ngunit, hindi ninyo ako masisi kung bakit ako ganito.
YOU ARE READING
KAYA
RandomThis was written when I'm in Senior High School. Nagdadalawang isip ako kung ilalagay ko ba dito o hindi. Pero bahala na, bahala na si G.